"It Only Remind me of You"
(Episode#1)
Story by:
Lorenzo Balitaosan & Mich Zagade"Ano ba pre! Kanina pa ko dakdak ng dakdak dito di ka naman nakikinig tss." Iritadong sabi ni migo. Partida may kasama pang tantrums yan. Napaka isip bata talaga.
"Eh! di naman ako intresado sa mga blind date blind date na yan. Aksaya lang sa oras, at saka pwede ba migo wag mo nga ako idamay sa pagiging babaero mo." Walang ganang sabi ko.
"Ang kill joy mo naman pre! Saka wala namang masama sa blind date ah! Gusto ko lang naman tulungan ka. Puro na lang mga libro at notebook at ka date at ka holding hands mo." Natatawang sabi niya. Tiniklop ko yung loptop ko at hinarap siya ng naka cross arms.
"Una sa lahat migo,oo walang masama sa blind date,blind date na yan. Pero alam kung ano yung masama?" tanong ko sa kanya.
"Ano?" Tanong niya.
"Yung pinipilit mo'ko sa kahit sinabi ko na sayong 'AYOKO' " Pinag diinan ko talaga yung word na AYOKO.
Pero di ko namalayan na napalakas pala yung pag kaka sabi ko kaya napatingin samin yung matandang liablarian na sinamaan ako ng tingin at sininyasan pa kong nitong hinaan yung boses ko. Napailing na lang ako.
"Ba't ba kasi ayaw mo? May galit ka ba mga babae kaya ayaw mo mag ka girlfriend or manligaw man lang?" Tss! Ang kulit.
"Basta ayoko, tapos ang usapan." Sagot ko at bumalik sa ginagawa ko sa loptop ko.
"Ikaw nga pare! Umamin ka nga sakin bakla ka ba?" Seryosong tanong niya.
Nag pintig yung tenga ko sa tanong niyang yan.
"The hell! obcourse not what made you think that i'm gay?" Iritabling tanong ko.
"Sa tingin mo ano iisipin ko sayo? Ayaw mong makipag blind date, di kita nakitang may pinopormahan na babae sa university. kahit nga may nag paparamdam sayong mga classmate nating babae. Deadma ka lang" mahabang lintanya niya.
"Ba't ba napaka big deal sayo na makapag girlfriend ako?" Inis na tanong ko.
Lumapit siya sakin at kumuha ng upuan at umupo sa harapan ko.
"Consern lang ako sayo pre! Baka kasi tumandang binata ka. Sayang naman yung lahi mo. pero kung bakla ka pre! Tatanggapin kita wag mo lang ako pag nasahan dahil di tayo talo." Naka ngising sabi niya.
Isang malakas na batok at malutong na kaltok ang binigay ko sa kanya.
"Aray naman bat ka ba nanakit?" Riklamo niya habang hinihimas yung ulo niya at naka nguso pa na parang batang inagawan ng candy.
"Searously? Tinatanong mo talaga yan? " iritadong sabi ko.
God! Bakit mo naman ako binigyan ng sime- abnormal na kaibigan? Bago pa'ko sumabog sa inis sa abnormal na miko na to. Tumayo na ko at tuloy tuloy na lumabas ng liablary. Narinig ko pang tinatawag niya ko pero di ko na siya nilingon.
Oh! By the way ako nga pala si Lorenzo Balitaosan, 19 years old. Taking Busness Adminesstration sa Our Lady of Fatima University. At yung abnormal na nangungulit kanina. Kaibigan ko si Migo Antonio Cruz. Same age, same course. sad life pero laging dikit sakin ang abnormal na yun. At kahit ganun yun sanggang dikit kami nyan.
At wag na wag kayong maniniwala sa mga pinag sasabi ng abnormal na migo na yun. Dahil hindi ako bakla. at bakit ayaw ko pumayag sa alok niyang makipag blind date ako?. dalawang dahilan lang. Una sagabal lang sa pag aaral kung uunahin ko ang mga babae. Pangalawa ayoko ng mag paka tanga sa mga babaeng paasa at mga playgirl. Kung may playboy may playgirl din. At ayoko ng maranasan ulit yung naranasan ko two years ago.
BINABASA MO ANG
"It Only Reminds Me Of You" ( Episode# 1)
Romance"It Only Reminds me of You" (Season #1) Story of: (Lorenzo Balitaosan & Mich Zagade) Sa tingin mo san mo makikita o matatagpuan si LOVE? Sa bahay niyo? Sa school niyo ba o sa mga lugar na napuntahan niyo na? Pero sa totoo lang walan...