Chapter 2- Is it true?

9 0 0
                                    

"Hindi ka na makakalabas dito HAHAHA!"

Nang marining ko ang boses na iyon ay natakot ako. Ang dilim ang aking paligid. Wala akong makita.

"Sino ka?!" Sigaw ko. Di ko makita dinadaanan ko.

"HAHAHA!" Tawa siya ng tawa. Paulit-ulit kong tinatanong kung sino siya pero di niya ako sinasagot. Nagulat naman ako ng nagliwanag, nakita ko ang isang matandang babae na may hawak na kutsilyo. Lumalapit siya sa akin at tawa pa rin ng tawa. Nanginginig ako sa takot. Yung mukha niya na nakakatakot. Nang makalapit na siya sa akin, tinutok niya yung kutsilyo sa leeg ko at unti-unti akong napapangiwi. Sumigaw ako ng sumigaw. Naramdaman ko nalang ang mga dugo na lumalabas sa aking leeg.

"Arayyyy!"

"Ayoko naaaaa!" Yan lang ang tanging lumalabas sa bibig ko. Tawa pa rin siya ng tawa hanggang sa mawalan ako ng malay. Patay na ba ako?

"Clementine, wake up!" Nagulat naman ako na ginigising pala ako ni kuya. Unti unti kong minulat ang aking mga mata na may pumapatak nang luha mula dito. Nakita ko na nakatayo si Manang Rose sa tabi ng kama na at mukang kinakabahan sa akin, isa siya sa katulong namin at pinakaclose ko. Habang si kuya nakaupo sa tabi ko.

Buti nalang, panaginip lang pala. Umupo agad ako at niyakap si kuya. Umiiyak at natatakot ang nararamdaman ko. Nakapanaginip na naman ako ng masama. Panaginip na hindi ko aakalain. Panaginip na ayaw na ayaw ko.

"Tahan na, nandito na ako. Sssh." Sabi ni kuya. Hinaplos-haplos niya balikat ko.

"Manang pakikuha ng tubig si Janna." Sabi niya kay manang. Dali dali namang kumuha ng tubig si manang sa baba. Buti nalang magkatabi kami ng kwarto ni kuya. Ganito palagi ang nangyayari sa akin simula ng bata pa ako. Iba-iba ang mga napapanaginipan ko, rare lang yung mga magagandang panaginip pero mostly yung mga masasama. May time nga rin na paggising ko umiiyak na ako dahil sa pangyayari sa panaginip ko. Meron din yung tumatakbo daw ako sa bahay tapos babalik din ako sa kama.

"Ku-ya *huk* *huk*" di ko parin mapigilan ang umiyak. Nakayap ako kay kuya at nanginginig. Tinapik ni kuya and likod ko. Dapat sanay na ako sa ganito, sana di na ako natatakot at umiiyak pero hindi ko mapigilan umiyak at matakot eh.

"Janna eto na yung tubig." Abot sa akin ni manang yung tubig. Tinanggal ko ang pagkakayap ko kay kuya at uninom ng tubig.

"Kamusta na pakiramdam mo?" Tanong ni kuya nang nakainum na ako.

"Mejo o-kay na ku-ya." I was panting.

"Sige na matulog ka na ulit, dito lang ako sa tabi mo." At tumabi naman siya sa akin. Umalis na si manang sa kwarto ko. Humiga na kami sa kama ko pero hindi parin mawala wala sa isip ko yung matandang babae, na may hawak na kutsilyo at nakakatakot ang mukha.

Ilang minuto ang nakalipas, hindi pa rin ako makatulog. Tinignan ko si kuya kung nakatulog na.

"Kuya?" Tanong ko

"Hmm?"

"Di ako makatulog."

"Kantahan nalang kita." At nagsimula na siyang kumanta. Nakakagaan ng pakiramdam. Ang ganda ng boses ni kuya.

I remember you said don't leave me you alone,
But all that's going past tonight...

Just close your eyes
The sun is going down
You'll be alright
No one can hurt you now

C'mon in light
You and I be safe and sound...

