1st

10 3 0
                                    


'Ayan malapit na sila magkita nung bida. Ayieeeee ayan na, Daliiii!'

DING! -- DING! -- DING!

MAGGY GRACIELLA TAYAG
TIME TO DIE

'Naman! pwede mamaya ko nalang to sunduin? eto na e. Malapit na sila magkita e.'

------------------
'Haist! Tagal-tagal naman nila. Manunuod pa ako ng Drama eh.!'

"MAGGY!!!"

"Mackoy, wag mo na ako pigilan.."

"Wag ka tatalon please?.."

"Napakarami na nang problema dumating Mackoy hindi ko na kaya kung ganon din lang ang mangyayari mas mabuti na to"

"Sige. kung gagawin mo yan sasama ako."

Ay? sasama din siya, parang sa drama lang na pinapanuod ko. Hmm. Tagal naman nila baka mamaya hindi ko na maabutan ang pagkikita nung bida at yung partner niya e.

DING! -- DING! -- DING!

'Hala? ano nangyayare? Nag iiba yung mamatay? Hindi na si Maggy? Si Mackoy na?

Nakatayo yung babae sa dulo ng building at yung lalaki umakyat na din.

Kaso nung itutulak na nung lalaki yung babae pababa siya naman ang nahulog sa building.

Nagteleport ako bigla sa baba kase nahulog bigla ang dala kong libro at buti nalang ginamit ko kaagad ang kakayahan ko para di siya bumagsak sa akin kaso sa hindi inaasahan na pangyayari bigla akong...

______________________________________

MACKOY'S POV

"Ha?! nasa ospital ako"-Mackoy

Bumagon ako at tinigan ang sarili ko. Walang man akong sugat, wala akong bali. Kinakapa kapa ko ang katawan ko wala nga. Napatingin ako sa sa gilid ko eto yung babae kanina na sumagip sakin?? hmmm. Linapitan ko siya at tinignan mabuti.

Gising na siya at umupo parang nagulat ata sya sakin pinaka tignan nya ako at hahawakan ko sana siya nang bigla nyang kinagat ang kamay ko!

"WAHHHHHHHH ARAY KOO!-Mackoy

Kinapa kapa nya ang katawan nya at biglang sumigaw.

"AAAAHHH!!! nakikita mo ako? AAAAAHHHH!"

"Ha? oo naman!"-Mackoy

"OH MY GAHD!"

Baliw ba ito? Natural nakikita ko siya. May hinahanap siya, bumangon siya at tinignan ang kama, tinaas ang unan ang kumot pero wala naman?

Lumabas na kami ng Ospital.

"Older Angel!!"

Ha? sino yung tinatawag niya? Wala naman akong nakikita ah. Bigla siya tumawid at nang akmang mabubunggo siya. Hinila ko siya kaagad kaya natapat ang gilid ng muka nya sa dibdib ko.

"Hoh naririnig kong tumitibok ang puso mo"

"Ano ba?! lumayo ka nga!"-Mackyo

Hinawakan nya yung dibdib nya at sumigaw nanaman.

"AHH! Hoh! Tumitibok ang puso ko!"

"Tsk! Halika na nga pupunta tayo police station"-Mackoy

"Older Angel!!!!"

Tinignan ko kung sino ang tinatawag niya pero wala naman akong nakikita na kinakauasap niya. Tsk baliw siguro to.

"Tara na!"-Mackoy

The Angels HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon