November 12, 2007, Monday
*Kriiiiiiingggggg!!*
"Hay nako Aly, late ka naman. Bakit ba kasi tanghali ka magising, gone are the days when you were an excellent student" Sermon niya sa sarili habang papasok sa classroom nila.
1st year high school si Aly sa UST. Short girl with a fair skin, pango, medyo mahaba ang buhok at marunong kumanta. Member siya ng Glee Club sa school nila kaya laging late kung umuwi ng bahay. (5-7pm) Aly has been a consistent honor student when she was in grade school kaya pinag-aral siya ng mga magulang niya sa UST. They were so convinced na deserve ni Aly ang paaralin siya sa school na iyon and they were not wrong. Aly persevered to be an excellent student at least in extra-curriculars. When she entered UST, she was really culture-shocked. High-tech gadgets, high-end cars, highblood teachers and so on, and so forth. Nahirapan siya mag-adjust because coming from a public school, she was not used to all of that.
<bell> Hudyat ng pagtatapos ng 1st period: Math Class
"Hoy Aly, ano ba? bakit ka ba late ha? Ano ngarag na naman kagabi?"- si Kym, bestfriend ni Aly.
Back in the first day of classes, Kym was an enemy to Aly, laging nang-iirap, mataray at parang laging wala sa mood. But today, they are the best of friends, alam na alam nila kung ano ang gusto ng bawat isa, pati sa foodtrip sa may dapitan, magkasama sila.
K: Aly, sagot! Eh aba, puyat ka pa yata ah.
A: Please bff, wag ngayon, I'm so pressured, gahol na ko sa projects oh. Tapos i-add mo pa yung kagabi... (she said the last word with a slight kilig)]
K: Anong kagabi? Hay nako Aly sinasabi ko sayo, bata pa tayo ah. nako bff.
A: Anong pinagsasasabi mo diyan bff? Pwede ipa-kwento muna? ano mere assumptions na naman?
K: Kwento mo na kasi. Tagal-tagal naman eh (excited si Kym)]
A: Eto na nga, natatandaan mo si Jigs? yung kinwento ko sayo na chinito na bagong-lipat dun sa lugar namin. Pinsan siya nung childhood crush ko na si Robi.
K: Oh ano? What about him?
A: Kami na...
(Silence)
K: ANOOOOOOOOO???????? Aly bakit? ano to? instant jowa? hindi mo man lang sinabi kung kailan nanligaw o kung ano ba. Ano 'to? Lihiman ganon? (she was so surprised)
A: Ano ka ba bff, umupo ka nga, ni hindi ko nga namalayan, kami na pala. ngayon lang nag-sink in sakin lahat. (sabay masahe niya sa sentido niya)
K: Eh pano ba kasi nangyari? Kakagulat naman kasi.
A: Nagpunta ako dun sa tambayan nila kasi itong kababata ko na si Charmaine, inaya ako. Edi sumama naman ako, eh hindi ko naman alam na andun pala yung mga pinsan niya tapos sinabi pala ni Cha na crush ko daw yun. Konting crush lang naman eh, hindi naman masyado.
K: May konting crush ba? Alam mo ikaw, may pagka-shunga ka.
A: Wait lang ah, pano ako matatapos kung singit ka nang singit? So ayun nga, tinanong kami kung gusto namin isa't isa tapos sabi ni Jigs, oo daw crush din dw niya ako tapos syempre ako sbe ko crush ko din si Jigs kasi totoo naman eh. Kaso nagulat ako sa sinabi ni Jigs na crush niya ako. Kasi parang di niya nga ako napapansin eh. Invisible ako.
K: Ano daw? Crush ka din niya? Weh, San banda? Baka nabuyo lang.
A: Eh ayun nga din, sabi nung gf ng pinsan niya, makikipag-break daw siya dun kapag hindi kami pumayag na maging kami. Kaya ayun, kami na.
K: Yun lang? Ganun lang? Wala man lang ligaw ligaw? Instant jowa ganun?
A: Oo, pero first bf ko padin yun di ba? Kasi pareho naman kami pumayag eh di ba?
K: Nako bff, ewan ko sayo, liwanagin mo yan mamaya pag-uwi mo sa inyo.
A: Okay.... (aly became a bit sad)
Natapos na ang lahat ng klase ni Aly at napagdesisyunan nila ni Kym na wag na muna mag-foodtrip para maaga sila makauwi.
*pagdating sa bahay*
"Ma, mano po"- Aly
"God bless you. Aly, anak bumili ka nga sa palengke ng pang-monggo, eto yung pera, alam mo naman yun diba? dahon ng ampalaya, monggo, chicharon, hibe at tokwa, may bawang sibuyas na dito kaya yun nalang bilhin mo." - Mama ni Aly
"Sige po ma, bihis lang po ako"
Tinapos muna ni Aly ang pagbibihis at inayos ang mga gamit saka lumabas ng bahay. Habang papalabas siya ng kanto, natanaw niya ang magpipinsan na naghaharutan sa may kalsada.
"Teka, kailangan invisible ako, dapat di nila ako makita." Nagmamadaling lakad ni Aly paglabas ng eskinita."
"Aly!Aly!"- Si Kiko na nakita si Aly habang nagmamadali sa paglalakad.
"Ano ba naman yan nakita pa ko." sabay baling kila kiko. "bakit? hehe"
"Ah wala, sasabihin lang namin sayo na kitakits mamaya sa tambayan, 7pm, nga pala, boyfriend mo oh. Yiiieeeee" kantyaw ni Kiko sabay turo kay Jigs.
"Ewan ko sa inyo, sige bibili pa ko ng ulam eh. bye" (nagblush si Aly)
"Sige, basta mamaya ah."
Napatango nalang si Aly sabay dumerecho sa palengke.
