l

8 2 0
                                    

Umpisa palang sinasabi ko nang maikli lang ang Storyang ito.





















-------------------------------






Nandito parin ako sa Classroom namin nililigpit ang mga gamit ko, wala na kasing pasok ngayon kasi nag deklara ang principal na may biglaang meeting daw.

Yung ibang mga classmates ko, ayun nag papaunahan ng labas. Isip bata! Tsk! Haha!

Yung naiwan nalang dito ay si Jewel bestfriend ko atsaka yung mga kaklase kong babae na naglalagay pa ng mga make up nila sa mukha.

"Oy Max, sama ka samin. Punta tayo ng Bar" yung kaklase ko.

"Ay pasensya kana Christy may pupuntahan pa kasi ako,may pinabibili pa kasi yung nanay ko. Malayo layo kasi yung pupuntahan ko eh. Dalawang sakay pa. Sa susunod nalang" sabi ko.

"Sige na nga! Basta sa susunod
ha?" Sabi nya.

''Oo na" sabi ko at nagpaalam na silang aalis na sila.

Biglang may tumikhim sa gilid ko at nakita kong nakatayo dun ang bestfriend kong si Jewel, habang nakangiti.

"Narinig kong may pupuntahan ka, sama ako Max!"sabi nya.

"Ayaw!" sagot ko.

"Eeeeeh! Sige na sama ako baka mapano ka pa dun, malayo yung pupuntahan mo diba?" pagpupumilit nya habang nakanguso.

Cute!

Ito talaga napaka overprotective talaga nito kahit kailan kaya koto naging bestfriend eh!

"Oo na! Sama ka na sakin libre muko ng pamasahe." Behlat!:p

"Palagi naman eh. Sige na!"

Natatawa nyang sabi sabay kamot ng ulo. Haha

Nag umpisa na kaming maglakad hanggang nakapara kami ng jeep at sumakay.
















~~~~~

Nandito na kami ngayon sa Jeep, at apat lang kaming pasahero ang nakasakay.

Katapat ko yung matandang lalake at sa gilid naman namin yung dalawang mag syota.

PDA! Kaloka naman to oh! Dito pa talaga nagyayakapan sa Jeep?

Siguro nag away tong dalawang to, si Girl kasi parang umiiyak tas si boy naman todo yakap kay Girl.
Bahala nga sila!

"Jewel bayad kana"sabi ko.

Tiningnan muna ako ni Jewel tsaka nagbayad ng pamasahe.

"Bayad po" sabi nya. Sya yung nagbayad kasi sya yung katabi nung dalawa.

Pero ni hindi man lang kami pinansin nung dalawa, nakakaloka busy talaga sa pag P-PDA pati yung Driver sinamaan kami ng tingin. Baka sabihin pa nito na Bitter kami noh! Hmp!

"Para po" sabi ng matanda. Pero nagulat nalang ako ng pati kami ay hinigit nya pababa. Napatingin ako sa Driver at napakasama ng tingin nya samin.

"Lolo, bakit nyo po kami hinigit, hindi pa po kasi kami bababa eh.'' Sabi ni Jewel.

"Hindi niyo ba napansin?" Natatakot na tanong ng matanda.

Nagkatinginan kami ni Jewel at nagtatanong ang aming mga tingin.

"Yung babae kanina na nasa jeep ay hinoldap ng lalake, tinututukan nya ito ng icepick kaya hindi ito pumapalag . At kaya sya niyayakap ay para walang makakita sa kanyang ginagawa kaya napapaiyak nalang yung babae" sabi pa nito.

Kaya pala! Akala ko talaga mag kasintahan sila na nag away lang kanina. Salamat talaga kay Lolo! Buti nalang at hinatak nya kami.

"Yung driver kanina ay kasabwat din ng lalake, at kaya ko rin kayo hinatak pababa dahil parang paiba na ang ruta ng jeep." Dagdag pa nito.

Agad nanlaki ang mata ko at napakapit kay Jewel.

"Sige mauuna na ako, lalakarin ko nalang pauwi malapit naman kasi yung bahay ko eh"matanda.

"Opo! Salamat po talaga Lolo, mag iingat po kayo pauwi"sabi ni Jewel.

"Kayo rin mag iingat din kayo" sabi ng matanda at umalis na.

Pero bago pa man sya makalayo, ay may nalaglag na bagay mula sa bag nito.

Agad nanlaki ang mga mata namin ni Jewel dahil sa nakita namin.













"ICEPICK??!" sabay naming sabi.




















~THE END~

IcepickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon