"Hello? Daniel!" sambit ko nang sagutin ni Daniel ang linya
"Yung powerpoint i-send mo na sa akin para masulat ko na sa manila paper" pag-papaalala ko sakanya, napabuntong hininga na lang ako, mukhang nakalimutan na naman ng unggoy na yon na may kailangan syang i-send sa akin
"Ay! Oo nga pala wait, 5 minutes" sabi niya naman sabay tawa
"Walang hiya ka, nakalimutan mo na naman na may project tayo"
Tumawa naman ang mokong, "Eto na nga eh i-sesend ko na sayo"
"Tawa tawa ka diya---"
Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay pinutol niya na ang tawag
"Naku! Pag nakita kitangunggoy ka humanda ka talaga sa akin!" nakakainis talaga yang si Daniel! Sarap balatan ng buhay kahit kelan, napahilot na lang ako sa sentido ko
Tama bang babaan ako ng telepono?
Natuon naman ang pansin ko sa cellphone ko nang tumunog ito, may message na galing kay Daniel
'Ano na nga e-mail mo?'
E-mail na nga lang di pa alam, ilang beses na ba syang nag-s-send sa akin ng report nakakalimutan pa din nya?
Sa halip na mag-alburuto ako, sinend ko na lang sa kanya yung e-mail ko
'Tapos na!' Reply niya
Agad ko naman binuksan ang laptop ko para masimulan na ang gagawin, mukhang madami dami pa akong kailangan tapusin
Nang mabuksan ko ang powerpoint na gawa niya ay nalula ako, 34 slides ang isusulat ko sa manila paper?! Sumpain talaga yung teacher namin sa AP, ang dami kasing reklamo, gusto may powerpoint tsaka manila paper na report, di daw kasi kami sure baka biglang mawalan ng kuryente mas maganda na daw na safe, may generator naman school namin
Napairap na lang ako sa kawalan
Binitbit ko na lang ang laptop ko at inilapag sa sahig ng kwarto ko, kinuha ko na din ang manila paper at marker na nasa ibabaw ng lamesa ko at inilatag ito
Huminga na lang ako nang malalim saka itinali ang buhok ko
Matapos ang ilang minuto ay napagpasyahan kong huminto muna, medyo nakakangawit kasi na nakayuko ako habang nagsusulat
Nag-unat unat muna ako at iginalaw galaw ang leeg kong nangawit
Medyo marami rami ang laman ng report, kahit pa sabihing yung ibang slides ay pictures lang, may mga nakalagay kasi sa notes ng slide kaya yun ang nilalagay ko sa manila paper dahil parte din iyon ng report namin
Di naman mapagkakaila na maganda sulat ko, mahilig kasi ako sa calligraphy kaya marami akong alam na iba't ibang fonts kahit handwritten, kaya din siguro paborito akong pagsulatin pag ganitong mga report
Di din nagtagal ay patapos na ako, medyo masakit na din ang kamay ko, sakto namang tumunog ulit ang cellphone ko, may message galing kay Daniel
'Tapos mo na ba?'
'Oo patapos naman na ako, onti na lang, may kulang pa ba?' reply ko
Agad namang nagdisplay na may tumatawag sa akin, si Daniel
Don't tell me may nakalimutan siyang ilagay sa powerpoint, masasapak ko talaga 'to
"Oh?" sambit ko pagkasagot ng tawag
"Sungit, last slide ka na ba?" tanong niya
"Hindi pa, pero patapos na, bakit? Kapag ikaw may nakalimutang ilagay masasapak talaga kita ngawit na yung kamay ko ha" banta ko sakanya, tumawa lang siya
"Wala naman akong nakalimutan ilagay, kumpleto yan, pero pwede favor?" sabi naman niya
"Ano?" tanong ko, itinupi ko muna yung mga natapos ko nang isulat
"Wag mo munang patayin yung tawag hanggang sa matapos ka"
"Huh?"
"Sabi ko, wag mo munang patayin yung tawag hanggang sa matapos ka"
"Okay sige" napakibit balikat nalang ako kahit di niya ako nakikita, di na ako nakipag away pa sa gusto niya kahit weird pa dahil pagod na talaga kamay ko, inilapag ko na lang ang cellphone ko sa sahig at ini-loud speaker siya
Ilang minuto pa ang lumipas at nasa huling slide na ako
Nasa gitna na ako nang pagsusulat ng huling slide nang may mapansin ako, kinusot kusot ko muna mata ko dahil baka napunta lang dugo ko sa ulo ko kaya nag iilusyon na mata ko pero nanatiling ganon pa din ang nakasulat
Kinuha ko ang laptop ko at tinignang mabuti ang nakatype sa slide
Mahal kita
nakalagay sa gitna ng mga salita sa powerpoint, mapapansin mo talaga ito dahil naka bold ito sa gitna ng paragraph
"Hoy Daniel, may naligaw ata sa slide ng powerpoint mo" sambit ko nang maabot ko ang cellphone ko, pero walang sumagot sa kabilang linya
"Hoy Daniel" tawag ko ulit
Abot abot naman ang tahip ng dibdib ko
Napalingon naman ako sa bintana ko nang may marinig akong tumama doon, may bumabato na kung ano sa bintana ko
"Tingin ka sa labas ng bintana mo" narinig kong sabi ni Daniel sa cellphone
Tumayo naman ako at lumapit sa bintana ko
"Tingin sa baba"
Sinunod ko naman
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sa labas ng bahay namin nakatayo si Daniel, nakasuot ito ng striped shirt na v-neck at pantalon, nakaayos din ang buhok nito, at sa kanyang mga labi ay nakapaskil ang maganda niyang ngiti
"Hey sungit" sambit niyang narinig ko sa tawag
"Aba, naligo ka ata" kantiyaw ko naman kahit ang lakas lakas ng tibok ng puso ko
Nakita ko naman tumawa siya at tumingin sa sapatos niya bago nag-angat ulit ng tingin
"Hoy may naligaw sa powerpoint mo" lakas loob kong sabi, napakuyom naman ako ng kamao sa antisipasyong bumabalot sa akin
Tumitig muna siya sakin bago nagsalita, "Anong nakalagay?" tanong niya
Tinitigan ko naman siya pabalik, lumunok muna ako at inipon lahat ng lakas ko bago ko sinabing "Mahal kita"
Unti-unting kumurba ang mga labi niya para sa isang malapad na ngiti, "Mahal din kita" sambit niya
Napasinghap ako sa narinig at napahawak sa hambala ng bintana ko, nawalan ng lakas ang mga tuhod ko mula sa mga salita at ngiti niya
Tang inang yan Daniel, napaka unfair
"Mahal kita kahit lagi kang nagsusungit" pagpapatuloy niya, "mahal kita kahit lagi akong may sapak sa tuwing inaasar kita, mahal kita kapag nakalugay ka, mahal kita kapag nakaipit ka, mahal kita kapag nakangiti ka, mahal kita mula umaga, tanghali, hapon hanggang gabi, mahal kita"
Hindi niya binitawan ang titig sakin habang nagsasalita, hindi ko din binitawan ang cellphone sa buong durasyon na nagsalita siya, at hindi ko na nagawang pigilan ang iyak at tawa ko pagkatapos niyang magsalita
"Unggoy ka talaga" sabi ko sa gitna ng mga luhang tumutulo sa mga mata ko at tawang hindi ko makontrol
"Grabe ka sakin sungit, kakatapos ko lang umamin na mahal kita unggoy agad tawag mo sakin" pagbibiro niya, hindi nawawala ang ngiti sa labi niya
At sa ilalim ng maaraw na hapon, sa isang araw ng agosto, ibinulong ko ang mga mumunting salita na tanging kaming dalawa lang ang makakarinig sa telepono