Balloon po pala...

2 0 0
                                    

Araw noon ng mga kaluluwa.

Napagpasiyahan ng dalawang mag-asawa na magpunta sa sementeryo.

Ang mag-asawang iyon ay may iisang anak, si Merrie, 5 taong gulang.


Pagkarating nila sa sementeryo ay nag-alay sila ng bulaklak at dasal para sa namatay niyang lolo at lola.

Matapos ang kanilang pagdadasal ay sakto namang dumating ang pamilya ng pinsan niyang si Peter na kasing edad rin niya. Nang magkita ang dalawa mula sa malayo ay nagtakbuhan sila palapit sa isa't isa habang isinisigaw ang pangalan ng bawat isa hanggang sa magyakapan silang dalawa na para bang buong buhay nila silang hindi nagkikita.

Natuwa ang mga magulang nila lalo na sa reaksiyon ng mga ito sa kanilang pagkikita.

Doon ay muling nagkasama ang dalawang pamilya. Napagkuwentuhan rin nila ang lahat ng naiwang memorya ng namatay na mahal nilang kamag-anak.

Maya-maya nama'y may napadaan na nagtitinda ng lobo. nagpumilit ang dalawa na ibili sila noon. 

Magkapareho pa sila ng piniling disenyo nito.

Habang naglalaro ay biglang nagkainitan ng ulo ang dalawang bata. Pareho silang nagpapayabangan sa kaniya-kaniyang lobo, na mas maganda raw ang ganito, ang pangit ng kaniya, mas pangit ang iyo... Hanggang sa nag-iyakan na sila.

Sinaway din naman sila ng kanilang mga magulang.

"Sige kayo. Magagalit sa inyo sina nanay at tatay. Bahala kayo."

Ilang saglit pa ay humingi din ng tawad sa isa't isa sina Merrie at Peter. Nagkabati rin sila.

Pag away bata nga naman. 


Inabot na sila ng gabi doon kaya't napagpasiyahan na nilang magpaalam sa isa't isa. Bago sila umalis ay nag-iyakang muli ang mga bata. Nagpaalam na din sila sa kanilang lolo at lola.

"Daddy, bibigay ko na lang 'to kila nanay.", biglang sinabi ni Merrie sa kaniyang daddy habang sumusinghot-singhot pa ng kaniyang sipon mula sa pag-iyak.

"Ha? eh bakit?", tanong ng daddy niya.

"Para po happy sil sa heaven...", ang sagot nito.

"Hmm... sige, ikaw ang bahala. Baka mamaya, hanapin mo 'yan tapos mag-iiyak ka ulit."

Ngumiti lang si Merrie saka niya pinakawalan ang lobo at pinanood itong lumipad pataa.

"Bye bye...", pamamaalam pa nito.


Habang pinanonood nila itong lumayo, nagulat sila nang makitang sumunod pang isang lobo.

Napatingin ang lahat kay Pete...

"Para tig-isa sila nanay at tatay. Para mas happy sila..."


...Wakas...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SaranggolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon