Chapter 1

83 1 1
                                    

Ako? Isang simpleng tao na hindi pa alam kung san patungo…. Hanggang sa nakilala ko sya…

Maaga ako umuwi galing sa work ko, natulog muna ako dahil napuyat ako kagabi dahil tinapos ko muna ang lahat ng trabaho ko para maaga akong makauwi ngayon.

Nagising ako sa isang tawag, 5pm daw ang usapan. Kahit medyo inaantok pa, naligo ako at nagbihis na kaagad, 3:40pm pa lang kaya pumunta muna ako sa bookstore at bumili ng libro, sumakay nalang ako ng train para mas mabilis ang byahe ko, habang nakatayo ako sa loob ng train nakikita ko ang sarili ko ngayon sa salamin… 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Isa akong IT (information technology) student hindi ako matalino tulad ng mama ko na isang engineer at ate ko na isang doctor. Siguro nagmana ako sa papa ko, namatay sya nung 3 years old pa lang ako.

Pero may nakuha rin pala ako na katalinuhan sa mama ko ng mapasa ko ang entrance exam sa isang kilalang university. Kahit hindi matataas ang grades basta pasado okay na sa akin yun. Hindi na ako naghahangad ng matataas. Basta ang mahalaga pasok lang pasok at matatapos rin to!!!

Ako nalang sa mga kaibigan ko na mga lalake ang walang girlfriend. Big deal sa kanila iyon at sa akin ay hindi ewan ko ba kung bakit napasama ako sa kanila hahahahahaha. sinabi na nila ata ang lahat ng advantage ng magkaroon ng gf pero hindi pa rin ako kumbinsido sa mga sinasabe nila. Pagkakain kaming lahat sa labas kasama nila lagi ang mga gf nila, tig isang order lang bawat isa, minsan hati pa sila  hahahahaha, ako dalawang order o minsan my dessert pa.

Mabibili ko lahat ng magustuhan ko sa anime shop, manga, figures at sa gamestore naman new release games at nag iipon pa ako para sa future use ko. Sila walang natitira sa kanila dahil ang gf ay abala lang para sa akin…

Isa pa pala busy akong tao at wala ako panahon sa mga ganyan “BUSY” hahahahha sa mga bagay tulad ng pagbabasa ng manga, pagtapos ng mga video games ko lalo na ung rpg na marami pang nakapila, surfing sa net, panunuod ng  mga favorite ko na tv shows/anime/movies at syempre matulog!!!! Ewan ko ba parang lahat ng tao sa paligid ko nagbabago, pero ako ganito pa rin….

Tumawag si ate at sinabi na uuwi sila sa katapusan para magbakasyon dito, bagong kasal lang sila last December.

Isang doctor ang ate ko nangmakilala nya ang mapapangasawa nya na anak ng pasyente nya. Halos dalawang taon din silang mag bf at gf bago mapagdesisyunan nila na magpakasal na. Masaya ako para sa ate ko, lagi syang nagkkwento sa relasyon nya ng naging kuya ko, tinanong ko kung bakit pero ang sagot niya ay basta hindi daw mapaliwanag, gulo no? Ang nasabi ko nalang ang swerte nya sayo, ang sinagot naman nya, ako ang maswerte sa kanya.

Mabilis na lumipas ang araw, at tumawag ulit si ate sinabi nya na sunduin daw namin sila sa airport mamayang gabi. Sumagot nalang ako ng okay pero wala talaga akong balak sumama sa pagsundo sa kanila. Kaya naman ni mama yun hahaha, dahil may schedule na ako ngayong araw. Pagkatapos ng klase lalabas ako para maglaro ng basketball at mag online game ng buong araw sa labas kasama ang mga kaibigan ko, aba may event ata ngayon x2 experience at x2 drop rate kailangan masulit ko ito.…

Bago umalis kumuha muna ako ng pamalit na damit, ilang snacks na nahalungkat ko sa ref at kumuha na rin ako ng 3 bottle juice sa ibabaw ng ref...

Iniisip ko palang kung anong mangyayari ngayong araw napapangiti na ako... level 99 hehehehe abot kamay na kita....

Because of You (boy's story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon