Mr. Wattpad Operator
Raice Antoinette Guzman. Isang simpleng college student. Hindi siya kagandahan, pero hindi mo din naman masasabi na hindi siya maganda. Let's say, she was in between. Katulad ng ibang mga teenager, mahilig din siyang magbasa ng mga libro, lalo na sa Wattpad.
And guess what? She was a Wattpad Character account operator. Hindi ng account ng babae, kundi ng lalaki. Kahit na lalaki ang inooperate niyang account sa Wattpad, hindi naman siya tomboy.
Uwian na nila at nag-aayos na sila para makaalis.
Katabi niya ang crush niyang si Marius. Hindi siya katulad ng ibang lalaki na sobra kung makaporma at ang angas-angas na akala mo kung sino. Simple lang din si Marius, pero kung tutuusin, gwapo ito. Matangos ang ilong, magaganda ang mata at mahaba ang pilikmata, hindi gaanong kaputian, matipuno ang pangangatawan at matangkad. Pwedeng pangmodel. At nakadagdag pa sa pagka-crush niya dito ay matalino ito. Hindi naman sa nerd, 'yung tama lang.
"Uwian na. Sa wakas mabubuksan ko na din yung account nung ino-operate ko. Whooo!" sambit ni Raice.
"Sus. Mas mahaba pa ang oras mo para diyan kesa saakin. Siguro may crush ka diyan noh? Malamang yung isa sa mga operator, boyfriend mo." sagot sa kanya ni Marius.
"Ay nako! Nagdrama pa ang loko. Wala akong boyfriend dun. Hmm, crush lang siguro! Haha. Pero mas crush kita." sagot ni Raice pero hindi niya pinarinig kay Marius yung huli niyang sinabi. Sayang naman yung friendship nila, baka masira dahil baka mailang si Marius.
Nanatili silang tahimik hanggang sa sakayan ng LRT. Hindi naman kasi sila pareho ng direction ng uuwian, nagkataon lang na pareho silang sasakay ng LRT.
"Ang swerte ko naman. Para kaming magboyfriend kapag naglalakad ng sabay." isip ni Raice.
Nagpaalam na sila sa isa't isa. Hay buhay college nga naman, kailangan mong makipagpatayan sa LRT. Haha.
-
Pagkauwi ni Raice ay agad siyang nagbihis at humarap sa laptop niya. Hindi naman halatang adik siya sa Facebook, ano po? So ayun nga, as usual, dalawang window ng Google Chrome ang nakabukas sa kanya. Isang normal, para sa personal account niya at yung isa naman ay yung Incognito window para sa inooperate niya.
"Ansavehh? 100+ friend requests agad? Parang kanina lang bago ako pumasok nag-accept na ako ah? ACCEPT ALL BUTTON PLEASE?!" kausap ni Raice sa monitor.
Wala pang limang minuto ay sunod-sunod na nagpop-up ang chatboxes.
"Gosh! Crush po talaga kita!"
"Ang gwapo ng operator mo. Akin ka nalang please?"
"Crush kita. Pati operator mo. Pwede ko ba siyang ligawan? Please please please?"
Natatawa na lamang si Raice sa mga message sakanya ng readers. Paano ba naman kasi, ang sarap sagutin ng "Mga ate, hindi po tayo talo. 'Wag kayong ganyan."
Io-offline na sana niya yung chat niya nang mahagip niya yung pangalan ng character na crush niya ang operator. Masyado kasing mysterious ang operator nito kaya't nacurious siya. Matagal na din naman silang nag-uusap, pero hindi parin sila magkakilala sa tunay na pangalan. Nagpapanggap kasi siya na lalaki, kaya ang alam ng operator ng kabilang account, lalaki siya.
"Hi! -OP" bati niya sa ka-chat.
["Hi! Kamusta?"]
"Okay naman. Nga pala, may meet-up ang operators bukas ah? Sasama ka ba?"
BINABASA MO ANG
Mr. Wattpad Operator
Short StoryCurious ka din ba sa operator ng kinababaliwan mong character sa Wattpad? A one-shot story about Raice, a Wattpad character operator who got curious about another character operator.