“Simon please don’t leave me!” Narinig kong pagsusumamo ng isang babae on my way to the parking lot.
“Get lost Dianne! Don’t you get it?! I don’t care for you, not then, not now!” sagot ng isang lalaki. Obviously nagtatalo sila. Aisshhh… Ang awkward tuloy dumaan sa harap nila. Sumilip akong konti para pagplanuhan kung paano ako makakarating sa kotse ko ng hindi nila namamalayan. Pero pakshit lang… doon talaga sila sa harap ng kotse ko gumagawa ng eksena! Paano kaya ‘to?!
“No Simon! Please I’ll do anything… just don’t… don’t walk away from me.” sabi nung Dianne habang umiiyak sa sahig at nakakapit sa binti ng ex-boyfriend siguro. Pilit na inaalis ni Simon yung pagkakapit sa kanya nung Dianne hanggang sa lumuhod na din siya. Nakatingin lang sa kanya yung Dianne habang umiiyak.
“Look Di, I don’t want to make things harder. It’s all my fault alright, baby? I have to go. We’re done.” PInahid nung Simon yung luha nung babae gamit yung hinlalaki niya tapos tumayo na siya at umalis sakay ng kotse niya. Haayyy… sa wakas natapos na ang drama nila. Naiwan pa ding nasa sa sahig ‘yung Dianne at nakatungo. At least hindi na siya umiiyak.
Naglakad na ako papunta sa kotse ko. What to do? Andun pa rin siya sa harap ng kotse ko… blocking my drive way. Nilapitan ko siya at iniabot ang panyo ko. “Dianne?” Syempre alam ko ang pangalan niya. Sinigaw kaya ‘yon nung Simon kanina. Ang lame naman kung iba ang itawag ko sa kanya di’ba?
Agad siyang napatingala sa’kin. “Simon!” Nakangiti siya. As in parang bata na binigyan ng favorite niyang laruan ‘yong ngiti niya bakas hanggang sa mga mata niya na masaya siya. Acsjkasfhkx! Nanghihina ako! Pakiramdam ko gusto kong matry maging si Simon just for her. Lumuhod ako sa harap niya. Yumakap siya sa akin. “I know you can’t leave me. What we had---“ Natigilan siya ng makita niya ang mukha ko sa malapitan. “Sorry… akala ko…” Naiiyak niyang sinabi.
“It’s okay.” Inabutan ko siya ng panyo.
“Wag na! Meron ako. Sige ha!” sabi niya sa’kin tapos umalis na.
Nagdrive na ako papunta ng bahay para magpalit ng damit at umalis din agad. Nagkayayaan kasi mag boys night out dahil Sabado naman daw bukas. Nakita ko si Mama pagkapasok ko ng bahay.
“Luke!” tawag niya sa akin ng makita ako.
Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi. “Si Papa?”
“Nasa taas. Inuwi ‘yong trabaho niya. Hindi daw siya makapagfocus dahil halos due date ko na! Baka daw mapaanak ako ng wala siya sa tabi ko!” sabi ni Mama ng nakangiti. I want a relationship like my parents. They cherished each other for as long as they both shall live. Kung hindi true love ‘yon hindi ko na alam kung ano pang tawag doon!
Hinalikan ko ulit ang pisngi ni Mama. “Aalis po pala ako. Nagkayayaan ang barkada eh.”
“Hmmm… sabihin mo pupuntahan mo yang girlfriend mo!”
“Wala akong girlfriend!” Depensa ko agad. At least not for long…hindi ko sure kung true love ito but I want to find out kaya hahanapin ko si Dianne first thing tomorrow.
“O siya! Magpalit ka na! Huwag kang magdidrive ng lasing ah!” paalala ni Mama.
Umakyat na ako sa kwarto ko at agad nagpalit. Tinext ako ni Kurt na sa 7th High na daw ako dumiretso. Bagong bar na naman? Pagdating ko magbabayad sana ako ng entrance fee but it appears kasama ako sa guestlist ng DJ. Sino kayang DJ ‘yon? Hindi ko naman sila kinikilala. Paagpasok tinawagan ko agad si Kurt. “San kayo?”
BINABASA MO ANG
When He Fell In Love
Teen FictionHe wished for true love and finally found it in a girl crying for her broken heart. Since then sinuyo na niya ito at pinakita kung gaano siya kaseryoso para mapasakanya ang babaeng gusto niya. Pero how long can he wait for her? =====/////===== Short...