Syd's Sidestory (Part 2)

228 17 19
                                    

SYD'S SIDESTORY PART 2.

Vote. Comment. Enjoy.

_____________________________________________________________

Pumasok na ko ng kotse. Kakagaling ko lang kasi ULIT sa c.r. Kabanas tong babaeng to. Sukahan ba naman ako ng dalawang beses?? Psh.

"Hmmm. Ang bahooooo!" sabi nya pagkapasok ko at lumayo ng kaunti. Sa passenger's seat sya nakaupo. Katabi ng driver's seat.

"Oo nga eh. Ang BAHO! Suka mo kasi to!" sarcastic kong sagot. Nakakabanas eh.

"Talaga? Soooorryyyy!!!" tapos ay nilapit nya ang sarili nya sakin at sumandal sa balikat ko. Psh. Kung di lang to maganda eh, di ko to papatawarin.

"Papayagan kitang sumandal sakin pero wag mo na ulit ako susukahan ah!"

"Yes boyfie ko!" isipbata pala to kapag lasing? Hahaha sarap pag-tripan.

Hinarurot ko na ang kotse atsaka umalis sa parking lot.

"Uwaaaaaah! Mabagal lang! Baka masuka ako!!" natakot naman ako dun kaya binagalan ko. Ayoko na masukahan ulit.

Habang nagmamaneho di ko maiwasang mapatingin sa kanya. Alam nyo kung bakit? Ang ganda nya pag tulog. Parang ang amo amo ng mukha nya. Hindi katulad kanina dun sa bar nagpaka-wild sya.

Napabalikwas ako ng upo ng bigla syang magising at tumitig sakin.

"why are you staring at me?"

"h-huh? I didn't."

"i can feel it. You're staring a while ago, at me."tapos ay pinulupot nya ang braso nya sa baywang ko. Yung para bang niyayakap?

"why did you agree to be my boyfriend?" tanong nya ulit na ikinagulat ko.

"because i want to." sagot ko naman, kahit na hindi yon ang dahilan. Sa tingin ko kasi, gusto ko sya.

"didn't you realize? I'm drunk. Maybe tomorrow i might forget you. Forget about what happened. Forget that you have become my boyfriend. Aren't you scared of that?" nag-isip muna ako ng isasagot. Kahit lasing sya kaya pa rin nyang magtanong ng mga ganyan? Ang cool lang.

"maybe, you're right. You might forget about me, you might forget about what happened. You might forget me being your boyfriend. But i'm not scared. Because i will never gonna forget. If you will forget me, then i'm the one who will remind you and help you remember." kahit na alam kong lasing sya at makakalimutan rin nya ang sinabi ko, umaasa pa rin ako na sana ay maalala nya.

"well then, i'm gonna say sorry in advance. If i forget about you, please do remind me that you're my boyfriend." atsaka pinikit na nya ang mata nya at tuluyan nang natulog.

~oOoOo~

"Ah, pre salamat sayo ah. Buti na lang at nandyan ka. Hinatid mo pa talaga sya dito. Pwede magtanong? Pano mo nalaman kung san sya nakatira?" sabi ng lalaking sumalubong sakin sa tapat ng bahay nila. Ang bigat naman ni Jen! Buhat-buhat ko kasi eh.

"Ah, tinignan ko yung wallet nya. Nandun yung mga informations tungkol sa kanya at nakita ko na rin yung address ng bahay kaya dumiretso na ko dito." at pinasa ko na sa lalaki si Jen.

"Stephan!! Nandyan na anak ko? Salamat sa Diyos at ayos lang sya!" sabi naman ng di-katandaang babae na sa tingin ko ay nanay nya. Nag-alala talaga sila sa kanya.

Umbrella [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon