That woman

135 8 8
                                    

That woman

Note : Inspired by Korean MV : Haru Haru by Bigbang

Written by : Akosirainer

----

Naaalala ko naman ang babaeng iyon . Ang babaeng walang ginawa kung hindi ang pasayahin ako,ang babaeng walang ginawa kung hindi ang barahin ako sa tuwing magbibitaw ako ng joke,ang babaeng kasa-kasama ko kapag pakiramdam ko iniwanan na ako ng mundo.

Ang babaeng susuntukin ako sa tiyan kapag napipikon siya.Ang babaeng halos patayin na ako sa hampas dahil sa sobrang kilig sa tuwing nanonood siya ng paborito niyang koreanovela .Ang babaeng halos basagin ang eardrums ko sa kakatili sa tuwing kakanta ang paborito nyang boyband.

Ang babaeng inuubos lahat ng pagkain ko kapag trip nya,at wala man siyang pakialam kahit gutom ako.Basta makakain lang siya,ayos na.

Ang brutal nya  diba ? Pero sa maniwala man kayo o sa hindi,isa yan sa mga katangiang nagustuhan ko sa kanya.

Ang babaeng yayakapin ako sa likuran sa tuwing nagseselos ako sa mga kausap nya.

Ang babaeng iyon...

ay ang nag-iisang babae ng buhay ko . . .

Napapangiti na lang ako mag-isa sa tuwing naaalala ko ang mga nakaraan namin.Yung mga araw na magkasama kami na para bang wala kaming dinadalang problema,yung mga araw na wala kaming ginawa kung hindi ang tumawa ng tumawa na para bang wala na sa aming mga bokubolaryo ang salitang 'lungkot'

Pero sa isang iglap,nawala ang ngiti sa mga mukha namin.Lahat ng sayang nararamdaman namin,para bang napalitan ng  inis at poot.

Isang araw,habang naglalakad ako mag-isa pauwi galing sa paaralaan.Nakita ko si Liz na may kasamang lalake,ang saya saya nila.Nagpapalitan sila ng singsing at nagpapalitan sila ng ngiti sa bawat isa.

Parang may kung anong dumikit sa sapatos ko noong mga oras na iyon.Pilitin ko mang humakbang palayo upang hindi masaktan sa mga nakikita ko,hindi ko magawa.

Gusto kong iliban ang tingin ko sa kanilang dalawa pero hindi ko magawa.Ayoko silang tingnan pero parang naparalisa ang buong katawan ko sa aking nakita.

Ngunit,mas lalo ko pang ikinabigla ang mga sumunod na pangyayari.Napabaling ng tingin sa akin si Liz,ningitian nya ako.Ibang iba yung ngiti nya.Sa araw araw na magkasama kami,sigurado akong hindi ko pa nakita ang ganoong klase ng ngiti.

Hinawakan nya ang baba ng lalaking kasama nya at idinampi nito ng bahagya ang labi nya sa labi nito.

Nabitawan ko ang hawak ko na bag dahil sa ginawa nyang iyon.Parang kung may anong bagay ang tumurok sa puso ko.Ang sakit,sobrang sakit.

Nung mga sandaling iyon,naitanong ko sa sarili ko."Wala naman akong nilolokong babae,pero bakit ganito ang karma ko ?"

Bago pa man bumitaw ang labi ni Liz sa labi ng lalakeng iyon,tumingin ito sa akin at ningitian ako.Ang tingin at ngiti nya,ibang iba.Pati ang aura ng Liz na kilala ko,ibang iba.

Umuwi ako ng bahay na basa ang mga mata at lambot ang mga tuhod.Ang babaeng pinakamamahal ko,bakit nya nagawa sa akin iyon ? May nagawa ba ako ? May babae ba akong niloko kaya kinakarma ako ?

Bakit ganito ? Kung sino pa yung babaeng pinahalagan mo ng sobra sobra bakit siya pa yung manloloko sayo ? 

Ganito ba talaga kapag nagmahal ng totoo ? Kung sino yung tapat , siya pa yung talo ?

Isang linggo akong hindi pumasok ng eskwelahan.Isang linggo akong nakakulong sa apat na sulok ng aking kwarto.Kung pwede lang,ayoko ng makita si Liz.Gusto ko na siyang makalimutan.

That womanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon