Lovelorn (7)

20 1 0
                                    

Erika's POV

Hmmm...
Bakit kaya ako iniiwasan ni Jaycee?
Anyare kaya dun? Nakakapagtaka naman na bigla siyang iiwas na hindi man lang sinasabi kung ano dahilan para maayos agad. Miss ko na siyang kasama.

Nag-CR ako saglit at habang nag-aayos ako ng itsura ko sa harap ng salamin biglang pumasok sina Cherry at Jaycee. Nagkatitigan kami ni Jaycee nang matagal at nagkaroon ng awkward moment of silence. Buti na lang binasag ni Cherry yung katahimikan. Ayuy! Inalis ni Jaycee yung tingin niya sa akin at pumasok na siya sa isang cubicle. Natira kami ni Cherry sa tapat ng salamin. May sinesenyas sa akin si Cherry na hindi ko naman maintindihan.

"Ano ba yun?", sabi ko kay Cherry na tila hindi masabi yung gustong sabihin.

"Shhh! Wag kang maingay bumulong ka lang baka marinig tayo ni Jaycee!", pabulong na sinabi ni Cherry.

"Ano ba kasi yung gusto mong sabihin?", mahina kong sinabi.

"Kung ako sayo, pilitin mo si Jaycee na kausapin ka kasi may tinatago sayo yan na gustong gusto na niyang sabihin pero ayaw niya kasi baka lalong lumala yung sitwasyon at natatakot siya."

Huh? Ano kaya yung gusto sabihin sa akin ni Jaycee? Sobrang importante ba yun? May nangyari bang masama? Hala! Baka ayaw na niya sa akin bilang kaibigan! Baka nakukulitan na yun sa akin. Baka naiinis na sa kakahinge ko ng pagkain. Napatulala na lang ako sa sinabi ni Cherry at di na ako sumagot. Lumabas na si Jaycee sa cubicle at hinila si Cherry papalabas sa CR.

Jaycee's POV

Akala siguro nito nila Cherry at Erika na hindi ko sila naririnig kahit bumubulong pa sila. Sige, patay ka sa akin Cherry. Kung ano-ano pinagsasabi mo ah. Lumabas ako bigla ng cubicle kaya napahinto ko sila sa pag-uusap. Napatingin sa akin yung mga nagtatakang mga mata ni Erika pero hindi na ako nakipagtitigan. Pakurot kong hinila palabas si Cherry ng CR.

"Cherry! Ano ba yun? Bakit mo sinabi sa kanya yun? Ang daldal mo talaga!", Pasigaw kong sinabi.

"Hehehe? Sorry, gusto ko lang naman tumulong sa inyo eh. Para hindi na mahirapan si Erika sa kakaisip kung bakit mo siya nilalayuan at para di ka na rin mahirapan at masabi mo na yang nararamdaman mo! Torpe!", palayo niyang sinagot sa akin.

"Lalo mo lang siyang pinahirapan mag-isip at ngayon mapipilitan akong magsinungaling sa kanya.", pahabol kong sinabi kay Cherry.

Kinibot niya yung balikat niya na ibig sabihin ay "Ewan ko sayo". Iniwanan na niya ako sa hallway. Nakakainis 'to si Cherry ah. Ayoko nga na malaman ni Erika yung totoo eh baka iwanan niya ako at di niya na ako magustuhan bilang isang kaibigan. Yun lang naman ikinakatakot ko. Mahal ko na siya kaya mas okay na hindi niya malaman kaysa naman lalo kaming mag-iwasan.

Pero...di ko pa naman alam ang maaaring mangyari. Malay ko ba kung lalayo o iiwas talaga siya. Malay ko ba kung matutuwa siya sa sasabihin ko. Malay ko ba kung mandidiri siya. Ang hirap lang isipin kung ano yung magiging reaksyon niya. Andaming pwede. Halo-halo ang pwedeng lumabas na emosyon.

Pag-isipan ko muna lahat ng ihahanda ko at gagawin ko bago mangyari yun at pag nangyari na yun. May punto pa rin naman si Cherry kahit naiinis na ako sa kanya. Sana maging kuntento ako sa magiging resulta kung ano man yun. Aasa ba ako o hindi? Hays.

---guys---

-Please vote, comment and continue reading and supporting. Thanks

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lovelorn (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon