Napahawak ako sa pisngi ko.
Ramdam ko ang pagakyat ng dugo ko.
Yung mga kaibigan ko na kasama ko sa gymnasium, sa'kin nakatingin at halatang gulat din sila.
"Yown si Andie!" Sigaw sakin ni Christian, kaibigan ko.
Ano'ng nangyari? Uhm. Hindi pa siya totally nagsisink-in sa utak ko.
Did the guy I like... okay, scratch that... LOVE just kissed me?
OA na kung OA kahit sa pisngi lang. But this is my first kiss. And it was stolen from me. Yet, I am so happy.
This is the last day of our freshman year. And with this thought, bigla akong nalungkot. Though, makikita ko pa naman siya after vacation.
Niyaya ko ang friends kong magcr para magsalamin dahil namula daw ako ng todo.
May sinasabi sila pero hindi ako nakikinig dahil I can't get over.
Ng pagbalik namin sa gymnasium, nagpaalam siya sakin.
"Bbye Andie."
"Bbye Bj."
He's Bj, kaMU ko. I love him so much kahit sira ulo siya.
Dahil nga last day na ng school year, naggala kami ng classmates namin. Pero bago kami umalis ng school, kinausap ako ng Boy Best Friend ko.
"Magbabago din yang nararamdaman nyo."
Sinabi nya yan dahil nga vacation namin. Nasaktan ako dun ng onti. Sa idea na baka nga may magbago.
Pero naisip ko, hindi. Walang magbabago. Mahal ko siya at mahal nya ko. Walang magbabago.
Nung nagvacation na, siya lang ang katext ko.
Kuntento naman na akong siya lang ang katext ko e.
Hindi siya yung tipon ng taong mapuyat. Maaga silang pinatutulog sa kanila pero hanga ako sa kanya. Nakikipagpuyatan siya sakin buong summer. May oras pa ngang natutulugan ko siya kahit ako ang expert sa puyatan e.
Masaya lang buong summer. Buong summer nga sana kaso... malapit na magpasukan pero di pa din nya ko tinetext. 3 weeks na siyang hindi nagtetext. Itetext ko na sana si Bj nang may bigla akong naalala.
"Magbabago din yang nararamdaman nyo."
Napailing ako. Wala naman ah. Walang nagbago. Siguro naging busy lang siya? O baka ine-enjoy ang last few weeks ng vacation? Or biglang nalugi ang negosyo nila kaya wala na siyang pangload? Basta alam ko, walang nagbago.
Malapit na rin naman magpasukan e kaya kaunting tiis na lang siguro. Hindi naman kailangang lahat ng time nya ay sa'kin e, diba? Iintindihin ko na lang siya basta alam kong mahal nya 'ko at mahal ko din siya. Nagawa nga nya akong halikan diba? Kaya malaki ang tiwala ko sa kanya.
-----
Yes! Pasukan na! Makikita ko na ulit siya! At dahil nga excited na 'ko, 6 pa lang e nasa school na ko. Excited na excited na talaga ako kahit na wala akong kaclose na new classmates ko.
Nagpagala-gala ako sa tapat ng classroom nila dahil gusto ko na talaga siyang makita at para na din makamusta ang former classmates ko syempre.
Fast forward...
Recess na. Since bago ang classmates namin, yung magclassmate last school year pa din ang magkakasama-sama. So I decided to join my barkada.
"Kamusta kayo ni Bj?" tanong sakin ng bestfriend ko na si Bella.
Halata naman sa mukha nya na para bang may ipinahihiwatig siya sakin. My best friend is so supportive pagdating sa love life ko. Pero after the summer vacation, parang gusto nya akong ilayo ka Bj. Para bang nawalan siya ng tiwala dito.
Sa lumipas na 1 week, naisip ko na para bang wala na yung nararamdaman nya sakin. Iba na e. Hindi na din kami naguusap. Ni hindi nga siya tumitingin sakin e. Hindi nya na din ako tinetext. Eto siguro yung hirap na dala ng walang communication. Importante talaga ang communication sa isang relationship, at yun ang nawala samin.
