19. Seventeen ❌

14 1 0
                                    


Barabara's POV

"Bakla pahangin muna ako sa labas. " sabi ko kay Adam. Gusto ko lang talagang makapaghangin sa labas eh. "Gabi na baka mapano ka. " sabi niya sa'kin . Napaka concern naman tong boyfie ko. "Ano ka ba, magpapahangin lang ako. "

"O sige , pero samahan na kita" sabi niya naman. Ang kulit kulit talaga nito. "Wag na , dito ka na lang ! " kinocontrol ko ang galit ko pagkasabi ko nun. Ang kulit kasi. "O sige, saglit ka lang ha. "

Lumabas na kaagad ako. Gusto ko lang talagang magpahangin .

▶▶▶▶▶▶▶▶▶▶▶▶▶▶▶

Mae's POV

Nakakatakot na talaga dito. Ba't ba kasi nangyayari pa to?

"Girls , sino sa tingin niyo ang pumatay kay Sophia " sabi ni Joy . Kahit ako napapatanong rin . Nandito kami ngayon aa room. Kasama ko sina Joy, Anastasia , Lily, Rachel at April. Nasa sala pa kasi sila Erica at Aurora kasama ang mga boys.

"Sa tingin ko kasi si Erica kasi diba nagkasagutan sila kanina? " sabi ni April . Ano ba naman tong si April nagbibintang. "Oo nga kasi narinig ko rin na sinabi niyang mapapatay daw nita si Sophia pero biro lang niya yun. " sabi naman ni Rachel. "Omg! Baka siya nga! " sabi naman ni Lily. Nakuu . Ba't sila nambibintang.

"I think my point kayo dahil diba siya yung may ari ng island nato? " sabi naman ni Joy. " Baka siya nga ang pumatay kay Sophia. " sabi ni Anastasia

Magsasalita na sana ako. Pero pagtingin ko sa pintuan nandun na pala si Erica kasama si Aurora , nakikinig. Patay!

Erica's POV

Naisipan namin ni Aurora na pumunta na sa mga girls, at magpapahinga na sana kami. Pero nung malapit na kami sa kwarto , narinig namin ang kanilang pinag uusapan.

"Erica , i think you are their topic right now and i also think na they think you are the killer." sabi sa'kin ni Aurora. And totoo nga ang mga sinabi nya , ako nga talaga ang pinag uusapan nila. At hindi ko to palalagpasin.

"Excuse me. Ba't niyo ako pinag uusapan? !" sabi ko sa kanila. Nagagalit na talaga ako ngayon . Di ako makapaniwala na magagawa nila to sakin. "Ahm , Erica. " sabi namn ni Mae. Pa innocente pa to , eh magkasama silang naninira sa kin!

"Narinig ko lahat ng pinag uusapan niyo. Ba't niyo ba ako sinisisi ha?! Ano bang ginawa kong masama sa inyo?" Pasigaw kong sinabi sa kanila. Di ko na talaga sila maintindihan . Sa nangyari ngayon . Dapat nga kaming magdamayan o magtulungan, hindi magsisihan. "Oo! Sinisisi ka namin! Ikaw lang kasi ang naiisip namin na kayang pumatay kay Sophia!" Sabi naman ni Lily sakin . I can't believe this. Punong-puno na ako sa kanila . Ginagalit nila ako!

"Ako!? Dahil ako ang may ari ng isla, tama ba? Dahil ako rin ang huling nakasagutan ni Sophia ? Yun ba ang basihan niyo ha? Ba't di niyo na rin isisi sakin ang pagkakaroon ng climate change at global warming sakin!" Galit na galit na talaga ako ngayon . Naiiyak na nga ako dahil sa puot na nararamdaman ko.

"Shut up! You know what? You're all not helping with the situation! You're making it worse! And ba't kayo ganyan? Imbis na magtulungan tayo, ba't niyo iniipit si Erica!? Do you have evidence to prove that she's the killer huh? " galit na sabi ni Aurora. Walang nakasagot sa mga sinabi at tanong niya. " Wala namn pala kayong evidence eh, it's better to keep your mouth shut!" Pagkasabi niya nun, napalakas na yata kasi ang bangayan namin dito kaya nandito na ang mga boys.

"Anong nangyayari dito!?" Sabi ni Adam na takang taka. "These girls are really mean, sinisisi nila si Erica sa pagkapatay ni Sophia" galit pa rin na sinabi ni Aurora. Magsasalita na sana ang ibang boys ng nay narinig kaming sigaw.

"Si Barbara yun ah" sabi ni Luke

▶▶▶▶▶▶▶▶▶▶▶▶▶▶▶▶▶

Ivan's POV

Pagkarinig namin nun , tumakbo kaagad kami palabas para hanapin si Barbara , ang sabi ni Adam lumabas daw si Barbara para magpahangin lang.

"Barbara?! Nasan ka?" Lahat kami nagsisigaw na para mahanap lang kung nasan siya. Baka... baka.. siya na ang susunod. Para mapadali ang paghahanap , nag hiwahiwalay kami,. Ang iba naghanap dun sa Resthouse , pero kaming tatlo ni Aurora at Anastasia at iba pa ay naghanap dito sa kagubatan.

Matagal na kami ditong naghahanap , pero wala pa kaming nakikitang bakas ni Barbara , ang hirap hirap kasing maghanap kung ganito kadilim. " Guys.. si.. si Barbara ba to?" Sabi ni Aurora , lumapit kaagad kami ni Anastasia sa sinasabi ni Aurora, at nung tinutok namin ang flashlight." Oo si Barbara yan!" Sabi ko kaya tumakbo kami agad papunta sa mga kasama namin para ipaalam sa kanila.

"Guys! Si Barbara nakita na namin. " pagkasabi nun ni Anastasia , tumakbo kaagad kaming lahat papunta sa kung saan namin siya nakita.

" Oh my gosh. Ibaba niyo si Barbara. Baka buhay pa siya" sabi ni April. Nakabitay kasi ng pabaliktad si Barbara sa isang malaking puno. "Asawa ko! " sabi ni Adam na halatang halata na umiiyak.

"Ano buhay pa ba? " tanong ni June. " Guys, patay na siya. " sabi ni Raphael. Nakakaawa naman tong di Adam. Grabee ang iyak. Ini isa-isa na talaga kami , sino na kayang susunod?;

▶▶▶▶▶▶▶▶▶▶▶▶▶▶▶

Author's Note

So okay lang ba ang chapter na to guys ? Haha ang hirap2 palang gumawa ng horror/mystery na story . Nakakapressure kng anong mangyayari sa pagpatay. HAHA sorry po kung hindi kayo masyadong natatakot, nagsisimula pa kasi ako. Choss.

So sa tingin niyo sinong susunod ang mamatay? ( Comment kung may naiisip kayo)

Thank you nga pala kay GuianAprilMaturan for always voting. Love you guian . And sa lahat po ng bumabasa at nagvovote thank you din po kahit hindi pa po kayo masyadong marami.

Dea

After SixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon