Athena
Kaklase ko si Vine sa ilang Major Subj. Siya lagi kong nakakasama, nagpapatawa sa'kin kapag malungkot ako, nag a advice pag may problema ako. Pero ngayon nakakalungkot,lahat ng iyon , di na niya magagawa kasi last na niya to sa paaralan na ito.
Maiiwan na naman ako sa Ere.
Ito na lang ba lagi ang gulong ng buhay ko?
Ipinagkait ba sa'kin ang magkaroon ng kasama?
Halos maluhaluha ang aking mata. Habang iniisip yon, Kase naman ang sakit eh, pero pinilit kong hindi tutulo ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Baka pagtawanan niya ako. Nakakainis kaya yun.
Habang naglalakad kami pababa ng hagdan papuntang canteen hindi ko maiwasang itanong sa kanya 'yon.
"So besh, final desicion? Gowra kana ba dyan sa course mo? Walang atrasan?"
Naman. Sana magbago pa isip mo.
"No choice eh. Yun ang gusto ni papa na course para sa'kin"
Yeah. As if naman magbabago pa. Nakakalungkot talaga. Ayaw ko na ulit kase maranasan ang maiwan sa ere eh.
Nakayuko ako habang naglalakad at pinapakinggan siyang nagsasalita.
Malapit na kami sa canteen, ngunit nakaramdam ako ng sakit sa may balikat ko paraan para mapa angat ako ng ulo, at tinignan kung sino yung bumangga.
Napahinto ako sa paglalakad at ganun din siya.
Tumingin siya sa'kin at tinitigan ko rin siya
Isang matangkad na lalaki, na naka undercut hair nasa tingin ko ay nababagay sa kanya dahil na rin sa makapal niyang kilay, matangos ang ilong, at may slit pa sa kanang tenga niya at May kaputian din ang isang to.
"Hmm. Best! May kausap ka po" aniya at isang kurot ng kaibigan ko ang nagpagising sa diwa ko.
"A-ano yung sinabi mo?" Tanong ko sa lalaking kaharap ko ngayon.
"I said... I'm sorry"
Hindi ko maiwasang titigan ulit siya.
"Ah, Okay lang. Sorry din hindi ko kasi narinig kanina yung sinabi mo eh"
Narinig kong bumulong si vine, "Yan kasi, Panay ang titig sa kanya"
Dahilan kung bat biglang napatingin yung lalaki sa kanya.
Nanlaki bigla yung mga mata ko, nagbabakasakaling narinig ng lalaki ang sinabi niya. Hinwakan ko bigla ang kamay ni vine.
"Ah. Sige , Alis na kami bye" paalam ko sa lalaki. Akmang aalis na kami ng biglang nagsalita ulit si vine.
"What's your name boy?"
Tangina, anoraaaw? Pinigilan kong hindi matawa sa mga pinagsasabi niya. Maypa boy'boy pa siyang nalalaman . Naku naman. Ang kapal talaga ng mukha niya.
Hindi ko inaasahang sasagot yung lalaki. Kasi kung titignan siya, parang napa strikto niya.
"Tristan" sagot niya.
Pati pangalan, Gwapo .
"Oh, BAGAY KAYO!"
DIVINA GRACIAAAAAAAAAA!!! niliitan ko siya ng mata na nagsasabing IHANDA MO NA ANG SARILI MO MAMAYA.
"JOKE" nag peace sign pa -_-
"OH SIYA ALIS NA KAMI HA. BAKA KASI MAY MAG IIVOLVE DITO" aniya.
Tumango naman ang lalaki at umalis na kami sa harapan niya.
"INFAIRNES!! ANG GWAPO NIYA BEST" Halos mapasigaw pa si divine habang sinabi niya ang mga katagang 'yon.
Hindi ko na lang siya pinansin at pinatuloy ang pag-iikot ng spagh. sa tinidor ko.
Tristan Tristan Tristan Tristan Tristan Tristan Tristan Tristan
Nakakainis na mga brain cells ah! Paulit-ulit na kayo. Oo na. Oo na. Tristan na name ng lalaki na yon.
Tristan Tristan-
"Tristan"
My EYES LITERRALY BIG. Nabigla si vine sa sinabi ko at pati 'ko nabigla rin.
WHAT THE HELL DID I SAY????
"What?"
"Sabi ko. Alas Tres TANghali na hehehe. Hoy! Yun ang sinabi ko. Alas tres! Alas tres! Wag kang issue dyan. Naku. Walang masama sa sinabi ko"
Tinitigan ako ni vine ng nakakaloka.
"Don't me. Masyado kang DEFENSIVE!"
akmang magsasalita na sana ako ng bigla siyang tumayo.
"Tara, Alis na tayo" aniya
Napansin niyang nagtataka ako.
"May class pa tayo diba? Bilis na dyan! Alas TRES TANghali na oh" Dagdag pa niya.
Kailangan talaga elaborate best? Sa tingin niyo, halata ba yung sinabi ko kanina? Brain cells kasi e, ang Epal.
Paglabas namin ng canteen, sa may di kalayuan nakita ko nanaman si Tristan na may kausap na Babae.
Oh well.
Maybe...
Girlfriend niya yun.
Yeah. I admit Gwapo siya, pero yun lang. HANGGANG DOON na lang yun.
"Best si tristan oh!" Sabay kurot sa tagiliran ko.
Akala ko, ako lang nakakita sa kanya .
"Best, every time I stared at him nakikita ko si--" hindi na niya pinatuloy ang sasabihin ko.
"Best, Move on. it's just a chapter in the past. don't close the book. just turn the page."
Aba. Humugot ah
"Best. How can I move on If I'm still in love with him?" Tanong ko.
Napatigil siya bigla sa paglalakad at hinarap ako.
"Simple. ACCEPTANCE" Ngumiti siya sa'kin at dumiretso na sa paglalakad.
Hindi ko namalayan na napahinto pala kami sa giliran nila tristan. Sumulyap ako sa kanya at nakita kong kausap pa niya yung babae.
Umalis na ako, at sinundan si Vine. Ganern Napa English lang ng konti, nang iiwan na. e, 1 sentence lang naman yun ah.
---
A/N - Yung picture na lalaki na inilagay ko is si Tristan. Gwapo ba? Nyahahaha Ang gwapo niya nu? hahahaha °%'j