1: The Bet.

8.8K 102 6
                                    

-Darren's-

"Bakit siya pa? May atraso ba siya sayo?" Tanong ko.

"Wag ka na ngang maraming tanong Darren. Gawin mo na lang kung anong sinabi ko." Sagot naman niya na naiirita na. Tss.

"Ang arte mo Kara alam mo yun? Sagutin mo na lang kasi yung tanong ko kung hindi, hindi ko gagawin yang gusto mo." Inirapan niya lang ako. Napakaarte naman ng babaeng to. =__=

"Kfine! She stole KN from me. Napakafeeling ng babaeng yan dahil hindi na siya lumalayo sa KN ko. Argh! Napakaflirt!!" Litanya niya na parang batang inagawan ng candy na konti na lang eh maglulupasay na sa sahig.

"Si KN? Kasama ko sa varsity yun ah. Naging kayo ba? Ba't parang di ko matandaan?" Namula naman ang mukha niya na iritang irita sa sinabi ko. Tsk. Nagtanong lang naman ako ah?!

"Ahh! Just do what I told you to do and stop asking stupid questions!!" Pagkasabi niya niyan nag-walkout na siya na mukhang papatay na ng tao.

What did I do? Nagtatanong lang naman ako eh.

Napailing na lang ako at ibinalik ang tingin sa babaeng nakayuko sa sangkatutak na libro sa mesa niya. Yan ba ang sinasabi niyang flirt? Eh mas NERD siya sa paningin ko eh.

Napakamot ako sa ulo ko. What's with girls and their issues? At anong kalokohan na naman ba itong pinasok ko?

Haaaaayyyy... Ba't kasi ang boring ng buhay?!

*toot*

1 message received

from: JustaGirl#109

Hey babe, wanna hang out with me? >:">

I'll be waiting. :*

Napangiti ako. Boring percentage: -1% Hahaha >:-D

**

-Gaby's-

"Bwahahahaha. Gago ang yabang mo eh nilampaso ka lang naman ni Gaby nung nakaraan. Hahaha! Pinakain ka nga ng alikabok!"

"Lul! Sinadya ko yun para siya ang manalo!"

"Wahaha! Palusot ka pa ungas! Hahaha."

Mga kumag na 'to ang iingay. Lintek! Kita nang may nag-aaral dito eh. Tsk.

Sinara ko ng malakas yung libro ng economics na kanina ko pa binabasa at di ko maintindihan dahil sa ingay ng mga hayup na to. Tinignan ko sila na patuloy pa rin sa paghaharutan at pagtawa.

"Umalis nga kayo rito!! Nag-aaral ako ang iingay niyo!! Shoo!! Go away!! You're pestering me!!" Tumigil naman sila at tumingin sakin ng naka-peace sign.

"Sorry babes. Hehe." - Red

Lumapit naman si KN saken at inakbayan ako. "Chill lang baby. Quiet na kami promise. Wag mo lang kaming paalisin. Nagseselos lang kami kasi kanina mo pa kausap yang mga libro mo di mo man lang pansinin yung kagwapuhan namin dito." Sabi niya pa ng nakanguso kaya natawa ako.

"Okay. Just be quiet. Mid-terms na next week and I need to A's my grades para makuha ko yung latest addition sa TOYS ko."

"Sus. Kaya naman pala seryoso sa pag-aaral kasi may reward. Haha." - Red

"Ibang klase ka talaga Gaby baby. Hahaha. Pa-kiss nga." sabi ni KN na nakaakbay pa rin sakin ngayon at palapit na ang mukha sakin. Pero bago pa dumapo ang labi niya sa pisngi ko eh nahatak na siya palayo ni Cassidy sakin.

"Get your filthy mouth off my sister, you grossly creature!!" Sigaw ni Cassidy kay KN na parang diring diri at hysterical.

"You are so possessive Cassy. Hahaha! Don't worry mas mahal naman kita kay Gaby eh." Sabay wink pa ni KN kay Cass.

"Gross!"

"Sus deny ka pa Cassy. Eh alam ko naman na patay na patay ka sken. Hahaha."

"Ang kapal mo talaga. Kadiriiii!!!"

Ayan na po. Nagsimula na naman silang magbangayan. Tsk. Tsk. Akala ko matatahimik na ang kaluluwa ko. Hindi pa pala. Hmp. =__=

Bumalik na ako sa pwesto ko kanina at nagsimulang iligpit yung mga gamit ko. Hays! Sa library na nga lang ako mag-aaral. Kaasar! Ako pa tuloy yung aalis.

"Tara babes tulungan na kita. Sa lib ba?" Tanong ni Red na nakalapit na pala sakin.

Tumango ako. "Ba't umalis ka dun? Ayaw mo ba silang kunan?" nangingiting tanong ko.

"Pass muna ko sa LQ nila ngayon. Wala masyadong thrill eh. Hahaha. Benta pa kasi ngayon yung LQ nila nung nasa Paris tayo. Action packed yun kaya andaming hits sa Youtube." Tawa na kami ng tawa habang naaalala ko yung eksenang yun. Laughtrip eh.

"Sira ka talaga Red. Onga pala, wala ba kayong planong magreview? Puro na naman kayo kalokohan pag kayo bumagsak putol na naman mga kaligayahan niyo."

"Hahaha. Wag ka mag-alala babes magrereview kami. Baka mamaya. So what's at stake this time huh?" Tanong niya na ang tinutukoy eh ang reward ko kapag matataas ang grades ko.

"Ducati." Tipid kong sagot. Lumapad naman ang ngiti niya.

"Nice.."

Umupo na kami sa isang bakanteng lamesa pagkapasok namin sa library. Medyo marami na rin estudyante dahil exam week na nga.

"Sumabay ka na kayang magreview sakin? Tutal nandito ka na rin naman eh." Sabi ko.

Napahawak naman siya sa batok niya at alanganing ngumiti. "Sige na nga. Malakas ka sakin eh."

"Sus. Alam ko kasing di ka magrereview mamaya lalo na kasama mo si KN. Huwag mong gayahin yun. Torpe. Walang bols. Hahaha."

Natawa siya. "Nakita mo?"

Umiling ako. "Hahaha. Hindi bakat eh. Pwahahaha." Tawang tawa kami dito.

Kaya naman....

"Ssssshhhh!!! Quieeeeetttt!!" Sabi ng matandang librarian.

Pigil ang mga tawa bumalik kami sa pagrereview.

"Sira ka talaga Gaby babes...." Bulong ni Red.

C.O.N.D.O.M. (Continue Reading On Dreame)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon