jennifer kate POV :
ilang araw , ilang araw nang walang paramdam sakin si henry simula nung huli kaming magkita , iniwan niya ko ,
hinanap ko siya pagkatapos kong maligo pero miski si mommy hindi siya nakitang umalis , sinubukan kong hanapin siya kahit saan pero wala kaya ngayon naisipan kona ulit siyang puntahan sa bahay nila baka sakaling andun na siya ...ngayon andito ako sa malahigante nilang mansyon , at nilabas ako maids nila henry ,
" pwede po ba magtanong ? andyan po ba si henry ?"
naiiyak kong tanong , pero siya di malaman kung ano yung isasagot sa akin ,
" please , sabihin mo naman po sa akin kung nasan si henry , ilang araw na po kasi siyang hi-hindi nagpapakita sa akin ,"
maluha luha kong sabi pero umiling iling lang to hanggang sa lumabas yung mommy ni henry , si tita macy ..
lumapit ako rito pero siya nanatiling nakatingin sakin ,
" tita si he-henry po ?"
" umalis kana dito jennifer dahil wala rito yung hinahanap mo "
nagitla ako sa sinabe ni tita macy , yung dating maamo at malambing na tita macy ngayon ibang iba na dahil sa pagiging cold niya sakin ngayon ,
" po ? tita a-alam ko pong andito si henry please wag niyo naman po siyang itago sa akin "
BINABASA MO ANG
REPLACED HIM *
Romancebakit pag love na yung pinaguusapan walang hindi nasasaktan ? walang hindi nagpaparaya ? walang hindi nawawala ? ganun ba talaga sa love ? bawal bang maging masaya na lang ? yung wala ng masasaktan , iiyak , magpaparaya at mawawala ? yan ang hiling...