All Rights Reserved!
Property of RyoAyane. :)
A/N: Isa na naman po itong random story na naisip ko lang nung umuwi ako sa hometown namin. At sana po'y magustuhan niyo. Thank you! ^_^
-----------------------------
Sabi nila ang buhay daw ay parang gulong lang, kung nasa ilalim ka kahapon, nasa ibabaw ka naman ngayon. Well, at some points of our life, fact siya pero di ko akalain na pati din pala sa LOVE, 'thing' din siya.
---------------------
(2 years ago)
Isa lang akong simpleng babae na alam ang magulong buhay. Masayahin palagi, malungkot minsan. Mabait ngayon, mataray naman mamaya. Maingay dito, tahimik doon. Matalino sa written tests, bobo naman sa recitation. Cute sa pictures, maganda sa personal (honest kanina, liar ngayon, joke! Hehe). Ganyan lang naman ang buhay, minsan ito ka, di kalaunan, 'yan ka na. Parang katulad lang ni Psyche, kontetnto na siya 'noon' kahit di nakikita si Cupid basta nakakasama lang siya pero bigla na lang na gusto na niyang makita kung ano ba talaga ang itsura ni Cup---
"Uy, Marly, seryoso kana masyado diyan ha?" ay, naman 'tong si Asha, mangulat ba naman? Eto sineryoso na, ayaw naman nila. Ang gulo naman oh.
"Oo nga, baka dahil sa sobrang seryoso mo ay maging novel na yang script natin ha, hindi na pang 15-minute role play." - si Hina naman na ngiting ngiti pa.
"Hala, sige, kayo gumawa nito!" sabay bigay sa kanila ng script na sinimulan ko na.
"Eto naman, di majoke, sige na, tapusin mo na yan." - si Asha at tumawa pa silang dalawa ha.
"Kayo naman po kasi, moral support na nga lang ang hinihingi ko sa inyo dito sa script na 'to para sa role play ng grupo NATIN eh hindi niyo pa mabigay." yes, pinagdiinan ko talaga ang 'natin' para naman mahiya 'tong dalawa. Inaabuso na nila ako ha, pur que bestfriends ko sila eh.
"Grabe naman eto, pinagdiinan mo talaga ha? Oo na, sige na, gawa ka na ulit. Go, Marly, Go!" wow, moral support niya ba yun? Ang tamlay kasi, parang may lagnat. Sinabayan rin ni Asha yung walang kaener-energy na cheer ni Hina. Grabe! I love my bestfriends! Hmmp.
"Wow, ha! Thank you talaga, nabuhayan ako ng loob sa ginawa niyo! Promise!" tinaas ko pa talaga kanang kamay ko nun at sana man lang ay napansin nila yung sarcasm dun ha, slow din kasi 'tong dalawang to pagdating sa pagiging sarcastic ko eh.
"Gusto mo ng inspirasyon? O sige, lingon ka sa likod mo, andun inspirasyon mo" at ako naman ang utu-uto, sumunod sa sinabi ni Hina. Paglingon ko, nakita ko yung long-time crush ko na si Nikko.
Pinapaligiran na naman siya ng mga tingin ng mga babae dito sa canteen. Sino naman ang hindi mapapalingon sa kanya eh, captain yan ng basketball team ng University namin kahit 2nd year college pa lang at sabihin niyo ng OA ako, ang gwapo niya kaya, parang LEE MIN HO lang ang peg ng mukha niya noh! Sikat na sikat talaga yang mokong na 'yan dito sa school.
"Hello, Marly!" nakangiting bati sa akin ni Nikko ng makalapit siya sa table namin. At chos, nakakatunaw yang mga ngiting yan.
"Hi" bati ko naman sa kanya. Di ako nakangiti huh, baka akalain pa niyang 'gusto' ko siya at sabihin pa ng mga babaeng nakatingin sa amin na kinikilig ako eh, sus, ipa-MAFIA pa ako nila eh.
"Wala bang smile diyan?" tanong naman niya na parang nahihiya pa.
"Ayoko nga, mahal ko pa buhay ko noh." at tumingin naman ako sa isang table kung saan may mga babaeng ang sama ng tingin sa akin.