Lovelorn (1)

65 1 1
                                    

Author's Note!!

Uhm. Guys....itong storyang ito ay walang kinatungkol sa totoong buhay kundi isang kathang isip lamang ito. Nagpapasalamat ako sa pinsan ko na tumulong sa akin na mag-isip na kakaibang kwento na pwede ihalo dito. Sana suportahan at magustuhan niyo.

Please vote, comment and continue reading and supporting. Maraming salamat po! ;)




Jaycee's POV

First day of school na bukas! Salamat makikita ko na si crush. Ayyy..este.. my first love! He's my best friend. So I fell in love with my best friend. As in yung palaging magkasama at magkatuwang sa lahat. Turing nga sa amin sa room namin dati ay nanay at tatay. Pag may mga role na kelangan ng magulang kami yung napipili agad. Sabi nga rin nila na 'meant to be' raw kami kasi magkamukha kami at ang dami namin similarities. Di naman siya kagwapuhan pero para sa akin nasa kanya na siguro ang lahat?

Totoo nga yung sabi ng karamihan na 'First love never dies'. At nagkatotoo yun sa akin. Tagal ko siyang naging crush at kung alam niyo lang naging MU kami. Mukhang Unggoy! Hahahaha joke lang! Alam niyo naman siguro ibig sabihin ng MU. Nainlove kami sa isa't isa. Naaalala ko tuloy yung mga ginagawa namin na parang kami kahit hindi kami.

Nagkaaminan pa nga kami noong December 15 2014 eh! Kenekeleg ako nun! Grabi pala yung feeling na malaman mo na yung mahal mo ay minahal ka na rin pala. Sana ganun pa rin yung feelings niya sa akin. Strict kasi parents ko kaya di niya ako magawang ligawan. WOW! Haba ng hair ko! Hahahaha. Tagal din kasi namin di nagkita eh. Malay mo may iba na siyang mahal at ako ay naiwang mag-isa sa feelings na yun. Namimiss ko tuloy siya kahit bukas na yung pasukan. Makatulog na nga.

Nagising ako ng maaga. Syempre excited akong pumasok. Half day lang naman ata kami ngayon, so makakapagkwentuhan kami ng mga kaibigan ko kahit papaano. Maliligo na nga ako.

Nakapagbihis na ako at mabilis ako kumain kasi gusto ko na umalis.

"*sigh* This is it!"

Pagpasok na pagpasok ko sa gate tiningnan ko agad yung mga papel na nakadikit sa bulletin board kung saan yung mga pangalan namin nakasulat at kung saang section kami nilagay.

Shocks! Classmate ko siya! Ang saya saya ko! Pero may konting kaba akong naramdaman. Nakita ko na si Alex. Buti may kasama akong pumasok sa room namim. Ang awkward kaya kung ikaw lang mag-isa papasok sa room tapos titingin sayo lahat.

"Uy Alex! Musta ka na?"
"Ok lang ikaw?"
"Ok lang! Magkaklase ata tayo? Tingnan mo na nga yung name mo. Bilis"

Hinanap niya na yung name niya.
"Yeah! Magkaklase nga tayo! Tabi na lang tayo ng upuan. Marami-rami rin tayong mga bagong kaklase eh!"
"Nice! Sige tabi tayo. For sure mahihiya na naman ako mamaya nito."

Naglakad na kami para hanapin yung room namin.

----guys---

---Please vote, comment and continue reading and supporting. Thanks

Lovelorn (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon