Finding Potato

92 5 25
                                    

4/11-16/2106

A/N: Dahil tinatamad pa ako magsulat ng u.d sa TDB, ito na muna pinagtripan ko hehe. Inspired ito roon sa nakita kong kwento ng tomato at potato. Wala lang. Bigla kasi gumana brain cells ko haha..

***FINDING POTATO***

"Potato... Potato..." walang humpay niyang sambit habang nakahiga ang gilid ng ulo sa mesa at nakatingin sa labas ng bintana.

Hindi siya nababaliw. Totoong hinahanap niya si Potato. Parang katulad sa palabas na 'finding nemo' pero syempre iba pa rin 'yong kanya. Patatas. Si Patatas ang hinahanap niya at hindi isda. Kaya lang hindi naman niya alam kung saan niya hahanapin si Potato. Sa laki ba naman ng populasyon sa Pilipinas? Kung maalala niya umabot ng 102, 467, 483. 'Yun. Nakakahilo lang. At bakit niya pa niresearch ang bagay na 'yon? E, wala namang konek at mas lalong OA lang ang dating. Ah! Bumalik ulit tayo kay Potato. Nasaan kaya si Potato? At paano ba niya ito mahahanap?

"Erika!" Napapitlag siya sa paghampas ng lamesa at pagsigaw sa kanya ng babae pero hindi niya ito inintindi. Imbis na lingunin ito ay tinakpan lang niya ang kanang tenga at nakatingin pa rin sa kawalan.

Narinig niya itong napa-sabi ng 'ugh' at alam niyang napasapo na rin ito sa sariling noo pero syempre hindi pa rin niya ito lilingunin. Masyado siyang busy sa pag-iisip kay Potato.

"Ano ba naman 'yang ginagawa mo Erika?!" malakas ulit na sigaw ng babaeng naka-uniporme. Nang marinig ang sabay-sabay na pag 'ssshhh' mula sa mga estudyanteng ando'n din ay agad siyang natigil pero yamot pa rin ang itsura. "Kanina pa kita hinahanap at 'andito ka na naman pala? Ano ba? Hindi ka ba papasok sa P.E class natin?"

Ah, P.E class na naman, sa isip ni Erika saka siya napabuga. Sa lahat ng subject, P.E ang pinaka-ayaw niya sunod doon ang Math.

"Ano ba Erika?! Hindi ka na naman papasok?"

"Bakit mo pa tinatanong kung alam mo lang naman?"

"Aba't! Bruha ka! Pumasok ka!"

"Ayaw."

"May coupon ako ng discounted cakes doon sa alam mo na... sweet and pastries." Biglang natauhan si Erika sa sinabi ng kaibigan. Alam nito ang makakapagpa-oo sa kanya. Lilingon na sana siya pero hindi niya ginawa. Nah, ayaw ko talaga ng P.E, sambit niya sa isip.

"Ayoko pa rin."

"Naman Erika! Hindi ka puwede mag-absent may practicum tayo ngayon."

"Ang kulit mo, Kaye."

"Ako pa ngayon ang makulit? Bakit kasi 'andito ka na naman sa library---Aha!" Nasipat nito ang librong nasa harapan ni Erika at nakapatong sa book stand. "Nagbabasa ka na naman ng kwento no'ng patatas?" Natigilan si Erika. Ah, nahuli na naman siya ng kaibigan. Agad niyang kinuha ang libro, tiniklop ito at ginawang panghiga sa ulo niya.

"At talagang paniwalang-paniwala ka riyan? Ay naku, sinasabi ko sa 'yo Ikang. Hindi 'yan totoo. Walang ganyan at wala kang mahahanap na ganyan. Okay?"

"Ma-la-late ka na sa P.E," pagtataboy niya sa kaibigan na walang tingin. Narinig naman niya itong naalarma at bago ito umalis, pinaiwanan muna siya. "Basta sa susunod papasok ka na ha? Saka pumasok ka mamaya pagkatapos ng P.E."

"Five minutes ka nang late oh," baling na sagot niya kay Kaye at itinaas pa ang palapulsuhan na may relo. Narinig naman niyang napasigaw ang kaibigan saka kumaripas ng alis. Napangisi na lang siya sa huli pero nawala rin 'yon.

Tamad siyang umayos ng pagkakaupo saka kinuha ang librong parati niyang binabasa. "Anu naman ang masamang maniwala na makakahanap ako ng isang Potato?" tanong niya sa sarili habang nakatitig sa pabalat ng libro na merong patatas at kamatis na nagyayakapan. Ang pamagat ng librong iyon ay Finding Potato at Oo. Isang kwentong pambata ang librong 'yon pero naniwala si Erika. Naniniwala siyang siya si Tomato at mahahanap niya si Potato.

Finding Potato (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon