"Anak, halika dito kay mama...
tahan na anak, nandito lang si mama para sayo..."
MA...
"Tingnan mo anak! nag-luto si mama nang gusto mo..."
MAMA..!
"Anak anong nangyari sayo? Inaway ka na naman ba nang mga batang iyun?...
MAMA.!!!
...tandaan mo ito anak, kahit ayaw pa saiyo nang mundo...
MAMA HUWAG KANG UMALIS!
...nandito lang si mama para saiyo."
-------------------
Bilang napatayo si Aurea sa kanyang kama habang mahigpit na yakap yung unan nya, pawis na pawis sya sa buong katawan.
Tumingin siya sa orasan na nakapatong sa lamesa sa gilid nang kama nya.
"Kailangan ko nang mag-ayos, baka ma late pa ako..."
Tuluyan na siyang tumayo at dumeretso sa pinto na papunta sa C.R nang bahay nila.
pagkatapos niyang maligo ay inilabas niya mula sa cabinet iyong uniform nya. Matagal niya itong tiningnan na parang merong iniisip..
Highschool na ako...
Bagong paaralan at... bagong kaklase..
...siguro ngayon meron na akong magiging kaibigan!
she smile at the thought, matagal na din kasi siya nag iisa at inaasam niya rin iyong taong matawag niya ding bestfriend.
Masaya niyang isinuot yung bago niyang uniporme at lumabas na sa kwarto niya. Dumeretso na siya sa kusina at sinimulan iyong pagluto nang umagahan para sa iba pa nyang kasama sa bahay.
Nang naka handa na ang lahat pumunta na siya sa kwarto nang lola niya..
"lola... gising na po! nakahanda na po yung umagahan!"
dahan-dahang bumukas yung pinto at isang matandang babae ang lumantad sa harapan niya.
"o hija, aba mukhang ready ka ah?! kumain kana ba?" masayang tugon nang lola niya.
"Hindi na po, baka ma late na po ako eh"
"Ahhhh... kung ganun mag-iingat ka ha, umuwi ka agad pagkatapos nang klase mo."
"opo!" humalik na siya sa pisngi nito at tumakbo pababa nang hagdan.
Lalabas na sya sana nang pinto nang bigla siyang bumagsak sa sahig.
Something was blocking her path! napatingin siya kung sino iyun.
"Aurea, sorry ha!" said a deep voice.
"pasensya na Don, kasalanan ko din." na tinutukoy nito yung taong bumanga sa kanya.
Don was her childhood friend (cliché right?) mula nung lumipat na siya sa bahay nang lola nya magkasama na silang tatlo. Isang taon lang naman yung agwat nito sa kanya pero kung gumalaw parang matanda na. He looked like any other boy out there. He has slightly long ebony colored hair which was usually slicked back, he had eyes na kasing itim nang uling at aquiline shaped yung ilong nito. Normal din yung build nang katawan pero dahil meron itong trabaho sa pier nagkaroon sya nang kaunting muscles.
"Naku naman, halika ka nga dito" napayuko yung lalake at binuhat si Aurea patayo.
"Ang bigat mo na talaga!" patawa nitong sabi.
"Talaga?... AH! Don mamaya na lang tayo mag-usap, late na ako eh!"
"Ganun ba? Gusto mong ihatid kita?"
"Huwag na, oo nga pala naka handa na yung umagahan niyo ni lola."
"Ang bait mo namang bata." pang-compliment nito sa kanya sabay gulo nang buhok ni Aurea.
"Sige aalis na ako." pagpapa-alam ni niya.
"Mag-iingat ka!" sabi nito habang lumalakad patungo sa loob nang bahay.
Kaya mo ito Aurea, ngayong taong ito, wala na talagang makakalimut sayo!
BINABASA MO ANG
Forget Me Not
RomanceHindi naman ako humihingi nang sobra... pero bakit... bakit ba... walang pumapansin sa akin? pangit ba ako? masama ba yung ugali ko? ang sama ko bang tao? sana sa huli... isang bagay lang yung hinihiling ko... please.. FORGET ME NOT