Modus Operandi II (Oneshot)

35 2 2
                                    

3 years later…

"Sa lahat ng ayaw ko yung ganitong umuulan e. Masyadong nahahaggard ang kagandahan ko. Aynako." Ryza was as if a damsel in distress along the sidewalk. Paano ba naman ay namumulaklak ang payong niyang punung-puno ng ruffles sa paligid at napakatingkad ng pagka-pink nito habang ang itsura niya ay parang sirena sa kailaliman ng dagat pasipiko.

"Sabi ko na hindi tamang lumalabas ang mga prinsesang tulad ko pag masama ang panahon e. Mas sumasama yung timpla ko kaysa panahon. Nakakainis." napapadyak na lang siya sa labak na daan.

Madalang ang dumadaang bus na may biyaheng Makati dahil iniba na ng MMDA ang mga rota nito.

"Pesteng LRT kung bakit pag walang kuryente ay humihinto. Low tech masyado. Bakit din ba kasi naisipan ko pang dumaan sa botique ni Liza? At ang bruha naman, nagsara pala. ‘Di man lang ako inabisuhan. Hanubeyen. Eto naman kasing MMDA na ‘to pagkagugulo. 'Pag ako naging chairman niyan, magpopropose ako ng underground at overground highways. Huh! Henyo talaga ako. Hay. Napapagod na talaga ako. Ang bigat pa man din ng payong ko."

Lagi naman siyang ganito tuwing naglalakad mag-isa sa daan. Kinakausap ang sarili. Kung hindi lang maganda ang kutis at mukha niya ay mapapagkamalan siyang baliw.

Naisipan niyang ipahinga muna ang nangangalay na binti nang madaan siya sa isang convenient store. Doon na rin siya magpapatila ng ulan. Inilagay niya ang payong sa rack saka tumingin-tingin sa mga paninda roon. Dumampot siya ng isang bottled water at sandwich. Medyo nagugutom na din kasi siya. Pumila na siya sa counter nang mula sa likod ay may tumawag sa kanyang napakagandang pangalan. And please take note, he called her by her second name.

"Sophia?" At isang tao lang ang kilala niyang tumatawag sa kanya nun. Natakot siyang lingunin ang halimaw na nasa likuran niya. She started losing strength. Nanginginig ang mga daliri niya at tuhod hindi dahil sa takot kundi sa ibang dahilan. She couldn’t name it. Mabuti na lamang ay natapos nang magbayad ang nasa unahan niya kaya nakakapit agad siya sa counter.

"Sophia..." ulit ng ligaw na kaluluwa.

Her heart was as if on her throat. She swallowed an imaginary lump and composed herself. She turned her back as she started to utter words.

"Y-yes?" umarko ang kakaahit niyang kilay.

Nakakunot ang noo ng lalaki at mapupungay ang mga mata. Mahaba din ang bigote at balbas nito gayundin ang buhok. Nakatikwas pa ang dulo ng mga buhok nito dahil umaabot na sa batok at tainga. He looked very different now. "How are you? It's been a long while." sagot ng lalaking animo’y napakalapit nilang magkaibigan.

"'Wag mo nga akong binibira sa kakaenglish mo. Do I know you?" she said in between paying the cashier and talking to the beast. Her hands were shaking.

"You are still mad, aren't you?" malungkot ang mukha nito.

"Excuse me lang ha. I don't talk to ugly stranger." hinawi niya ang daraanan matapos makabayad sa counter.

Binilisan niya ang lakad upang kaagad makalayo sa halimaw na kahit kailanman ay hinding hindi na niya nanaisin pang makita sa buong pamamalagi niya sa mundong ibabaw. Agad nitong nahagip ang braso niya bago pa man siya kumaripas ng takbo dahilan upang kilabutan siya.

"Let's talk, Sophie."

Oh how she hated him calling her that way. She knew anytime soon she would break down and she had to prevent it before it happened in front of this guy.

"'Wag na 'wag mo akong hahawakan kung ayaw mo ng digmaang pangkalawakan." she was pointing her index finger at him.

Pilit siyang kumawala bago pa siya ipagkanulo ng puso niya. She ran as fast as she could and didn't mind the rain. Ang mahalaga ay makalayo siya sa isang bangungot. Naramdaman na niya ang init ng luha sa kanyang pisngi na lalong pinainit ng malamig na buhos ng ulan. Why life had to be so cruel? Sana ay hindi na lang talaga siya lumabas ng bahay. Naiwan tuloy niya ang magandang payong sa convenient store. Babalikan na lang niya ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 13, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Modus Operandi Pt. IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon