Shawn 1 : Rejected

40 7 0
                                    

Shawn 1 : Rejected

Shawn's POV

"So whats the matter bro?" Tanong ni Cam kay Nash.

Andito kami ngayong tatlo sa kwarto ko dahil pinatawag kami ni Nash at may sasabihin daw siya. Actually nasa kalagitnaan na talaga ako ng tulog ko pero may umistorbo lang.

Tinignan niya kami ni Cam ng seryoso. Pfft... Kelan ba naging masaya yan?

Pero sana nga importante ang sasabihin niya dahil nageffort pa akong gumising.

"I'm leaving." Sabi niya.

Huh? Ano daw?

Aalis daw? Ginising niya ako sa tulog ko para lang sa pupuntahan niya? Akala ko pa naman napakaimportante ng sasabihin neto. Pwede naman siyang umalis ng walang paalam or itext nalang kami.

"Thats it?" Tanong ko na parang nabored.

Talagang bored. Sino bang hindi kung gisingin ka sa kalagitnaan ng tulog mo para lang sa wala?

May pupuntahan lang naman siya, kaylangan pa niyang sabihin ng ganitong oras. Wrong timing naman, pwede namang bukas nalang.

"So I came all over here just because you're leaving?" Tanong ni Cam.

Siguro pareho din kami ng iniisip na.... useless lang ang effort namin.

"No." Matipid na sagot ni Nash.

Bakit kasi hindi nalang niya kami diretsohin? Pinapatagal pa niya.

"Then what?" Tanong ko. Huminga siya ng malalim at kita kong hinawakan niya ng mahigpit ang bed sheet ko.

"This friendship is over." Sabi niya. Napatigil kami ni Cam at nagtinginan tas tumawa ng malakas.

May lahing joker talaga tong lalaking to. Isipin niyo ba naman pupunta pa dito ng kalagitnaan ng gabi para magpatawa.

"What did you say?" Tanong ni Cam sabay tawa pero seryoso padin ang itsura ni Nash.

"Shut up." Bulong ni Nash pero narinig parin namin.

Napatigil nalang kami ni Cam at tinignan siya na parang naguguluhan.

"I said... I don't want both of you to be my friends anymore." Sagot niya habang tinitignan kami. Napatulala naman kami ni Cam sa sinabi niya.

Seryoso ba siya? Kilala ko si Nash, tinutupad niya ang mga pangako niya pero ano tong pinagsasasabi niya?

"Why?" Tanong ni Cam.

"Because I want to." Sagot naman ni Nash.

Naging seryoso ang ekspresyon ng mukha namin dahil mukhang totoo talaga ang sinasabi ni Nash na tatapusin na niya ang friendship na 'to.

Huminga ako ng malalim at hinarap siya.

"What about our oath?" Tanong ko.

Oo, nagpromise kami sa isa't isa na hinding hindi kami magiiwanan kahit na anong pagsubok ang dumating pero anong pinagsasasabi niyang 'friendship is over'? 12 years na kaming magkakaibigan at ngayon pa niya gustong umalis.

"Our oath? Then I'll break it." Sagot niya na parang baliwala lang sakanya ang lahat.

"What the fuck are you talking about?" Tanong ni Cam na mukhang naguguluhan.

Hindi lang naman siya ang naguguluhan dito, ako din. Iiwanan kami ni Nash at wala pang dahilan.

"If you have problem? Lets talk about it." Suggest ko pero umiling lang siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RecklessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon