**Mariella**
Pagbangon ko sa aking kama ay agad naramdaman ng katawan ko ang kirot sa mga sugat na natamo ko kahapon. Nagkapasa rin ako at mas gusto ko na lang humiga buong maghapon kaya imbes na magsimba ay nagpahinga na lang ako.
Naintindihan naman nila mama iyon dahil alam nila ang mga pangyayare kahapon. Isang linggo bago bumalik sa normal ang katawan ko, walang iniindang sakit kundi yung sugat lang na naiwan sa puso ko na ngayon ay sariwang sariwa pa rin.
"Uy, Riel hindi ka ba kakain?" Tanong sa akin ni Zec ang ka-isa isahang college friend ko. "Hindi e, tatambay na lang ako sa library."
Kamot batok syang tumango sa akin. "Oh sya, magkita na lang tayo sa next class! Kakain muna ako." Nginitian ko na lang sya at agad akong nagtungo sa library.
Mabilis lang ang pag galaw ng oras pero nakakagulantang ang pagdating ni Zec sa room. Humahangos ito at mukhang tumakbo paakyat sa room. "Riel!! Hindi ba't bestfriend mo si Luke Ferer!? Nandun sya sa computer lab at nakikipag-away!!" Nanlake ang mata ko at awtomatikong humakbang ang paa ako papuntang computer lab.
Nadatnan ko syang nakasalampak sa sahig at putok ang kanyang labi. Napa-awang ang aking bibig at tinahak ko ang daan papunta sa kanya. "Luke ano nangyare sayo!" Tumingin lang ito at pinunasan ang kanyang labi. "At ngayon, nakikipag-away ka na!" Singhal ko pa ngunit hindi rin sya sumagot.
Akmang aambahan pa nya ulit ang isang IT student— wait? Sila iyong mga nagrambulan nung nakaraan! "Hindi naman namin iyon sinasadya at isa pa humingi na kami ng tawad sa kanila! At mas lalong naparusahan na kami!" Sigaw ng payatot na maitim na lalake.
Agad kong hinigit ang kamay ni Luke at kinaladkad sya palayo bago pa kami mahuli ng prof. Tumikhim ako at tumalikod. Hindi ko yata kaya na makita syang ganyan! May sugat ang mga labi at parang lasing na hindi mo maintindihan. "I'm sorry.." Bulong nya ngunit sapat na iyon para marinig ko.
"Pumunta ka na sa clinic, may klase pa ako." Tunalikod ako at agad pumunta sa aking klase.
Maraming tanong sa isip ko, ano bang nangyayare sayo Luke? But no, I need to stay away.
Tahimik akong nag-aabang ng bus at ramdam ko ang presensya nya sa aking likuran. Tulad ng nakasanayan ko sa loob ng isang buwan ay kapag ganitong di sinasadyang magkasabay kami ay walang imikan at pansinan.
Oo, nasasanay na ako —ay mali. Dapat ay masanay na ako sa ganito. Kung dati ay sa balikat nya ang sandalan ko ngayon ay sa salamin na ng bus na sinasakyan ko ang karamay ko sa pagod.
Hindi na rin ako nakakatulog, sino rin naman kasing makakatulog sa dami kong tanong? Kahit ang pagod ko ay walang tabla sa mga bagay na tumatakbo sa isip ko, walang sila kapaguran.
Tahimik akong naglalakad at dahil sa pangyayare kanina ay di ko maiwasang sulyapan sya. Gusto kong kamustahin kung okay na ba ang sugat nya.
Nasa tapat na ako ng aming bahay at wala talagang imikan ang nangyare. As in wala. Nakaka-frustrate ang lahat! Gusto kong may sabihin sya! Gusto kong sabihin niya sa akin na mali sya at hindi totoo ang mga nasabi niya nung nakaraang mag-away kami.
Umalingawngaw sa isip ko ang mga letrang asintadong tumama sa akin. "Just, stay away Mariel!" Humakbang ako papasok sa bahay at pumikit ng mariin para kumbinsihin ang sarili ko na kailangan ko na tapusin ang lahat.
Hindi nga talaga siguro maaaring maging matalik na mag kaibigan ang babae at lalake. Imposibleng walang mahulog sa mapaglarong patibong ng tadhana. Darating pa rin talaga yung panahon na hindi magiging tulad ng dati yung merong nabuo sa aming dalawa.
Masakit dahil aminin ko man sa hindi pero alam kong ako ang nahulog sa bitag ng tadhana. Ako ang nahihirapan dahil masyado akong kampante ni hindi ko nga alam kung tama pa ba ang aking nilalakbay nung kasama ko sya basta ang alam ko lang okay ako pag nandyan sya.
Madali lang siguro ito kung sya rin ay ganun? Sabay sana kaming nahulog sa bitag pero ito na nga kasi ang katotohanan. Ako'y umiibig sa kabilang banda habang sya ay nahulog sa bitag ng iba.
Siguro ay hindi na talaga. Hindi na ako aasang mabubuhay muli ang lahat sa amin. Hindi ko na rin kayang maging kaibigan pa sa kanya dahil ang gusto ko ay mas higit pa doon ang pumagitan saming dalawa.
Maybe, this is the end of us.
I will stay away.
-
THE END
A/N: Super duper edited talaga itong story ko na ito! Sinulat ko ito nung Grade 7 palang ako! 13 years old pa lang ako non! Super jeje and ang kornih nya but the idea and concept is okay kaya sinuper duper ultra mega edit ko na lang itong story ko na'to! Hehe! Hope you enjoy it! Godbless!
VOTE COMMENT AND FOLLOW ME! Twitter: @Imellarain
Facebook: Ella Rain
Instagram:EllaleliloluThank you so much!! Sending love~