24. Prevail..

251K 1.1K 217
                                    

Savanna's Pov

"Hija, Matulog ka na. " mahinahong sabi sakin ni manang. Nagaalala ang mukha nya para sakin siguro dahil ilang oras na akong nakabantay  dito sa pintuan para sa pagdating ni Paul. 

"Konting oras na lang po. Susunod na rin ako. "

"Sige. Katukin mo lang ako kapag may kailangan ka. " 

Tumungo lang ako kay manang at agad na yinapos ang mga braso ko.  Humahampas pa rin sa balat  ko ang malamig na hangin kahit nakajacket na ako. Ayokong pumasok sa loob, I'll be waiting here hanggang sa makarating si Paul. Buong araw ko ring hindi sya nakita. Sobra na akong nagaalala.

Napatingin ako sa  orasan. Halos magiisang oras na  pala akong nakaupo dito sa labas. 9 na ng gabi pero wala pa rin sya. Hindi  ko na alam ang gagawin ko kapag may nangyare sa kanya. Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil sa sinabe ko sa kanya. Pinagkakatiwalaan ko naman sya pero natatakot ako na hindi ako piliin nya. 

Minsan hindi ko na lubos maisip na mawawala sakin sya. Mawawala sakin ang mismong nagbibigay kulay sa  mundo ko. *Sigh* Kung kaya ko lang kontrolin ang bawat mangyayare.

Saglit  akong pumikit at inimagine na nasa harap ko sya. Nakangiti, Handa akong ipaglaban at hindi ako iiwanan. Hindi ko alam pero pinilit kong ngumiti pero sa halip naramdaman kong nagtubig ang mga mata ko. 

"Mahirap  ba akong mahalin? " pinahidan ko ang luha ko at tumingin sa taas. "Yun lang naman ang hinihiling ko eh. Mahalin nya ako. Mahirap ba yun? Pagod na pagod na po ako. Gusto ko ako naman. A-ako lang.. "

Napailing ako.  Wala makakasagot sakin. Tanging sya lang. 

Pinahidan ko ang luha ko at agad na tumayo. Siguro nga pinili na nya si Alex.  Siguro nya hindi na sya babalik. Siguro nga hindi  na nya ako kayang mahalin. Siguro nga wala na talaga. Mali. Wala na talagang pag-asang mahalin nya pa ako. Mahirap ba yun  intindihin, Savanna?

Pumasok ako sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto. Tahimik at magisa lang akong nakayuko doon .Pinilit kong pagaanin yung pakiramdam ko pero wala akong magawa.  Humiga ako sa kama  at pumikit. Nakatulog akong sya pa rin ang nasa isip ko at....Puso.

3rd person's Pov

 Magaalos-dose na ng gabi ng makarating si Paul galing opisina. Napakarami nyang ginawa sa araw na yun na kahit pagkain ay nakaligtaan na nya. Pero kahit isang minuto hindi nawala ang itsura ng asawa sa isip nya. 

Nakatayo ngayon ang lalaki sa tapat ng kama nilang mag-asawa. Mahimbing at mala-birheng natutulog ngayon ang babae. Umupo sya sa kama at tumitig sa kawalan.

The Lust Marriage (Published by BOOKWARE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon