1850s, Manchester, United Kingdom
*all lines are translated to finish (filipino-english)
Sa isang may di kadiliman na kwarto, dalawang pigura ang matatanaw.
Ang lalaki ay nakatayo at tila nakatingin sa dulo ng mundo mula sa kanyang bintana. Siya ay nabigyan ng matangos na ilang, asul na mga mata at gintong buhok na medyo kulot ang dulo. May kakauting bigote na rin na tumutubo sa kanyang mukha. Masasabing may "itsura" ang lalaki at matangkad ang lalaki na may magandang katawan. Ang lalaki ay pawang nasa late twenties na ang edad.
Ang babae naman ay nakaupo. May kulay tsokolateng buhok at maitim na mga mata. Tila isang dyosang bumaba mula sa kalangitan.
Ang kwarto ay napupuno ng katahimikan. Ngunit naudlot ito ng magsalita ang babae.
" Wala ka bang gagawin para hindi ako maikasal kay Wilhelm?"
" Ang pamilya ko ay isang nobilidad. Nangako ang aking ama sa iyong mga magulang na ikakasal ka sa tagapagmana ng lahat ng meron sa pangalang dinadala ko. Hindi ako ang ipinangako sa iyo. si Rigo, siya ng ipinangako ng aking ama sa iyong ama."
"Pero sabi mo mahal mo ako! at alam mo rin na mahal kita. William, sinusuko mo ba ako?"
"Alexandra, balang araw maiintindihan mo kung bakit kay Rigo ka dapat makasal. Mahal ako ng aking ama, pinalaki niya ako ayon sa alituntunin ng batas ng simbahan, ng bansa at ng pamilya. patawarin mo ako kung di ko kayang gawin ang hinihingi mo. dahil magmumukha akong hangal sa aking ama, at sa mga taong pinaglilingkuran ng pamilya ko."
"Ayos lang sa iyo na makasal ako sa anak ng gobernador ng bansa nyo? ayos lang na masaktan mo ako?"
" Kaya nga ako nanghihingi ng paumanhin. dahil alam king nasasaktan kita. pero nasasaktan din ako. Hindi okay sa akin ang parehas na sinabi mo."
"pagkatapos ng gabing ito, maaring hindi na tayo magkita dahil babalik na ako sa espanya at doon kami ikakasal ni Rigo"
"magkikita pa din tayo. maaring hindi sa pagkakataong ito. at kapag ngyari iyon, sisiguraduhin ko na hindi na mangyayari ang mga eksenang ito"
"William,nais ko talaga na mag isa ang pamilya natin"
"kung hindi tayo, nandyan pa naman ang mga magiging anak natin. ang mga susunod na henerasyon."
"William, mangako ka na darating ang isang araw na magiging isa ang pamilya natin!"
"ayokong diktaha ang mga susunod na salinlahi"
"ngayon pa lamang ay binibigo ma na ako"
"Alexandra, nangangako ako na darating ang oras na magsasama ang pamilya nating dalawa."
"Ipadala mo ang kasulatan sa pamamahay namin sa espanya"
"Masusunod, mahal na prinsesa"
At umalis ang babae sa silid.
"Patawad Alexandra. Hindi ko pwedeng iwan ang bansa na na alaga sa akin. may sariling bansa din ako na patatakbuhin."
BINABASA MO ANG
You are my... destiny
RomanceHe was arranged to someone else. She does not know her past. He is rich. She was the daughter of his maid.