Baekhyun’s POV
Akala ko, ang halaga ko ay iikot lang sa pamilya ko, sa pangarap ko at sa sarili ko.
Akala ko, na sa kabila ng mabilis na ikot ng oras, hindi ko na magagawang pagbigyan ang puso kong magmahal.
Akala ko noon, kaya kong mabuhay mag-isa; mag-isa na hindi kinakailangan ang sinuman.
Noong makilala ko s’ya, doon ko lang napagtanto na mali ako – nagkakamali rin pala ako?
Umikot ang mundo ko sa kanya at ganoon rin ang mundo niya sa’kin.
Nagbago ang mga pananaw ko sa buhay at naging bukas sa iba’t ibang perspektibo na ngayon ko lang nalaman.
Mula nang makilala ko sya, ginusto ko nang mabuhay sa araw-araw at makita sa araw-araw na ‘yon ang matatamis niyang ngiti.
Pinakamatamis sa lahat, na kahit ang pulot ay hindi matutumbasan ang tamis nito sa labi.
S’ya na ata ang may pinakamagandang ngiti na nakita ko.
Pero, sino ba ang makapagsasabing sa likod ng mga ngiting iyon ay ang isang mapait na katotohanan na hindi siya nakapagsasalita? Hindi ko maririnig ang ganda ng kanyang boses. Hindi ko maririnig na tawagin niya ang aking pangalan; hindi ko maririnig ang wagas niyang mga tawa sa mga biro ko at hindi ko rin maririnig ang mga salitang mahal kita mula sa kanyang mga labi.
Pero sabi nila, may tsansa pang makapagsalita s’ya – maliit na tsansa. Kung darating man ang panahong iyon, hindi ko s’ya pipillitin. Matiyaga ko na lang hihintayin ang araw na iyon pero sa ngayon makukuntento na ako sa kung anong meron kami ngayon.
Pero kahit ganoon, hindi siya nagkulang na ipadama sa’kin kung gaano niya ako kamahal. Sa bawat oras at araw na kami’y magkasama, hinding hindi siya pumapalyang ipadama sa’kin na ako lamang ang mahalaga sa kanya na kahit ang mga salita’y hindi kayang matumbasan ang pakiramdam na ibinibigay niya sa’kin.
Mahal niya ako, mahal ko s’ya at iyon ang mahalaga.
S’ya na ata ang pinakamagandang nangyari sa buhay ako.
End of POV
“Byun Baekhyun!”
Nagising si Baekhyun mula sa malalim na pag-iisip. Nakatulala na naman sya at binabalikan ang mga alaala niya.
“Hyung, ikaw pala.” Napakamot ng ulo si Baekhyun nang lapitan siya ni Kris, isa sa lider ng grupo nila.
“Magpapractice na, kanina ka pa hinahanap ni Suho at ni Manager.” Tinabihan ni Kris ang nakababata sa pagsandal sa railing sa rooftop ng kumpanya.
Tumango lang si Baekhyun pero kung titignan ang kanyang mukha tila wala itong kagana-gana. Napailing na lamang si Kris sa hitsura ng nakababata at tinapik niya ito sa balikat.
“S’ya na naman ba ang iniisip mo?” tanong nito.
Napatingala si Baekhyun na napakurap nang marinig ang tanong na iyon, “P-pano mo nalaman?”
Napahagikgik naman si Kris, “Hindi mo na dapat tinatanong sa’kin ‘yan. Kabisado ka na namin. Sa tuwing nagkakaganyan ka, s’ya lang naman ang maaring maging dahilan. Baekhyun, give yourself a break. Ilang taon na rin ang lumipas. 2017 na Baekhyun, 2017.” Payo nito.
Pero mukhang iba ang naging dating nito kay Baekhyun. Mula sa medyo maaliwalas na mukha nito ay bigla itong nagbago, kumunot ang noo nito at nawala ang maliit na ngiti nito sa labi.
“O relax, hindi ko sinabing kalimutan mo s’ya. Ang ibig kong sabihin, it’s been three years…”
“Hyung, maikli lang ang three years of waiting. Hahanapin ko s’ya. Sinabi kong hintayin niya ako. Sinabi niyang hihintayin niya ako.”
BINABASA MO ANG
More Than Words
FanfictionMinsan, hindi kinakailangan ang anumang salita para maipadama sa isang tao na mahal mo s'ya. Sapat na ang presensya at tiwala para iparamdam sa kanya kung gaano mo sya kamahal.