Prologue

13 0 0
                                    

             "Mahal kita" Diba yan yung dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon? Kasi nga MAHAL KITA! at lahat titiisin ko para sa'yo kasi mahal kita. Sabi mo mahal mo'ko? pero bakit hindi ko naramdaman?

             "Hindi kita iiwan" Yan yung sinabi mo sakin nung mga panahong marami akong pinagdadaanan diba? Sabi mo, nandito ka lang lagi sa tabi ko, na kapag nalulungkot at nasasaktan ako gagawa ka ng paraan para mapawi lahat ng hinanakit ko. Pero bakit ganun? nasan na lahat yun? Nasan na yung mga salitang yun nung nasasaktan ako? Nasan?! wala diba? kasi nung mga panahong 'yon, ikaw mismo ang nanakit sakin. Sabi mo "hindi mo'ko iiwan" pero bakit nawala ka ng parang bula?


            "Ikaw lang ang mamahalin ko" pinakamalaki mong kasinungalingan. Ako lang ba talaga? ako lang ba? Ako lang ba talaga yung mamahalin mo? Kung ako lang eh bakit pinagpalit mo pa rin ako sa iba? Bakit mas pinili mo pa ring tumingin sa iba kahit alam mong nandito naman ako para sayo?!


           "Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko" isang malaking kalokohan. Pero Bakit nung mga panahong iniwan mo'ko parang wala lang sayo? Parang napakadali para sayo na itapon yung lahat ng pinagsamahan natin. ganun na lang ba kadali yun ha?! Pagkatapos ng lahat lahat itatapon mo lang yun na parang laruang pinagsawaan?


           "Sorry, siguro hindi talaga tayo ang para sa isa't isa" At last but not the least. Nung tinanong kita kung bakit kailangan nating humantong sa ganung sitwasyon, yan yung pinakaLAME mong palusot diba? Na nung hindi mo na ako mahal sinabi mo yan. Eh kung hindi pala talaga tayo bakit pa tayo umabot ng 1 year and 3 months? So sa loob ng Isang taon at talong buwan, ako lang pala ang nagmamahal sa'ting dalawa? Bakit Landher? Bakit?!


Sabi nila ACTION speak louder than WORDS. Pero nasan na lahat ng sinabi mo? hanggang salita na lang ba lahat?


           "Pare-pareho lang kayong mga lalaki!"


Linya ng mga kababaihang nasaktan, niloko at nadapa sa pag-ibig. Makailang beses na sigurong pinaglaruan, ginago, pinaasa at nagpakatanga.


        Pero kung titignan, pere-pareho nga ba talaga ang mga lalaki? Paanong pareho? Parehong manggago? manloko? manakit? at magpaasa? I think so. Pero hindi naman siguro lahat diba? so paano at saan sila nagka-pareho?


[A/N:] Hi readers! okay lang ba? boring ba ? pangit ba? sige kayo na bahala mag judge. sorry this is my first time to write a story at first time ko rin magpublish. Sana magustuhan niyo! Anyway enjoy reading!

She was Once One Of The BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon