That Typical Girl 2 - Mich

8 1 0
                                    

Hindi ko parin makalimutan yung sinabi nya saakin. Sa simpleng sorry lang nya ay napatibok ng sobrang lakas ng dibdib ko.





Sa loob ko, gusto ko ng sumabog dahil sa kilig. Pero sa labas ay tahimik lang dahil kung hindi ako tutuksuhin lang ako ni Rainey.





//flashback//





"S-sorry." Wika ko. Napatingin naman ako kung sino yun. J-jm?





"Sorry din." At mabilis na umalis.





"Ang swerte naman ng girl na yun. Si JM pa naman yun."





"Yeah girl. Sana ako nalang yun."





"Pero okay na rin girl. Hindi kasi sya mukhang fan e."





"Yeah girl."





Tumingin naman ako sakanila senyales na naririnig ko sila. Parang relieve na relieve pa sila na hindi ako fan. Kung sabihin ko kaya na fan ako ni JM, ano reaksyon nila? Tch.





Napaiwas sila ng tingin at agad umalis.





Tumuloy na ako kung nasaan si Rainey at nakita ko syang nagti-titili. Ang sumunod na boyband sa The Seven ang ay PIRU.





Pag katapos mag perform ng PIRU ay napagpasyahan na namin umuwi para i-ready ang mga files na gagamitin ko para makahanap ng trabaho.





//end of flashback//





"Friendship, okay na ba yung forms mo?" Tumango ako bilang oo sa tanong nya.





"Patingin nga baka may kulang ako. Hehehehe." Wika ni Rainey. Ito talagang babaeng 'to.





"Ito o." Inabot ko sakanya ang mga forms ko.





» morning «





"Friendship Michieeeeeee!" Loka loka 'tong babaeng ito. Umagang umaga napaka lakas ng boses.





"Bakit? Rainey umagang umaga lakas ng boses mo." I said as I brush my hair.





"Nothing excited lang ako sa kompanyang papasukan natin. Oh my fuckng gosh! Kompanya yun ng The Seven!"





"Rainey pag tinanong ka kung fan ka ng The Seven wag kang sasagot ng oo ha?"





"Oo naman!"





"Good."





Nag ayos na kami at pumunta na ng building.





» harap ng bldg «





"Woah friendship, ang laki..."





"Parang ano ng The seven. Hihihi." At humagikgik pa.





Sinamaan ko sya ng tingin. Hay, may makarinig pa saamin eh.





Papasok sana kami ngunit pinigil kami ng guard.





"Bakit kayo papasok? Siguro fans kayo ng The Seven hano?"





"Hindi po, mag aaply pa kami." Sagot ko.





"Hindi ako naniniwala nagbihis pa kayo ng ganyan. Pa pencil skirt pa kayo." Kahit naiinis na ako ay pinigilan ko lang.





"Ito po ang application form namin." Pinakita namin ni Rainey ang form namin ngunit mukhang hindi sya nakumbinsi nito.





"Ready na ready talaga kayo no? Umuwi na kayo, hindi ko kayo papapasukin."





"Guard papasukin mo na kami. Mag aaply kami hindi kami fans!" Sigaw ni Rainey mukhang naginit na din ang ulo nito.





Nakita kong may papalabas at isa itong staff.





Tinawag ko sya at pinalapit dito.





"Ma'am ito po kasing guard ay ayaw kaming papasukin maga-apply po kami ng trabaho."





"Ganun ba? Patingin ng form nyo." Pinakita namin at tumango tango pa ito.





"Papasukin mo na sila, guard. Mag aaply nga sila."





"Pero ma'am--."





"Guard ka lang dito!"






"Okay po."





"Thank you po, ma'am." Sabay namin sabi. Tinanguan naman kami nito.





Papasok na kami ay nginisihan lamang ni Rainey ang guard. Mukhang nainis ang guard pero wala itong magawa.





Naupo lang kami at hindi alam ang gagawin.






May lumapit samin ng isang babae at nagtanong.





"Ano ginagawa nyo dito?" Tanong nya at nakangiti pa.





"Maga-apply po." Sabi ni Rainey.





"Sige sumunod kayo saakin."






Itutuloy...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Typical Girl  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon