Livingroom

74 4 0
                                    

Nasa sala ako nang nangyari ito..

alas sinko ng hapon..kaming dalawa lang ni kuya ang nasa bahay at nasa kuwarto siya.. Tulog.

Busy akong nanonood ng paborito kong palabas....

Maya maya naramdaman kong may tumabi saakin, si kuya... Hindi ko na siya pinansin kasi nga busy ako...

"Kuya lutuan mo naman ako ng french fries." ang sabi ko sa kanya na hindi siya tinitignan.. At naramdaman kong umalis na siya.

Natapos na ang pinapanood ko pero wala pa si kuya.. At tsaka gabi na rin, hindi ko pa nabubukas ang mga ilaw.

Pumunta ako ng kusina pero wala doon si kuya.. At wala din akong makita dahil madilim.

"Kuya??." tinatawag ko si kuya pero wala talaga siya doon.. Sinimulan na akong kabahan.. Wala akong marinig kundi ang kabog ng dibdib ko..

Tumakbo ako sa kuwarto ni kuya... Pero naka lock. Tsaka nararamdaman kong may sumusunod sakin..

"Kuya!!! Buksan mo yung pinto!!"

Laking pasalamat ko dahil binuksan ito ni kuya. At kusa nalang akong umiyak dahil sa sobrang takot.. Tinanong ako ni kuya kung ano ang nangyari sakin. Pero parang may nakabara sa lalamunan ko dahilan ng hindi ako makasalita..

Nung ok na ako. Hindi ko nalang sinabi kay kuya kung ano ang totoong nangyari.. Sinabi ko nalang na nadulas ako sa banyo.

Bed Time StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon