ALICIA's POV
Hayan. nakauwi na din sa wakas and im so tired may klase pa bukas. Yan namang si bukol humiga agad sa kama niya.
"bukol, gisingin mo ako bukas ah"
"At bakit? anong silbi ng alarm clock mo?" sabi niya sakin. Eh kahit gaano pa kalakas ng tunog ng alarm clock ko di ako magising, saka lang ako nagigising kapag kinakalabit ako o nagagalaw.
"Wag na nga!" sabay hagis ko sakanya ng unan.
"sabi mo ee. geh, matulog kana. Goodnight" at yun, hiniga na niya ang sarili niya sa kama at pinikit na ang mata. Lumapit ako sakanya para tignan kung paano siya matulog. Ang Cute niya pag naka pikit. Tapos, mas nilapit ko pa ang mukha ko para matitigan siya pero..
JOHN's POV
sabi ko na nga at may plano si shuba na halikan ako. "hoy, anong plano mo? hahalikan mo ako noh?" sabi ko sakanya ng pabiro.
"napaka Assuming mo! Akala ko tulog kana! Your so freak!"
oo, pa pikit na ang mata ko, pero na aaninag kong lumalapit mukha ni shuba sakin, kaya bumangon ako at gulatin siya.
Im so damn, hinayaan ko nalang sana siya na Gawin yung plano niya, kung ano man yun. Para malaman ko kung ano balak niyang gawin sakin. Haha.
"matulog ka na nga shuba! bukas mo nalang ituloy yang plano mong pang gagahasa sa akin" sabay wide smile naman sa harap ng face niya.
"Yacks! Goodnight!!" Wow, siya pa tong galit sakin ngayon ako lang naman yung biktima. haha.
Di tuloy ako makatulog sa ginawa ni shuba. Masyado ko atang ginagawang Big Deal yun aa. Di ko na mabawi antok ko.
"shuba.. pssst" walang siyang imik. Tinignan ko siya, Ayun tulog na at naka takip ng unan ang mukha niya.
pipilitin ko nalang matulog at baka makatulog pa ako sa unang klase bukas.
ALICIA's POV
"GOODMORNINGGGG!!!" boses ni bukol, sabay kalabit sakin.
Wow, ginising niya ako. Akala ko ba hindi niya ako gigisingin. Well, Di niya ako matiis. Wow, ang aga niya nagising. Maalala ko mas huli pa siyang natulog sakin. At isa pa may naalala ako..
"hoy! Anong sinasabi mo kagabi na.. "sabi ko at bigla siyang sumingit at di ako pinatapos mag salita..
"hahalikan mo ako? Sus, Sineryoso mo naman. Totoo ba? at bakit kasi ang lapit ng mukha mo sa mukha ko kagabi?"
aysus, sabi ko na nga ba at iba ang iisipin niya pag na nahuli niya akong tinitignan siya.
"kumain ka na nga jan. Yan Cereal binili ko. nakakatamad mag luto" sabi niya sakin at nag bihis na ng uniform si bukol. Well, sa tagal ko ba namang kumaen, maiinip nanaman yun sakin at malalate kami.
binilisan kong kumilos at lumabas na ng bahay. Andun, nakita ko si bukol na nag hihintay sa kotse niya.
*In School*
MIKO's POV
hayan, paparating na yung dalawang mag bespren. Napaka yaman talaga ng dalawang yan kaso mas simple lang si Alicia kesa kay kumpare. Laking hirap si Alicia kaso mayaman talaga sila pinalaki lang siyang ganoon. Kung tutuusin mas lamang pa si Alicia sa yaman kesa sa bespren niya kaso di lang pinapakita ni Alicia dahil mas gusto niya mga Simpleng bagay lang.
"Hooooy! pare!" kinawayan ko si john at tumayo ako sa upuan kasama mga ibang kabarkada.
"pare, andito ka pala. ang aga mo ngayon ah." sabay tapik sa braso ko. well, talagang kagulat gulat na maaga ako kasi nasanay na si kumpare na nalalate ako.
"Alicia, tara na" sabi ni nicole na bestfriend ni Alicia na kailan niya lang nakilala. Si nicole kasi ang kapatid ko.
NICOLE's POV
The same ang course namin ni Alicia. Med. Tech. din siya. Mas matanda samin si john ng isang taon kaya di kami mag kakaklase. Kaming dalawa ni Alicia ang mag classmate at sina kuya john at kuya ko naman ang mag classmate.
Napakaganda talaga ni Alicia siya nga ang bida dito sa room. Well, napakabait niya kaya nag ka sundo kami. But speaking of War, magaling siya dun.
"hey,Alicia. ang gwapo nun oh" tinuro ko yung naka headphone na nakasabit sa leeg niya. sh*t! Ang gwapo niya. nakataas pa yung buhok niya. Tumingin si Alicia sa guy. Wow, napaisip siya at..
ALICIA's POV
Goshh! kilala ko yung guy na tinuturo ni nicole. Crush ko yan when i was High school. Nalink na nuon ako sakanya pero di totoo mga kumakalat nuon na chismis samin na naging kami.
"Uyyyy.. Alicia"
"bakit?" tanong ko sakanya.
"Kilala mo ba yang cute guy?" tanong sakin ni nicole with super wide smile effect niya.
"oh, yes. he's my old classmate" sagot ko sakanya.
Hinila niya ako at "tara sakanya. Tignan natin kung maaalala ka pa niya" wow. nahihiya na ako lumapit sakanya. itong walang hiya ko namang kasama always on the Go!
nilapitan namin si Christian, Oo. yan pangalan niya at talagang ang gwapo pakinggan diba?
"Hey, Liza." haay. di na talaga nag bago pag tawag niya sakin liza nanaman. Sabi niya kasi nuon para mas madaling bigkasin. Eh ang layo ng liza sa alicia diba?
"anong name mo?" singit ni Nicole.
"well, Im Mark Christian Tomson" sabay ngiti sa amin ni nicole.
Hanggang ngayun napaka gwapo at napaka bait talaga niya.
A/N~~
hahaha. i cut muna. >.< pag iisipan ko pa ehhh.
well, pasensya sa human error if meron. katamad kasing basahin ulet eh.
:)))))
Dangbello27<3
BINABASA MO ANG
Nakaka INLOVE siya!
RomanceThis Story is about the two bestfriends having a strong relationship syempre eeksena ang mga iba at Dream Guy nitong si Alicia. Diba sabi nga nila sa MagKAIBIGAN nag sisimula ang LOVE? well lets See >.<