So, eto, second week namin. Tinatamad na kong pumasok kasi wala naman na yung inspirasyon ko sa pagpasok. Hindi na nya ko pinapansin so parang wala na din. Pero nagkamali ako ng akala. Tumakbo ako papunta sa AV faculty para humiram ng cassette kasama ang classmate ko. Katatapos lang ng recess namin nun kaya nagmadali akong bumalik sa room namin.
Sa hindi inaasahang pangyayari ay nakasalubong ko si Bj. Mabilis na tumibok ang puso ko. Hindi dahil sa pagtakbo ko. Hindi dahil sa kaba ko na baka malate ako papunta sa room. Pero dahil sa boses nya. Sa boses nyang matagal ko ng hindi narinig. Namiss ko yung boses nya. Pero sa kasamaang palad, magta-time na nun. Kung kailan naman kinausap na nya ko.
Madaming nangyare after that day. Nagsunod-sunod na din ang pakikipagusap nya sakin, pero... A month passed pero parang lalong nanlalamig ang relationship namin as MU. May nabalitaan din akong may iba na siya. Nagselos ako, nagalit ako. Pero tinago ko lang yun sa sarili ko. Tinago ko yun kasi alam kong wala akong karapatan. KaMU nya lang ako. Hindi nya ko girlfriend.
Dahil sa pangangailangan ko ng karamay, naikwento ko yung nalalaman ko sa dalawa kong best friend.
"Kausapin mo na kasi. Bakit ba natatakot kang kausapin siya?"
"Oo nga. Para hindi ka na nasasaktan. Linawin mo na din para makamove on ka na."
Ginawa ko yung sinabi nila. Nagkaroon ako ng paraan para makausap siya. Kaibigan ko ang isa sa mga kasama nya lagi. At dahil dun, nagkaroon kami ng tulay. Nagkaroon kami ng pagkakataon para makapagusap. Sa tuwing naman nasa tabi ko na siya, umaatras ang dila ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Baka naman wala ng dapat pagusapan. Wala naman akong karapatan e diba. Pano kaya kung wag na lang.
Dahil sa para akong pipe sa mga oras na yun, ang mga kaibigan ko na ang nagtanong ng bagay na kay tagal ko ng nais linawin, "Bj, aminin mo nga. May bago ka na ba?" Hinintay ko ang sagot nya. Handa na kong masaktan sa mga oras na yun. Kasabay ng pagsabi nya ng 'wala' ay ang pagdurog ng puso ko. Oo nais kong linawin kung anong meron kami, pero alam kong may bahid ng pagsisinungaling ang sagot nya.
"Mahal mo pa ba si Andie? MU pa din ba kayo?" magkasunod na tanog ng kaibigan ko. Oo ang sinagot nya, at sa mga pagkakataong yun ay naglakas loob akong magsalita, "ano mo si Eba?" Si Eba ang babaeng sinasabi nila na bago ng nagmamayari ng puso ni Bj. Nasaktan ako sa naging sagot ng kaibigan nya. "Crush nya!"
Alam kong iba ang paghanga sa pagmamahal, pero hindi ko maitatangging nasaktan ako. Kusang tumulo ang luha ko sa harap ng mga kaibigan ko, sa harap ng mga kaibigan nya, sa harap ng pinsan nya, sa... harap nya. Dahil sa sobrang sakit ng naramdaman ko, nagkaroon ako adrenaline rush para magwalk out, at tumiming naman ang pagtatapos ng lunch break.
Pagkatapos ng pangyayaring yon ay hindi na akong nagbalak na makipagusap pa sa kanya. Nadinig ko na ang dapat kong madinig. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hanggang sa oras na iyon ay siya pa din ang minamahal ko.
Months passed, nagkaroon ako ng bagong kaMU na panandalian lamang. Pagkatapos noon ay bumalik rin ako kay Bj. Ang halik nya sakin ang nagpapatatag sa akin. Alam kong wala na, pero patuloy pa rin akong umaasa...
(to be continued...)
BINABASA MO ANG
Forever (Short Story)
RomanceNage-exist ba talaga ang 'forever'? Well for me, nage-exist ang 'forever'. Pero mahahanap mo lang yun kung mamahalin mo ang isang tao ng tapat at totoo, at ganun din siya sayo. May mga panahon na akala natin siya na yung "forever" natin. Pero darati...