*My Last Wish*

223 12 2
                                    

hellow sa inyo ako nga pala si IVAN CHARLES SCOTT 17 years old...my lihim akong tinatago kela mama at papa..hindi nila alam na may sakit ako kasi hindi ko pinapahalata sa kanila ayaw ko kasing dumagdag pa sa problema nila..

May sakit kasi ang kapatid ko na si ETHAN SCOTT..Ang sakit nya ay TUMOR laging nagwawaldas ng pera si mama at papa dahil sa kanya laging kasing umaatake ang sakit nya...ayaw ko ng dagdagan pa iyon kaya sa tuwing umaatake ang sakit ko pumapasok agad ako sa kwarto ko at iniinom ang gamot ko..

Ginagawa ko ang lahat para lang mabuhay ako ..sabi kasi ng doctor wala na daw lunas ang sakit.ko stage 4 cancer. malala na daw kasi ito..pero kahit ganun binigyan pa rin ako ng dyos ng palugit para lang makasama ko ang mahal ko sa buhay.

.Gustong gusto ko pa makapiling ng matagal ang pamilya ko yon lang ang wish ko..

Ahhh...ang sakit.......

may narinig akong sumigaw at sigurado akong sa kapatid ko iyon..

agad agad naman akong lumapit sa kanya..pati na rin si mama..

ethan lumaban ..ka ..kaya mo yan andito lang kami ni mama pati papa ..sabi ko..

kuya ang sakit talaga hindi ko na kaya..

kayanin mo para sa amin ethan..magpakatatag ka....

kakayanin ko kuya..

ahhh...sakit....

hindi ko kaya na makitang nasasaktan ang kapatid ko mas gusto ko pang ako ang masaktan wag lang ang mahal ko sa buhay..

diba ethan sabi mo sa akin magpapangaling ka..kaya kayanin mo dapat..wag kang susuko..

sumasakay na kami ng taxi para maihatid si ethan sa ospital..

kuya pag wala na ako ikaw na bahala kela mama at papa ha..

putol putol nyang sabi..

hindi ka mawawala ethan hindi ko hahayaan na mangyari yon sayo...

pag gumaling ka mamasyal tayo nila mama at papa kahit saan mo gusto basta wag mo lang kaming iwan..

promise mo yan kuya ha..

oo promise..

ng nakarating na kami sa ospital agad agad namin syang dinala sa emergency room..

hindi ako makapakali ngayon..hindi ko kayang mawala ang kapatid ko mas gusto ko pang ako ang mawala wag lang sila..

nakita ko si mama na umiiyak..pinakalma naman sya ni papa..

lumapit ako sa kanila..

Ma wag kayong magalala hindi mawawala si ethan.. malakas si ethan ma..kayang kaya nya ang sakit nya..nag promise sya sa akin na hindi nya tayo iiwan..

luhang luha kong sabi..

oo anak malakas ang kapatid mo..sabi ni mama na umiiyak pa rin ..

may narinig kami galing sa emergency room..bigla bumilis ang tibok ng puso ko..sa mga oras nayon..nilaksan pa ni mama ang pagiiyak kahit si papa umiiyak na rin..

ma tama na gagaling sya..na ngako sya sa akin .ma..

pumunta ako malapit sa emergency at nakita ko na ginagawa nila ang lahat para lang mabuhay ang kapatid ko..

umalis mo na ako roun at pumunta sa simbahan..

panginoun kunin nyo na ang lahat wag lang ang mahal ko sa buhay
hindi ko kayang mawala sila sa akin..mas gusto ko pang ako ang mawala wag lang sila ..

*My Last wish*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon