Dense? (one-shot)

111 6 4
                                    

"Alam mo kung ano yung nakakainis, yung mga taong sobrang manhid" naiinis kong sabi habang naglalakad kami ni Gel

"Eh baka naman kasi hindi naman manhid 'dre" sagot ni Gel habang busy sa kakapindot sa cp nya

"Kung hindi siya manhid eh ano siya?" tanong ko sa kanya sabay agaw ng cp nya

"Ano ba naman Mark! Akin na yan!" Naiinis nyang sabi "Clueless yun" sabay agaw ulit ng cp nya

"Clueless?! Anak naman ng tinapang clueless yan oo!"

"Syempre kung may idea siya edi hindi sya manhid diba" sabi nya habang patawid kami ng kalsada "kain muna tayo sa Mcdo" aya niya

"Sa SM na tayo kumain" yaya ko

"Dito na sa Mcdo, gagabihin pa ako tsaka gusto ko lang ng fries at float"

"Eh kung Avenneto na lang tayo" suggest ko

"Ayoko, matagal magserve dun" sagot nya

"Eh anong kakainin ko sa Mcdo, lagi na lang Mcdo napupurga na ako dun!" Angal ko sa kanya

"Eh san tayo? Jollibee? Ang layo pa oh" sabi nya "Mcdo na lang kasi, o kung ayaw mo mag-avenetto ka at dito ako sa Mcdo" sabay talikod nya at martsa pa pasok sa Mcdo

Napakamot na lang ako ng ulo ko, Naku, kung hindi lang talaga kita mahal!! Hays!

Pagpasok ko naka-order na siya agad at magbabayad na "Miss pasabay na rin ng double-cheese burger tas upsize na lahat"

"O akala ko ayaw mo dito?" Masungit nyang sabi

"Manahimik ka nga" sabi ko sabay abot ng pera ko at binayadan yung order niya, pagkatapos namen magbayad naglakad na siya sa papunta sa bakanteng lamesa

"Bipolar" natatawang sabi nya saken

Tiningnan ko lang siya habang sumusubo ako ng fries

"Ano na lang sasabihin ng parents mo, sa Mcdo lang kita kayang pakainin ha!"

Tumawa siya ng malakas "ano ba Beh, wag ka na magdrama, ayaw mo nun tipid ako kadate"

"Ewan ko sayo Gel, pwede bang next time ako naman pipili ng kakainan naten? Yung healthy naman at totoong food" angal ko sa kanya

"Bakit anong tingin mo dito? Fake?"

"Sige mamilosopo ka pa" sita ko sa kanya habang siya naman tawa ng tawa "hindi ako nabubusog sa ganito"

"Eh bakit ka ba kasi sumunod, akala ko ayaw mo dito?"

Tiningnan ko lang siya, "ang dense mo talaga!" Sabi ko sa sarili ko

"Anong sabi mo?"

"Wala sabi ko kumain ka na lang dyan" Nagkulitan lang kami habang kumakain tapos hinatid ko na siya sa may terminal ng jeep at ako naman naglakad na pabalik ng boardinghouse

Kinabukasan inabangan ko siya sa may Mcdo kasi dun siya dumadaan kapag papasok ng opisina

"Asan ka na ba?" Text ko sa kanya, pero makalipas ang ilang minuto hindi siya nagreply, tiningnan ko yung relo ko 15 mins na lang mag-8 na, male-late kami nito, kaya tinawagan ko na lang siya

Dense? (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon