Memories of You

218 9 17
                                    

MEMORIES OF YOU   by soeyey


It's been two years since that tragic day. And it's been two years since I started keeping myself from falling. Oo, two years. Two years na siyang patay at two years ko na ring ipinagluluksa ang pagkamatay niya. Malamang iniisip niyong napaka-mellow dramatic ko para i-cage ang sarili ko dahil lang sa kanya. Well, hindi niyo ako masisisi. Mahal ko siya e. As in sobrang mahal.

He was my first and supposed to be my last. Ilang araw nalang sana at matatawag na din sana akong ganap na Mrs. Justine Olivares kung hindi lang dahil sa phone call na natanggap ko that day.

Two years ago...

9:25 P.M., on the phone


"Hello, is this Ms. Justine Baena?" tanong ng lalaki sa kabilang line.

Sa tono ng pagtatanong niya ay naka-sense na ako ng kakaibang bigat at paninikip sa dibdib ko. Yung feeling na alam mong may mali pero hindi mo alam kung ano ba talaga ang nangyayare. Yung tipong inaanticipate mo ang susunod na mangyayare sa isang palabas na di mo pa napapanood, only a lot puzzling and this time reality na.

"Yes, sino po sila?" 

"Ahh, ma'am. This is Jake from PGH, nasa E.R. daw po ang fiance niyo po, si Mr. Dexter Olivares."

Kasabay ng pagsagot ng kausap ko ay ang pagkawasak ng mundo ko. Ang mundong binuo namin ng pinakamamahal ko. Ayokong maniwala sa sinabi niya. Gustong paniwalain ang sarili ko na mali lang ang pagkakarinig ko pero alam kong imposibleng mali ang marinig ko lalo na't pangalan niya ang binanggit nito. Hindi ko inakala na ang fairy tale na pinapangarap ko ay mahahantung sa isang bangungot na napakahirap gisingan. Sana nga this was all just a nightmare pero hindi. This is reality. This is a fvcking reality. Bakit ba naman kasi sa dinami-dami ng taong maaksidente, siya pa? Bakit ngayon pa? Bakit ngayon kung kailan magkakaroon na sana ng happily-ever-after ang story na sinimulan namin? Bakit. Animo talon na bumubuhos ang pagpatak ng mga luha ko. Walang salitang lumabas mula sa bibig ko. Tanging pag-iyak lang ang nagawa ko habang pinakikinggan ang susunod na sasabihin ng lalaking nagsasalita sa phone. Dinig na  dinig ko ang ingay ng reception at ang mga taong parang nagkakagulo sa kabilang linya. 

"Andito na po ang family ni Mr. Olivares, waiting for you." Dugtong ng nakausap ko sa telepono.

Walang bihis-bihis, walang ayos-ayos, walang ano-ano at dali-dali kong kinuha ang susi ng kotse at binaybay ang daan papuntang ospital kung nasaan ngayon si Dexter.

"Andyan na'ko, Dex, wait for me."

Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili habang umiiyak kahit alam kong walang kasiguraduhang buhay pa nga siya pagdating ko dun pero umaasa pa rin ako. Nawala na sa isip ko ang pagpula ng traffic lights dahil natalo na ito ng pagnanais kong makita ang pinakamamahal ko kahit na hindi ko alam kung makikita o maririnig pa nga niya ako. I keep ontelling myself na ok ang lahat, na ok siya pero hindi maalis sa isip ko na hindi talaga. Hinding hindi. Sa di inaasahang pagkakataon ay naalala ko nalang ang una naming pagkikita.



Junior High - Freshman Year

"Ano ba?!" sigaw ko sa isang lalaking nakabunggo sa akin. "Are you blind or something?"

He looked back and gave me a smile. Yung smile na nakakairita at hindi pleasing sa mata. Tsaka smile ba yun? At kung smile nga yun ano namang gagawin ko dun? Nginiwian ko siya at binelatan. Pinagtaasan niya ako ng kilay at umalis na harap ko. Ugh! The nerve of that guy. Hindi man lang nag-sorry.

Memories of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon