Chapter 1

2 1 0
                                    

**

Naririnig ko na ang mga kulog at nakikita ko na madilim na ang kalangitan. Ibig sabihin, may posibilidad na kumidlat. Tamang-tama malapit nang i-dismiss ni Mrs. Pony ang last class ko. May sinasabi lang syang ilang announcement then we’re free to go.

Ilang sandali pa ay nagtawag na si Mrs. Pony ng ilang lalaking classmate ko para pagbuhatin ng mga project na sinubmit namin kanina. Unang month palang ng school year na’to pero may project na agad. Masyado silang eager sa mga projects at outputs!

“Goodbye class. You may now go home” pinal na sabi ni Mrs. Pony. Tumayo na ako para ligpitin ang gamit ko, kinuha ko ang mga libro ko para maidaan ko sa locker ko. Ayokong dalin silang lahat pauwi dahil mabigat ang bawat isa ng libro dito.

“Psst. Faith! Sabay ba tayong uuwi?” napalingon ako kay Sin, kaibigan ko. Nakasukbit ang bag nya sa kaliwang balikat nya habang ang kanang kamay naman nya ay nakabulsa lang.

“Pauwi na ako, ikaw ba?” sagot ko at nilingon ulit ang mga gamit ko. Isinilid ko ang ilang gamit na nakalabs sa aking bag at kinuha na ang mga libro kong nakaayos sa desk ko. Paglingon ko kay Sin, nasa malapit na sya at kinuha nya ang mga libro ko. Pinabayaan ko nalang dahil palagi naman nyang ginagawa iyan.

“May practice kami ng basketball. Akala ko papanuodin mo ako,” sabi nya at humalakhak. Sinabi kong hindi na ako manunuod dahil malapit nang umulan. Pumayag sya at sinamahan ako hanggang sa locker ko. Pagkatapos noon ay naghiwalay din kami ng landas, siya papunta sa gym para magpractice ako naman ay pauwi na.

Narinig ko nanaman ang kulog kaya napatingala ako sa langit. Wala pang kidlat, aabot pa ako.

“Manong sa gazebo po sa may North Gate Subdivision,” sabi ko kay Kuyang driver sabay sakay sa tricycle nya. Ayokong nagpapasundo kasi nakakaabala lang ako, kahit na may drivers pa. Tsaka kung nagpapasundo ako, hindi ako makakapunta sa kung saan saan without the permission of my lolo or my dad.

Mabilis lang ang byahe papunta sa gazebo kasi malapit lang naman ang school mual sa subdivision namin. Matapos kong magbayad bumaba na ako at dumiretso na sa gazebo. As usual, walang tao at tahimik lang. I like it here, lalo na pag-madilim na ang kalangitan at wala nang tao. Peace, silence and darkness.

Umupo na ako at tumitig na sa kalangitan. Mula sa kinauupuan ko, makikita ng mabuti ang kidlat. Makikitang mabuti kung paano lilitaw ang ilaw nito at kung paano mawawala. Napatingin ako sa bag ko na may palawit ng isang picture ko with the background of a lightning. Hindi ko alam kung bakit noong nagising ako mula sa pagka-coma ng dalawang buwan, gusto ko agad makakita ng kidlat kaya naman nakasanayan ko na panuodin ang kidlat. A year ago, I got into an accident. Nasagasan ako ng isang SUV habang tumatawid ako. I don’t know what really happened that time because when I woke up I can’t remember who's who and what's what.

Sabi ng doctor nagkaroon daw ako ng amnesia and the memories will or will not come back. Para akong isang blankong papel na magsisimula palang, I don’t know anything, I don’t know someone. Maski mga magulang ko noon ay hindi ko maalala. I’m so helpless back then, madalas akong mag-isa sa loob ng isang buwan hanggang sa narealize ko na sa buhay ng tao sadyang may mga bagay talaga na dadating at mawawala, may iba namang babalik. Natanggap ko na ang memorya ko ay maaring hindi na talaga bumalik, pero hindi maiiwasan ang mga pagkakataon bigla akong mapapatulala at mapapaisip sa mga alaalang nabura sa aking isipin. Even though my parents and friends always tell me a story about my past, there’s still this emptiness inside like something big had been stolen from me.

Sa ngayon I am contented, I am actually really thankful na nabuhay ako. Maraming namamatay everyday and I’m so blessed that I am not one of those when I got into that accident. I can say that I’m okay right now, everyone is now okay because I’m okay.

LightningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon