A/N:This is a one shot story. Hope you enjoy it. Medyo Jeje to dati Inedit ko na sya ngayon. Well lahat naman siguro dumaan sa jeje days hahahaha. It's time for a change din. so yeah hope you like it.
**Luke**
Hi im Luke Ferer 18 years old, Im a college student. I have a best friend. She is Mariella Amus. She is also 18 years old. Actually kasama ko siya ngayon nasa bus kami at siya tulog nanaman sa balikat ko.
Hays, ito talagang babaeng to ginagawa akong unan tuwing pauwi na kami galing school.
Oh guys dont overthink. I know yung iba iniisip isa samin may feelings pero napagusapan nanamin to. And one more thing I have a girlfriend. May Boyfriend din sya.
Since then magkasama na kami. Elementary pa lang. Were like brothers and sisters. Partner in crimes. Lahat na ata? Parang nanay ko din sya minsan. Basta lagi lang kami magkaramay sa lahat. Great right?
Lahat sila sinasabi na were like lovers but were not. Hahahahaha. Sanay na kami sa pang aasar nila. Napabaling naman ako sa mukha nyang tulog.
"Huy bessie gising na malapit na tayo." Bigla naman syang na pa straight ng upo. Halatang naging malalim talaga ang pagtulog nya.
"Sorry" Ang lalim ng boses nya dahil sa bagong gising sya at para nanaman syang adik dahil bagong gising wala sa wisyo.
"Baliw ka nanaman umayos ka na nga." Wala pa rin syang imik at mukhang na alimpungatan pa.
"Nasaan ako?" Nakatulala nyang sabi.
"Sira ka. Hahahahaha." Natatawa akong bumaba dahil mukha talaga baliw si Mariella. Palagi talaga syang ganyan kapag araw na whole day kami sa school.
Nakatitig lang sya sa kawalan na parang baliw lang. Baliw talaga tong babaeng to kahit kailan.
"Tara na nga." Hinatak ko naman sya at bumaba na kami ng bus.
"Nakatulog nanaman ako hehehehehe" Inayos nya ng kaunti ang kanyang uniform at buhok na medyo nagulo dahil sa pag tulog nya. Nakakapagod talaga kasi ang araw ngayon dahil puro major subjects kami. Magkaiba kami ng section pero parehas lang kami ng sched.
Habang naglalakad ay sinulyapan ko si Mariella na ngayon ay tulala pa rin. Naglalakad lang kami pauwi pagdating namin sa subdivision dahil nakasanayan nanamin iyon at mag kapitbahay lang din kami, dalawang bahay ang pagitan.
Iniabot ko ang chocolate bar na binili ko kanina kay Mariella at agad na lumiwanag ang mukha nya.
"Yes naman! Thank you so much!" Di ko maiwasang mapangiti kapag nakikita ko syang masaya. Napahawak naman ako sa bulsa ng pants ko ng mag vibrate ito.
From: Love
Nakauwi na ba kayo ni Mariella? Please update me. I miss you, magagalit na ako hindi ka man lang nagtetext. haysNapabuntong hininga na lang ako dahil nakalimutan ko talaga syang itext kanina after namin magkita, paano ba naman kasi ay kinausap ko ng masinsinan si Chad, ang boyfriend ni Mariella.
Hindi na ako nag atubili pa at agad na dinial ang number ni Cassandra, ang girlfriend ko.
"Love, hello." Hindi sya sumagot at buntong hininga lang ang narinig ko sa kabilang linya.
"Look Im sorry, Love. Nag-usap kami ni Chad kanina. And naglalakad na kami ni Mariella. I will call you later ha? I love you." Bumuntong hininga sya muli pero agad akong napangiti sa sagot nya. "Alright, I love you. Ingat kayo." Pinatay ko na ang tawag at nilagay ang phone sa bulsa.
"Sorry Luke, nag-away ba kayo? Dapat talaga ay di mo na ako sinamahan." Napailing ako at kinurot ang pisngi nya. "Wala yun, ano pa at naging bestfriend tayo, right?" Tumango naman sya at nagpatuloy sa pagkain ng chocolate.