SUMMER VACATION (part 1)

12 1 0
                                    

"Jongin!!!!, bilhan mo nga ako ng toyo kina aling tentay..." maagang bungad sa akin ni mama pagkalabas na pagkalabas ng kuwarto.

Marahan kong sinara ang pinto at agad na  pumunta sa kusina.

"Morning mama..." Bati ko sa kanya.

"Oh..." Tugon nya sabay abot ng 20 pesos. Inabot ko iyon at naglakad palabas.

"Dalian mo ha, malapit nang kumulo to..." Pahabol niya.

"Opo!!" Tugon ko at binulsa ang benteng inabot niya.

Bat kaya badtrip yun??? Although may time talagang ganon si mama, sobrang nakakapanibago pa rin ang inaasta nya, parang may kakaiba. Ilang araw na syang ganon. Siguro meron sya ngayon?

Usually kase pag binabati niya ako ay napaka-saya ng atmosphere. Pero bakit parang may something sa kanya ngayon? Siguro namo-mroblema nanaman sya. Lumaki akong siya lang ang kasama ko. Wala na kase akong papa. Sabi ni mama namatay raw si papa noong pinagbubuntis ako ni mama. Mama's boy ako kaya ayaw na ayaw kong nakikitang nagkaka-ganyan sya. Madalas kase nyang sino-solo ang mga problema namin na madalas ay financially lalo nat pa-raket raket lang siya sa trabaho.

"Ayy!!!" Ano to?? Bat ang lagkit??

Dahan-dahan kong ini-angat ang aking tsinelas at...

Shit!!!, kung minamalas ka nga naman!!! Nakatapak ako ng jebs ng aso. Mamasa-masa pa. Alam nyo yung itsura ng avocadong dinurog. Ganon yung itsura nya...

ARRGHH!!!! Sa pagkakaalam ko bawal na ang magpa-tae ng aso sa kalsada ah. May multa na yun sa City Hall!!!

Halatang bagong labas lang itong jebs na to ah. Mainit-init pa eh...

Nakita ko ang isang tambay  na naka-upo sa isang bangko sa gilid, at nahuli kong nag-pipigil ng tawa. Siguro nakita nya ang nangyari kanina.

Tinitigan ko sya ng masama, dahilan para iiwas niya ang tingin niya sa akin.

"May nakakatawa ba?" Tanong ko ng may tonong pagka-inis habang patuloy na pinapahid sa gatter ng kalsada ang mga jebs na na-stuck sa aking tsinelas.

"Ano bang pake mo kung tumawa ako?" Payabang niyang sagot pero hinayaan ko na lang sya at pinagpatuloy ang pagta-tanggal ng natitirang dumi sa aking tsinelas.

"Kung makapagsalita akala mo may ibubuga." Pahabol niya at dumekwatro sa pagkaka-upo.

Di nagtagal ay natapos ko ring linisin ang aking tsinelas. Nilapitan ko sya. Napa-diretso ng upo si g*go at halatang nagulat.

"Nakita mo ba kung nasaan yung asong tumae dyan?" Pagtatanong ko sa kanya.

"Bakit? Ipapakatay mo?" Tugon niya.

Mas lalo ko syang nilapitan.

"May tinatanong ako..." Sabi ko sabay apak ng paa kong nakatapak ng tae sa paa niya.

"Aray!!!!" Sigaw niya habang namimilipit sa sakit.

"...pwedeng paki-sagot?" Pagpapatuloy ko at lalong diniin ang pagkaka-apak sa paa niya.

"Oo na!!! Oo na!!!" Sabi niya at tinanggal ko na ang pagkaka-apak sa paa niya. Agad niya itong kinuskos gamit ang isa pa niyang paa, pero mas lalo itong kumalat.

"Kasalanan ko ba kaseng may tumaeng aso dyan??!! Kung nag-hahanap ka ng sisisihin, habulin mo yung amo nung asong nagpa-tae dyan. Sya ang patulan mo, kingina netong batang to, pati yung inosenteng hayop idadamay mo." Although may point sya, na-misinterpret nya pa rin yung gusto kong mangyari. Balak ko kaseng ipa-dampot yung aso sa mga tauhan ng munisipyo. Since may kasama naman syang amo. Pwede ko nang i-report yung amo nya. Atleast madadalâ siyang ulitin ang kababuyan niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Road To The So Called KaisooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon