Nakaupo, nagmumokmok at may hinihintay. Eto ang palagi kong gawain, mapaumaga man o gabi. Hinihintay ko ang aking kapatid upang ako'y sunduin.
Nakaupo ako ngayon sa gilid kung saan kaharap ko ang rehas. Kung saan dito ako laging nakatambay, dito ako laging napupunta at dito ang bagsak ko kung may nagagawa akong masama.
Nasa presinto ako ngayon dahil nahuli na naman ako sa pangangarera o tawaging nating drag race sa pinagbabawal na lugar at sa murang edad kong nangangarera. Mahilig kasi ako mangarera, at eto lang ang nakakatulong sa akin pag depressed ako. 2 years ko nang ginagawa ito at itutuloy ko parin.
Ilang oras akong naghintay dahil may inaasikaso daw si kuya. Buti si kuya kahit busy siya hindi pa rin niya ako nakakalimutan. Buhay talaga.
"Clementine?!" Rinig na rinig ko ang aking pangalan mula sa pintuan ng Police station. Agad akong tumayo sa kinauupuan ko dahil alam kong si kuya iyon.
"Kuya? Andito ako." Sinabi ko yun ng makita ko na si kuya. Napatingin naman siya sa akin. Nang nasabi ko iyon, umupo din ako kaagad sa inuupuan ko kanina at isinandal yung ulo ko sa pader. Hindi talaga ako pinapabayaan ni kuya. Siya ang palaging nangdiyan para sa akin.
Naghintay ako ng ilang minuto ng biglang nagsalita ang police.
"Laya ka na Ms. Reyes."
Tinignan ko kung sino ang nagsalita, ang police. Habang binubuksan niya ang rehas tumayo na ako at lumabas na ng nabuksan ito. Pumirma ulit ako sa record ng mga police. Bukas ko pa daw makukuha sasakyan ko kaya lumabas na ako sa presinto ng makita ko si Kuya James na naghihintay sa akin. Magkasalubong ang kilay at nakasandal sa sasakyan niya. Nahihiya akong lumapit sa kanya dahil may nagawa na naman akong di maganda. Nang makalapit ako sa kanya
"Kuya, so--" naputol ang sasabihin ko ng bigla siyang sumigaw.
"Palagi nalang bang ganito Janna?! Hindi ka na ba titino?!" Hindi ako umimik at yumuko nalang. Nagalit si kuya, nataasan niya ako ng boses. Palagi naman eh, sanay na akong makarinig ng sermon, kina papa at mama, pati na rin sa mga kaibigan ko. Nakakasawa na, nakakasawa ng mapagalitan at masermonan. Napabuntong hininga nalang si kuya.
"Kailan ka ba titino?" At this time huminahon na siya, hindi ko magawang taasan ko siya ng boses dahil ang bait bait niya sa akin, ayaw ko rin na nagagalit siya.
"Sorry." Nakayuko pa rin ako.
Katahimikan ang bumalot ng ilang. Bigla niya akong niyakap at sinabing
"Sssh, alam mo naman na di kita matitiis." Bulong niya sa akin at yinakap ko rin siya. Ang bait talaga ni kuya sa akin kaya mahal na mahal ko siya eh. Ilang minuto kaming magkayakap ni kuya.
"Umft? Janna?" Tawag ni kuya kaya tinignan ko siya. "Di na ako makahinga." Napansin ko nalang na napakahigpit na pala ang yakap ko kaya bumitaw na ako sabay tawa naming dalawa.
***
Napatingin ako sa relo ko, at 8:00 na pala. Gabi na. Pauwi na kami ngayon galing sa presinto ng biglang tumunog yung tiyan ni kuya at natawa kami."Kuya hinto." Pinahinto ko ang sasakyan dahil may nakita akong restaurant, sakto gutom na rin ako eh.
"Kuya, kain tayo." Napatingin sa akin si kuya ng wala-akong-pera-look. Sos! Possible naman kung wala siyang pera. Natawa nalang ako.
"Don't worry, I'll treat you." Paglalambing ko na rin sa kanya ito, kaya bumaba na kami sa sasakyan niya. Habang naglalakad kami papasok sa restaurant, hinili niya ako at sinakal gamit braso niya pero di naman sa mahigpit. Nakakahinga pa rin naman ako ng maluwag.
"Naglalambing nanaman tong kapatid kong ito, haha." Sabay
gulo niya sa buhok ko. Nginitian ko nalang siya at nagtuloy na sa paglalakad.Nang nakapasok na kami sa Restaurant, umorder na kami ng aming kakainin. Papalapit na yung waiter para ibigay yung order namin ng nagsalita siya.
"Sir, ganda naman ng kasama mo." Sabi ng waiter kay kuya habang binababa yung order namin sa lamesa.!Tumingin yung waiter sa akin then he winked at me. Ang laswa naman oh. Magsasalita na sana ako ng nagsalita na si kuya.
"Magtratrabaho ka ba o hindi?" Sacrastic na sabi ni kuya. Natawa ako sa expression ng waiter at sa sinabi niya ni kuya pero hindi ko pinahalata.
"Eh, sorry po." Sabay kamot sa ulo nito at walk-out.
"Grabe ka kuya." I giggled ng makaalis na ang waiter. Nagsmile nalang siya at tinuloy ang kinakain. I'm so blessed that I had a brother, very protective niya. Tinuloy ko nalang din kumain.
Nang makalipas ng ilang minuto ay natapos na kaming kumain at umuwi na.
***
Nandito na kami sa bahay ngayon, pagkapasok ko palang sa bahay diretso na ako sa aking kwarto. Nang nasa hagdan na ako ay napahinto ako."Good night little girl." Si kuya.
"Kuya di na ako bata tss." Di naman talaga ako bata. 4th year HS na ako sa next na pasukan. Natawa nalang si kuya at "Sige na, pahinga kana." Hay buti naman. "Little girl." Bulong niya pero narinig ko pa rin. Kasi naman oh.
"Kuya!" Padabog kung sabi at tinawanan niya lang ako. Talaga si kuya. Pinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang sa makarating na ako sa aking kwarto. Humiga muna ako sa aking kama ng biglang may tumawag.
*RING
Tinignan ko kung sino ang tumatawag, si mama. Nako naman, masesermonan ulit ako dito. Di ko nalang sinagot cp ko tapos inilayo ko ito. Wala si mama at papa ngayon sa bahay dahil nasa ibang bansa sila. Inaasikaso ang bussiness nila, tss imbes na kami yung inaasikaso pero hindi eh, ni wala na nga silang time para sa amin, para sa akin.
Wala si mama, wala rin si papa. Minsan walang nagpapaalala sa anong mabuti o hindi, pero naiintindihan ko sila. Ginagawa nila iyon para sa aming kinabukasan, pero ang kailangan yung maramdaman sana namin yung care nila at oras nila para sa amin.
Ang hirap pag di mo kasama magulang mo pero sanay na rin naman ako, nasanay na ako sa maraming bagay, maliit man na bagay o hindi. Kailangan nating masamay para sa ikakagaan ng loob natin, mahirap man pero kailangan at dapat nating gawin.
BINABASA MO ANG
Fall inlove to a Gangster
Teen FictionPROLOGUE Maganda Matapang Mayaman Astig Pasaway At halos na sa kanya na ang lahat. Mahahanap kaya niya ang tunay na nagmamahal sa kanya? O hindi na? Mababago pa kaya ang buhay ni Janna? - Hello guys, shengbelisario here :D hope you'll like this st...