Isang panibagong araw,panibagong buhay, panibagong panimula para sa mga taong umibig, nasaktan at isa na ako don.
Papasok ako ngayon sa school habang nakasakay ng jeep nakasaksak ang headset saking mga tenga at pinapkinggan ang aming theme song. Halos bumabalik lahat sa utak ko ang mga masasayang alaala naming magkasama. Oo masakit na inaalala ko parin siya pero hindi ko maiwasan. Alam kong sinasaktan ko lang ang sarili ko at pinapaniwalang matatag ako pero ang mga mata ko na ang nagsasabihing hindi ko na kaya. Pinunasan ko ang lintik na mga luhang dumadaloy sa aking mga mata.
I vowed to be strong. To stand on my feet and to not depend to someone because in the end their just gonna break you. Pero ito ako ngayon at umiiyak na naman.
Tumigil sa babaan ng jeep ang sasakyan at isang block pa rito ang skwelahan na pinapasukan ko ang Royal University. Isang pang mayamang school ito na mga anak ng politician ang karamihan na nag aaral.
Pagkarating ko pa lang sa gate bumungad na saakin ang mga mapanghusga at nakakadiring tingin ng mga studyante.
Ang alam ng lahat nakapasok ako dito dahil nakakuha ako ng scholarship. Sino ba naman kasi ang mahirap lang na makapag aaral sa school na ito na ginto ata ang binabayad sa tuition fee.
But they don't know that my Father is The Great Senador Javier na halos sambahin ng lahat dahil sa nagawa nito sa bansa nong mga nakalipas na taon.
I don't even want to study here but my mother don't have enough money to support me kaya lumapit siya sa Ama ko at nakiusap na tustusan ang pag aaral ko, but for the condition of my father na dito ako pag aralin.
Ayaw ipaalam ng asawa ng ama ko na may anak siya sa labas dahil isa daw iyong kahihiyan sa pangalang iniingatan nila. Pumayag na lang din ako para wala ng gulo at isa pa wala din akong pakialam sa apelyidong dala dala ko. Kong ako nga lang ang masusunod apelyido nalang ng Ina ko ang gagamitin ko.
Tinuloy tuloy ko parin ang paglalakad ko kahit na gustong gusto ko ng sigawan sila. Mula sa faculty office nakita ko siya. Masayang masaya siyang nakikipag usap kay Ms.Patricia. Biglang nag flashback ang mga sinabi niya saakin ng gabing iyon. Ang sumira sa katinuan ko at sa puso ko.