Chapter 30

3.2K 150 5
                                    

Althea's POV

Una kong pinuntahan ang venue ng wedding reception kung saan si Wila ang incharge. Kailangan kong masiguro na nakaayos na ang lahat. Bagaman malaki rin ang tiwala ko sa team nina Kuya Alcris ng Galura's Caterings ay kailangan ko pa ring macheck lahat ng details kung naaayon sa planner ko. Tuwing may event kaming hawak ay kaakibat namin palagi ang Galura's Caterings.

"Wila yong cake at mga pastry nga pala anong oras raw idedeliver dito ng Raffy's baker?"

"Tinawagan ko kanina Althea. On the way na raw."

"Alright! Very good. Wila bahala ka na dito ha? Punta na ako kay Batchi sa Church. Yong mga centerpiece paki-check mong mabuti kung maayos ang pagkakalagay nila."

"Noted po Madam!" Anitong pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko na halos lumuwa ang mga mata sa sobrang paghanga.

Well, suot ko lang naman ang J&B collections na binigay ni Jade sa anak ko na pinasalubong sa akin galing sa London. Napangiti na lang ako sa naging reaction ni Wila. Kanina ko pang naririnig ang mga magagandang comment mula sa mga tao sa paligid na hindi ko lang binibigyang pansin. Maging si Kuya Alcris ay tuwang-tuwa nang makita ako kanina dahil mas lalo raw akong gumanda sa suot ko. Sina nanay at tatay naman ay minsan na lang kung sumama sa mga event ng Galura's Caterings dahil may sapat na silang tao na binabayaran para gumawa ng trabaho nila dati. Tamang sa opisina na lang ang dalawang matanda habang sina Kuya Alcris at Miggy na lang ang sumasama sa mga event para magmanage. Nasa ibang location ngayon ang bunso naming kapatid na si Miggy. Kung saan may event rin ang Galura's Caterings. Ganon na kalawak ang negosyo ng pamilya ko. Kaya nilang maghandle ng lima o higit pa na event sa loob lang ng isang araw.

Jade's POV

Nagpadala na lang si Jason ng make up artist sa Hotel na tinutuluyan ko at susunduin na lang raw ako nito pagkatapos.

Medyo nakakaramdam ako ng kaba sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Ilang beses akong nagpakawala ng buntong hininga. Ngunit tila mas lalong sinisiglahan ang puso ko sa pagkabog. Hindi kaya dahil sa sinabi ni Jason na ipakikilala na ako nito sa kanyang pamilya? Takot ba akong baka hindi nila ako magustuhan? Ngunit parang hindi naman. Ang magustuhan ako o hindi ng pamilya nito ay hindi big deal sa akin. Napapikit ako at nag-usal ng maikling pangalangin.

"Dear Lord, whatever it is please lead and guide me."

Sa muling pagmulat ng aking mga mata ay sinipat ko ang aking sarili sa salamin. Dahil doon ay napangiti na ako. Magaling ang make up artist na nakuha nitong si Jason. Mas lalong lumutang ang aking ganda.

Maya-maya lang ay nagpaalam ng ang baklang make up artist at nagbihis na rin ako ng damit na pangbridesmaid na iniabot sa akin ni Jason kagabi lang pagkatapos naming magdinner sa isang restaurant.

Makailang sandali pa ay may nagdodoorbell na sa labas ng pinto. Marahil ay si Jason na iyon. Kaya't tumayo na ako upang pagbuksan ito.

"Hi My Boo.." Sabay halik nito ng mabilis sa labi ko.

"Hello.. halika pasok ka muna sa loob." Pagkapasok nito ay isinara ko na ulit ang pinto.

"Ang ganda-ganda naman ng girlfriend ko. Lalo na siguro kung ikaw yong Bride." Anitong titig na titig sa mukha ko habang nakahawak ang mga kamay sa magkabilang balikat ko.

Napangiti lang ako sa kanyang sinabi. "Ikaw rin naman ang cute mo, My Boo."

Kinuha nito ang dalawa kong kamay at banayad na hinalikan. "I love you so much Jade. You makes me inspired everyday. I am the luckiest guy in the world since I have you."

Natigilan akong saglit. Sa isang iglap ay parang wala akong makuhang sabihin na sweet words para sa kanya. "Hey! Stop the drama My Boo. We're getting late na. Come on!" Sabay iwas ko rito. Bagaman medyo ikinagulat nito ay tila binalewala na lang nito iyon.

CRUSHY  BABETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon