Sweet Sht

581 15 12
  • Dedicated to Sa lahat ng Kris-biased
                                    

This was supposed to be a fanfic of yours truly and Kris but since I understand that I’m just one of his countless wives the characters will be Kris and OC/you. :) There are simple Chinese phrases, pin yin/ pronounciation lang ang nilagay ko. NOTE: Same pronounciations may mean different word depending on the four Chinese tones pero hindi ako marunong maglagay ng over bar kaya baka magtaka kayo kung ba’t iba ang meaning ng magkaparehong words.

***

 

Ang bagal naman ng jeep na ‘to. Malelate na ako oh.

 

Nakikinig na lang ako sa music. Traffic kasi eh. Ang sikip sikip pa sa jeep. Pero infairness yung kuyang katabi ko mabango. Ewan ko nga lang kung gwapo, sa harap kasi siya nakaharap eh tapos nakahoodie pa siya.

Nilapit ko ang mukha ko sa kanya, ang bango talaga kasi eh. Kaya sininghot singhot ko siya.

Nagsimula namang lumuwag ang kalsada kaya bumilis na ang takbo ng sinasakyan kong jeep. Pasinghot singhot pa rin ako sa kanya kasi, I swear, ang bango niya talaga.

Sa sobrang lapit ng mukha ko sa tenga niya ay narinig niya siguro akong sumisinghot.

Humarap siya…

**screeeeeeeeeeeeccchhhhhh**

 

Bigla na lang pumreno ang jeep.

O.O

“Shit!” Mura ko.

Nawala first kiss ko sa isang di ko kakilalang tao. Napatingin ako sa gilid at nanotice kong nasa harap na pala ako ng school.

Dali-dali akong bumaba ng jeep. Nakahinto pa naman kasi ito.

“Shit!”

Mura ko ulet habang naglalakad ako papasok sa campus.

“Syet!!”

Hindi talaga ako makaget over.

Ni hindi ko man nga lang nalaman kung gwapo siya o hindi. Tanging mata niya lang ang natingnan ko dahil matapos ng “accidental first kiss” ko ay umiwas na agad ako ng tingin.

Syet! Paano kung pangit pala ang isang yun, ano na lang ang ikekwento ko sa mga apo ko??

“Mga apo, wag na wag kayong magkocommute kuha niyo? Alam niyo kasi, nawalang ang first kiss ng lola niyo sa isang mukhang tsonggong di niya kakilala sa jeep.”

 

Yan? Yan ang ikekwento ko sa mga apo ko?? Nooo!!

Nakasimangot akong pumasok sa classroom ko.

“LZ, Wei shen me ni chi dao le?” [LZ, Why are you late?] yan agad ang pambungad sakin ng techer ko.

Sweet ShtWhere stories live. Discover now