Ofcourse Game

222 22 3
                                    


A/N: Warning! Super gulo ng one shot na Ito.

~~~~~~~~~~~~~~~

"JULIO SUAREZ THE SECOND!"hay naku! naghahabulan na naman ang couple ng tropa, wala talaga silang tigil sa kakasigaw doon! Sigaw dito!

"Ano ba? Araw-araw na Lang kayong naghahabulan ah, Hindi ba kayo marunong mapagod?" pagawat ni Vince sa kanila.

"Oo nga" pag-sangayon ko pa.

"Eh kasi naman tong Kuya mo Joann kinuha yung cellphone ko, porket may crush Lang sakin, masakit na nga ulo ko lalo pang sumasakit" sabi ni bessy Ynna habang nakahawak sa ulo niya.

"Hinihiram ko Lang naman ah, ang damot mo! Tsaka anong crush?! Crush your face! Ikaw nga tong may crush sakin eh, Ba't ang dami kong picture sa phone mo?!" sabi naman pabalik ni kuya. Hindi na sumagot si bessy at nag-walk out na Lang, pumunta sya sa isang bench, kasi masakit daw talaga yung ulo niya ngayon kaya sinundan ko siya. Nasa beach nga pala kami, nagpipicnic kaming walo sa tropa.

"Bes, okay ka Lang?" sabi ko at tinapik siya sa balikat.

"Oo, masakit Lang talaga ulo ko" sabi niya kaya hinilot ko yung ulo niya ng konti.

"Baka naman kulang ka lang sa tulog?" sabi ko at tinigil ang paghilot sa kanya.

"Di bessy, kanina pa ko natutulog sa byahe eh" sagot niya at sumandal sa balikat ko.

"Oh eh baka nasobrahan ka na sa tulog!" sabi ko at tumawa ng konti. Hehe

"Bes naman eh" pagmamaktol niya pero natatawa rin.

Lumapit samin si Vince at sinabing kakain na daw. Tumakbo pa nga si bessy pagpunta sa cottage eh, masiba yan, yun lang pala makakagamot sa sakit ng ulo niya.

Pupunta na din sana ko kaso hinawakan ako ni Vince sa braso.

"Bakit Vince?" tanong ko, nakakailang pa nga eh.

May sasabihin akong secret, crush ko siya, wag niyong pagkakalat ha shh!!

"Eh kasi Joann..Ano eh..amm" sabi niya, anyare dito, mukang timang Lang.

"Mamaya mo na lang yan sabihin, Tara na, nagugutom na ko eh" hinigit ko na siya habang nakaakbay pa, tropa kami eh kaya walang malisya, libre chansing...hehe

Nga pala, Joann Suarez ang name ko, 17 yrs. old at isa ko sa tinatawag na campus queen sa school, sa dyosa ko ba naman na toh at sa hataw ng pagsayaw ko o saan ka pa? Walang mata at taste lang ata na tulad ni Vince ang hindi maiinlove sa ganda ko. ^____-

"Oh guys, ienjoy niyo toh ah, specialty ko toh" sabi ni Rea at pinatong sa lamesa yung adobo. Maria yung totoo niyang pangalan, ayaw lang niyang mag patawag ng ganun, masyado daw pangbabae eh boyish siya.

Kumain na kami at aba! Masarap nga, may talent pala si Rea sa pagluluto, makapagpaturo nga minsan ng maakit ko si Vince. Landi ko! Shet!

Nasa gitna kami ng pagkain ng biglang magsalita si Yuan, pinakagwapo sa tropa, kaso ewan namin kung bakla siya or what, pero sabi niya hindi daw. Hindi daw pero paghumawak sa baso nakataas yung hinliliit. Pagnakakita ng ipis akala mo may concert na sa sobrang lakas ng sigaw, okay! correction, tili pala yung ginagawa niya. Tapos kung makakapit sa Vince ko hmp! Pero wag na wag niyo yang tatawaging bakla at ewan ko na lang kung magkakaron pa kayo ng buhok pagnasambunutan kayo niyan.

Ofcourse Game [OneShot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon