WFGAC. JMBV <3

450 11 5
                                    

“Let’s have coffee. Same old place. 3pm. I hope you could come! See you!”

Tinext ko siya. At sana, kahit di siya magreply ay pumunta siya.

Ako si Jose Marie Borja Viceral.

23 years old.

Mas kilala sa tawag na Vice.

Isa akong may-ari ng mall at nag-susupervise ng isang department store.

May business ang family namin, at yun nga, isa sa mga branch nito ay nakapangalan na sa akin.

Chickboy type. Pero seryoso ako when in comes to relationship.

Lalo na pag natamaan talaga ako.

It happened, only once.

Sa babaeng iniwan kong nakalutang.

Sa babaeng iniwan kong nasaktan.

Sa babaeng iniwan kong maraming tanong sa isip niya kung bakit ko ginawa iyon.

Sa babaeng nagpabago ng buhay ko.

Alam kong napakasama ko kase ginawa ko sa kanya iyon. When in fact, she deserves an explanation. At kailangang malaman niya ang totoo. Kung ano ang pinagdadaanan ko. Kung ano ang mga problema ko. Kung ano yung sakit ko.

Pero ayoko kasing mag-alala siya. Ayokong may pag-alala sa loob niya habang magkasama kami. Ayokong bigyan siya ng pangamba sa isip at puso niya na baka isang araw, mawala ako ng tuluyan sa kanya. Ayokong isipin niya na iiwan ko rin siya pagdating ng araw. Yung iiwan ko siya na wala nang balikan.

I’m a cancer survivor. Bone Marrow Cancer, and it was stage 4 already ‘nung kami pa. At pangalawang balik ko na yun. I had cancer bago pman naging kami. Na-diagnose ito ng doctor when I was still 14 years old. And when I turned 16 years old, tinaningan na ako ng doctor na kung hindi ko daw mapapanatili ang chemo therapy ko, I only have 6Months left. At sa awa naman ng Diyos, nagtagal pa ako. Hanggang sa nagging kami ni Ana Karylle Padilla Tatlonghari.

Alam kong magkakabunga ang pagmamahalan namin ‘nung gabing may nangyari sa amin.  Pero tila nakalimutan ko lahat ng iyon when another bad news about my health came. At pinagsisisihan kong iniwan ko siya nang ganun-ganun na lang. Alam kong malaki ang pagkakasala ko kay Karylle. At sana, mapatawad niya pa ako. Lalo na ngayong may mga anak na kami at tatlong taong gulang na.

“Shit. It’s quarter to three na pala. I have to go.” Napasapo ako sa ulo ko ng di ko namalayan ang oras sa katatrabaho. Biglang tumunog ang phone ko.

1 messaged received.

From Bb. Kurba.

I’m on my way.

Napatulala ako sa nabasa ko. I mean, yes! Makikipagkita siya sakin. *ngiting tagumpay*

Dali-dali kong iniligpit ang mga gamit ko at ibinilin sa sekretarya ko na kung may maghanap sa akin pasabihan nalang na busy ako.

Pagkapasok ko pa lang ay nakita ko na ang isang mala-anghel na dilag na nakaupo sa may right side na pinakasulok ng Strabucks Trinoma. Nanginginig na ako sa  kaba.

“Hi.” Formal kong sabi sa kanya while I offered my right hand to her para makipag-shake hands.

Tumingala naman siya sa akin at inabot ang kamay ko.

“You’re late, again.” Sabi niya na seryoso ang mukha.

“I-I’m sorry.” Napayuko ako ng sinabi ko yun.”

“Haay, nako Jose Marie you never did changed.” Pinipigilan niyang tumawa.

“Yes. I never did. Kase hanggang ngayon, mahal pa rin kita.” Nasabi kong bigla. Hindi ko rin alam kung bakit.

Biglang nanahimik kaming dalawa.

When Fate Gives Another Chance (ViceRylle Love Affair)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon