Chapter 5: FRIDAY

1 0 0
                                    

Kakagising ko lang at inaantok pa din ako ginabi na din kasi ako natulog kagabi

naisipan ko nang tumayo at mag unat unat bago maligo

nagsimula na akong maligo



After 20 minutes natapos nadin ako magilo

Isinuot ang uniform

nagpatuyo ng buhok

trinintas ko ang buhok mabago lang ichura ng buhok ko lagi nalang kasi nakalugay

pagtapos kong ayusin ang sarili ko bumaba nadin ako para kumain gutom nadin kasi ako

"Oh andyan kana pala kain na" sabi ni mama

"Ma pwede Sinagang na hipon nalang ulam natin mamaya namimis ko na po kasi" sabi ko kay mama

"Sige wala din naman ako maisip na lulutuin mamaya eh" sabi ni mama

"Yes! Aagahan ko Mama makauwe" sabi ko habang nakangiti

"Oh sige na ipagpatuloy mo nayang pagkain mo at baka malate ka pa

Pagkatapos ng ilang minuto tapos na din ako kumain

"Ma alis nako" sigaw ko

"Bye anak" sabi ni Mama

"Bye ma" sagot ko

nakasakay na ko sa jeep at inaantok ako kaya naisipan kong matulog muna habang matagal pa yung byahe

Makalipas ang 30 minutes nakadating nadin ako, minsan maaasahan din ang traffic napatagal yung tulog ko

habang naglalakad ako nakasalubong ko si Jane isa mga kaibigan ni Blue nakilala ko si Jane sa SSG kaya pag nagkikita kami hindi mawawala saamin na mag ngitian o mag kamustahan

"Oi ikaw pala Sky musta na! may project bang gagawin SSG ngayon?" sabi ni Jane

"Ok lang naman ako, Ikaw musta na?" sagot ko

"Ito lumalove life hehehe" sabi ni Jane

"Ah oo nga pala nabalitaan ko nga yon dami tuloy umiiyak na kababaihan ngayon" sabi ko

"Haha well mas maganda ako sa kanila eh hehe joke lang" sabi niya

"Sige una na ko baka malate pa ako sa first class ko, pakasaya ka sa love life pabayaan mo sila umiyak" sabi ko habang nakangiti

"Sige kita nalang next time" sabi ni Jane

"Asahan ko yan, bye!" sabi ko sabay takbo paakyat sa hagdan

habang tumatakbo ako napansin ko na may makakasalubong akong lalaki at alam kong kilala ko iyon pero bago ko pa lingunin kung sino yun ay nadapa nako at napahawak nalang sa hita ko na nagasgasan at nasugatan

"Bwiset naman kung kailan naman nagmamadali, bakit ba kasi ngayon pa nangyari to" sigaw ko dahil sa pagka badtrip ko sa sakit nang sugat ko

Pinilit kong makatayo para makapunta na sa Clinic dahil ang sakit na talaga

pero bago pa ko maka react.....

"Miss okay ka lang?

"Yung totoo hindi masyadong malala kasi pagka bagsak ko eh" at sa tingin ko namumula nako, pano ba naman si Blue yung nag tanong sakin

"Nakita ko nga! Okay lang ba sayo kung kargahin kita papunta sa Clinic?" sabi niya

parang nag karoon ng fireworks sa loob ng puso ko nang sabihin niya yon, kaya ito kilig kilig lola niyo

"Sure bakit hindi wala nadin naman ako choice, hindi ko kaya ilakad mga paa ko" nakangiti ako habang sinasabi

Ngumiti siya sakin at bumaba siya onti para makasakay ako sa likod niya

nang makasakay ako sakanya pinapulupot niya ang mga kamay ko sa leeg niya para daw hindi ako mahulog at saka niya kinarga yung dalawang hita ko

habang papunta kami sa Clinic napansin ko na maraming nakatingin saming mga studyante kaya parang nakaramdam ako nang onting hiya

Sa wakas nandito na kami sa Clinic, akala ko aalis na siya dahil nadala naman na niya ako dito pero hindi parin siya umaalis

"Kunin ko muna yung first aid kit dito muna kayo okay" sabi nung nurse

"Bakit di ka padin umaalis? Wala ka bang klase? baka malate ka dahil sakin" sabi ko kay Blue

"Sa totoo lang kaya kita sinamahan dito dahil tinatamad ako pumasok sa klase ko at hindi dahil may care ako sayo" sabi niya

"Kala mo naman kinikilig ako, pumayag lang ako dahil di ko din kaya tumayo" sagot ko sakanya

Asar gwapo na sana pangit lang nang ugali, kala ko pa naman type niya ko di naman pala, ginamit lang ako para di makapasok sa klase niya

nakabalik na yung nurse at kinakabahan na ko dahil mahapdi yon

"Okay saglit lang to relax lang" sabi nung nurse

1 2 3

napahak ako sa braso ni Blue dahil sa kaba

"Aray ko😭" sigaw ko

"Ang hapdi po pwede po bang wag nyo nang lagyan niyan" pagmamaka awa ko sa nurse

"Hindi pwede Iha madumi pa yung sugat mo di agad gagaling yan pag di natin nilinis" sabi nung nurse

"Magpalinis ka na nga nang sugat mo wag kana mag inarte jan hindi cute tingnan at di rin bagay sayo" sabi ni Blue

"Bakit sa tingin mo nag papacute ako sayo asa ka sadyang ang hapdi lang nang sugat ko" sabi ko sakanya

""Aray ko naman po" sabi ko

At sa wakas natapos nadin gamutin yung sugat ko

At ewan ko ba nag inarte to si Blue sa nurse na nahihilo daw siya kung pwede daw ba magpahinga siya dito yun namang nurse uto uto, gusto lang naman talaga ni Blue matulog at hindi pumasok sa klase niya eh at hanggang ngayon tulog padin siya

"Oi gising na uwian na" paggising ko kay Blue

"Edi umuwi ka na" sabi niya

"Uuwi na talaga ako tingin mo hihintayin kita mukha mo" pagkatapos ko sabihin yon naglakad nako palabas

"Ah wait nga lang pala sino maghahatid sayo" sabi niya

"Edi ako sino pa ba" sabi ko

"Wala ka bang kaibigang maghahatid sayo"tanong ni Blue

"Meron akong kaibigan pero tingin ko akala nila absent ako dahil di naman ako nagpakita sa kanila buong araw kaya umuwi nayong mga yon" sagot ko at lumabas na

masyadong mabagal ang paglalakad ko dahil sa sugat ko ang sakit padin kasi hanggang ngayon

"Oi hahatid na kita baka ano pa mangyari sayo" sabi ni ....

"Oh kala ko ba matutulog ka pa " pagtataray ko sakanya

"Naisip kong hindi ko kayang pabayaan yung babaeng tumulong sakin na hindi pumasok sa klase ko at dahil don nakapag pahinga ako" sabi niya

"Tumatanaw ka din pala ng utang na loob" sabi ko

"Hindi naman kasi ako ganon kasama no" sabi niya

"Ano piggyback ride?" alok niya

"Sige na nga" sabi ko

"Pakipot pa eh" sabi ni Blue

"Ewan ko sayo pero thank you ulit " sabi ko sa kanya

magulo ang naging araw ko ngayon pero sa tingin ko masaya parin naman kahit nagka sugat ako











TO BE CONTINUE......








He Loves MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon