Ilang taon na ba nang muli tayong magkasama, Papa? Labintatlong taon na. At sa loob ng labintatlong taon na iyon, hindi pa rin mawaglit sa isipan ko ang nangyari sa iyo - Papa.
Sa tuwing maalala kita, bumabalik din ang mga alaala noong panahong ako ay sampung taong gulang pa lamang, Papa.
"Anak, huwag kang pupunta sa malayo ha? Kapag magtatampisaw ka sa tubig, sa mababaw lang ha? Huwag na huwag pupunta sa malalim? Naintindihan mo, anak?"
Ang mga sinabi mo ay tumatak sa akin magpa-hanggang ngayon. May diin ang payo mong iyon sa akin. Ngunit, hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin dahil nalingat ako sa pagtatampisaw at namangha sa alon sa karagatan. Natangay ako sa malalim.
"Mahal, ang anak mo! Si Rey nalulunod!"
Ang piliting iahon ang sarili ko mula sa unti-unting pagkakalunod ay hindi pala madali sa akin noong ako'y malulunod. Pinilit kong ikampay ang aking mga kamay at paa. Subalit, nauubusan na ako ng lakas.
"Rey! Rey! Anak!"
Ang tawag mo sa akin, Papa ang nagpagising sa aking diwa at sinubukan muling lumangoy pabalik sa aking pinanggalingan, kahit milya na ang layo ko.
Humahangos ka, Papa sa paglangoy upang salubungin ako at sagipin. Naabot mo rin sa wakas ang aking kamay.
Nang mahawakan mo ang aking kamay, niyakap kita. Humahagulgol ako naman ako sa balikat mo. Takot na takot. Nanginging ang buong sistema ng aking katawan.
Pinilit mong na lumangoy pabalik habang ako'y tangan-tangan. Nang malapit na tayo, napansin kong dinidiinan ng kanang kamay mo ang iyong dibdib. Tinawag mo si Mama at saka nagslita sa akin.
"Mila! Kunin mo si Rey! Anak, kaya mong lumangoy papunta kay Mama, hindi ba? May tiwala ako sayo."
Nagtiwala ka sa akin na makakaya kong lumangoy upang salubungin ang umiiyak na si Mama. Nang makarating sa pangpang, agad akong kinuha ni Mama sayo.
Bigla namang nagsidatinghan ang mga kapatid mo. Ang iba'y tumatakbo upang iahon ka.
"Mahal, gumising ka! Mahal! Dalhin natin siya sa ospital!"
Lalong humikbi si Mama nang makitang nawalan ka nang malay, Papa.
Binuhat ka nila Papa at ako nama'y karga-karga pa rin ni Mama. Nang makarating sa pinakamalapit na ospital, isinugod ka sa emergency area.
Ilang minuto pa ang nakalipas, lumabas ang doktor. Kinausap si Mama. Hindi ko alam kung bakit biglang humagulgol nang iyak si Mama, pero sa isipan ko, may nangyaring hindi maganda sayo, Papa. Nilapitan ako ni Mama at niyakap nang mahigpit. May ibinulong siya sa akin.
"Anak, wala na ang Papa mo. Inatake siya sa puso sa pagligtas sa iyo."
Hindi ko alam kung ano ang mararamdamn ko nang mga oras na sinabi ni Mama na wala ka na. Siguro, dahil paslit pa ang isang sampung taong gulang na kagaya ko.
"Papa, labintatlong taon na simula nang kami'y iwan mo. Nandito ako ngayon sa dalampasigan. Sariwa pa rin sa isipan ko ang ginawa mong pagligtas sa akin. Magkagayunpaman, hinding-hindi ko kinalimutang pasalamatan ka sa pangalawang buhay na binigay mo. Mahal na mahal at miss na miss ka na namin, Papa."
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.