His POV
Lahat ng naging GF ko di ko sineryoso dahil wala sa kanila ang masasabihan ko ng 'SHE'S THE ONE'
Umaasa ako na balang araw makikita ko rin ang babaeng hinahanap ko.
Nandito ako ngayon sa isang bench sa school namin umaasa na makikita ko siya ngayon pero mukhang malabo. Aalis na sana ako sa pwesto ko nung may makita ako isang babaeng umiiyak, namalayan ko na lang na lumalapit na ako sa kanya. Pagkapunta ko sa pwesto niya inabutan ko siya ng panyo medyo na shock siya nung una pero kinuha niya rin ang panyo at sinabing "Thank You". Gusto kong malaman bakit siya umiiyak pero pinagilan ko ang sarili kong magtanong baka magalit pa siya at sabihing tsismoso ako. Aalis na sana ako ng bigla siyang nagsalita.
"Di mo ba itatanong kung bakit ako umiiyak?" Tinigan ko siya bago ko sinagot ang tanong niya
"Di na baka sabihin mo tsismoso ako" Tumawa siya ng konti, kahit saglit lang nawala yung lungkot sa mata niya
"Upo ka dito sasabin ko sayo, tutal naman inabutan mo ko ng panyo tsaka hindi naman kita kilala kaya ayos lang" tulad ng sinabi niya umupo ako sa tabi niya , pagka upo ko nagsimula na siyang mag kwento habang nag ke-kwento siya nakaramdam ako ng lungkot sa boses niya at nagsimula siya ulit umiyak. Ganun niya kamahal yung lalake na nakuha niya pang magmaka-awa para lang balikan siya. Pagkatapos niyang magkwento tumayo ako at hinila siya papuntang Canteen, nagulat siya sa ginawa ko pero di naman siya umangal pati rin ako nagulat ako sa ginawa ko. Ano ba tong ginagawa ko? Hayy.Ewan ko. Bahala na.
2 weeks na rin ang lumipas nung nangyari yun , 2 weeks narin kaming magkaibigan at 2 weeks narin akong may nararamdaman para sa kanya. Gusto kong sabihin na gusto ko siya pero parang may pumipigil sakin.
"Uyyy...nakikinig kaba?" may sinasabi pala siya....tigilan ko nga muna ang pag-iisip tungkol dun
"Ahh---ehh---"
"Sabi na nga ba di ka nakikinig eh" hala nagtampo na ata siya skin
"Sorry...."sabi ko
"Ayos lang.........sabi ko pala kanina Kami na ulit nang ex ko :) " di ko alam ang re-react ko sa sinabi niya.Masakit, pero may parte sakin na natutuwa. Ewan, Ang gulo
"C-congrats" ngumiti ako pero pilit. Nagpaalam na ako sa kanya sabi ko may gagawin lang ako, pero ang totoo ayaw ko lang ipakita na nasasaktan ako
Pumunta ako sa bahay ng barkada ko nag-yaya kasi silang uminom..
"Musta na kayo nung crying girl?" tanong ng bestfriend ko
"Ayos lang mag-kaibigan na kami"sabi ko. Nagulat na lang ako sa sunod niyang tanong
"Mahal mo na ba?" Mahal ko na nga ba siya?
"Gusto ko siya pero........ewan ang gulo" sabi ko
"Pero parang hindi?" tanong niya
wala akong ma-isagot , di ko alam anong dapat isagot naguguluhan ako
"Tol alam ko naguguluhan ka....alam ko na nagkabalikan na sila ng ex niya....alam ko masakit para sayo yun pero.....alam ko rin na kinatuwa mo....Alam mo Tol baka naawa ka lang sa kanya nung araw na yun kaya nasabi mong gusto mo siya...Sige Tol iwan na kita" tinapik niya muna balikat ko bago siya umalis.. Napaisip ako sa huling sinabi niya Naawa lang ba talaga ako?
Ilang araw na ang lumipas nung nung nag usap kami ng bestfriend ko pero hanggang ngayon naguguluhan ako Alam ko sa isip ko na gusto ko siya pero iba sinasabi ng isip ko.....P*tcha naguguluhan na ako, napasabunot ako sa sarili ko. Napatigil ako sa pag sabunot sa sarili ko nang may nagsalita sa likod ko.
"Bakit mo sinasabunutan sarili mo?" humarap ako sa babaeng nasa likod ko. Bumungad sakin ang isang mukha ng inosenteng babae. Bat parang ang gaan ng loob ko sa kanya? Ano ba tong nararamdaman ko? Ang bilis ng tibok ng puso ko... Ano ba to?
"Wala lang" sabi ko
"Pwede ba yun?" tanong niya ng may halong pagtataka
Yung araw na yun nasagot ko lahat ng gumugulo sakin..
Yung araw rin na yun nakita ko na ang hinihintay ko....
At
Masasabi kong SHE'S THE ONE
Hope you like it :D