Safe and Sound by: Taylor Swift. Kinantahan ako ni kuya ng di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

***
Paggising ko, wala na si kuya sa tabi ko. Tinignan ko kung anong oras na, 8 am na. Linggo ngayon at pasukan na namin bukas.

Bumangon na ako sa kama at nagbihis na rin. Pagkababa ko, wala na si kuya. Pumunta na siya sa trabaho niya. Doon sa business namin, dahil siya na nagmamanage sa bussiness namin dito sa Pilipinas. Nagugutom ako kaya dumiretson ako sa kusina.

"Baaah!"

Ay tang ina, napatalon ako sa gulat. Aatakihin ata ako ng di oras dito.

"Nagulat ka noh?" Kuya Jasper. Tanongin pa naman sa akin, di ba obvious? Inirapan ko lang siya.

"Nagulat ako sa pagmumukha mo kuya." I teased. "Ang pangit mo kasi." Tumawa ako.

Si Kuya Jasper, kapatid ko rin, sobrang kulit niya pero mahal na mahal ko siya. 2nd year college na siya this next school year. Tatlo kaming magkakapatid and guess what? Ako lang ang babae.

"Sa akin ka nagmana eh." Tas tumawa siya kaya tumawa rin ako. Inaya niya akong kumain kaya umupo na kami. Tinanong niya sa akin kung nanaginip na naman ako kagabi at sinabi kung huwag na siyang mag-alala dahil maayos na naman ako. Sinabi niya rin na nakuha na niya sasakyan ko, kaya nagpasalamat ako.

Lalabas ako para pumunta sa bahay ng kaibigan ko.

Nagdridrive ako ngayon papunta sa bahay nina Gwen. Napabagal ako sa pagdridrive ng may tumawag.

*RING

Si Gwen

"Hello"

[Janna Reyes?! Asan ka na?!Kanina ka pa namin hinihintay!"] napakaingay naman nito. Kahit kailan talaga. Halos mabingi na ako sa sigaw niya. Si Gwen, Gwen Buenavista. Isa yan sa mga kaibigan ko.

"Ang ingay mo! Papunta na PO ako diyan!" Sigaw ko. Namiss na naman ata ako ng sobra.

[Good.] at binabaan ko nalang siya.

Pagkababa ko yung phone ko nagulat nalang ako ng biglang may nagover take sa akin at tinapat yung sasakyan niya sa sasakyan ko.

"Ang bagal mo!" Isigaw pa naman sa akin. Sorry, tao lang! May tumawag kasi! Ha? Sorry ah! Tae! Ang yabang. Kala mo naman kung sino siya. Binilisan niya yung takbo niya at nakalayo na siya.

Sinundan ko yung sasakyan na iyon at lalo ko pang binilisan ang pagmamaneho ko para mahabol ko iyon. Nasa likod niya ako at nang nakita niya ako lalo pa niya binilisan. Binilisan ko naman. Nang nalapitan ko na iyon, ipinantay ko naman yung sasakyan ko doon sa sasakyan niya.

"Ano ba problema mo at bakit mo ako sinusundan?!" Tanong niya sa akin. Ang yabang talaga nito.

"Eh ikaw?! Anong problema mo?!" Binalik ko yung tanong niya.

"Aba, ang yabang mo rin eh noh!" Sagot niya sa akin. Makapagsabi siya ng mayabang eh mas mayabang siya. Black yung kotse niya, mejo mamahalin yung sasakyan niya kaya ang alam ko mayaman siya.

"Ikaw ang mayabang!" Sigaw ko sa kanya at binilisan ko ang takbo ko. Inovertake'n ko nalang siya at naiwan. Aiiish! Sino ba kasi iyon? Ang yabang! Kala mo naman kung siya ang may-ari ng kalsada. Pero ang gwapo niya. Tss ano ba itong iniisip ko? Binilisan ko nalang ulit yong pagmamaneho ko hanggang sa makarating ako sa bahay nina Gwen.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fall inlove to a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon