Hallway (One Shot)

185 2 2
                                    

Nandito na ako ngayon sa terminal ng airport. Hinihintay na lang namin ang service na magsusundo sa amin. Bali lima kami ngayon, puro Pilipino. Dalawang kaming babae, dalawang lalaki at isang bakla. Pare-pareho kami ng kumpanyang papasukan. Isa itong restaurant.

Nasa minivan na kami ng magsalita yung bakla.

“Ako nga pala si John. Pero you can call me Jane. But I insist, you must call me Jane.”

Hagalpakan kami ng tawa. Buti naman ngayon kahit papano nababawasan ang lungkot na nararamdaman ko. Hindi biro ang malayo sa pamilya mo. Ngunit sa hirap ng buhay, mapipilitan kang lumayo upang kumayod. Lalo na ako, isa akong single mom. Iniwan ko ang aking anak sa aking ina. Alam kong hindi niya pababayaan ang anak ko.

“Hahaha! So ikaw si jane kahiy na sa umaga?” sabi naman nung isang lalaki.

“Ay nakwo! Basta, Jane ang gusto ko!” sabi ni Jane na ngumuso pa.

“Ako si Richard at ito namang kasama ko ay si Rain. Magka-tropa kami kahit nung nasa Pinas pa lang kami.”

“Marlene naman ang pangalan ko at kahit anong itawag niyo sa akin ay okay lang.” sabi nung katabi kong babae. Maganda ito. Parang wala sa itsura niya ang magtrabaho. Mukha kasing mayaman.

“Ako naman si Aileen.” Matipid kong sagot.

Hanggang sa makarating na kami sa aming destinasyon ay nagkukuwentuhan pa rin kami. Madami-dami ang aming napagkwentuhan. Nalaman ko rin na ako pala ang pinakabata sa aming lahat. Si Richard ay may asawa na at katulad niya ay nasa ibang bansa rin ang asawa nito. Pero hindi dito sa Dubai, DH sa Hong Kong at may dalawang anak. Si Rain naman ay binata. Nag-abroad daw siya dahil hindi sapat para sa kanilang magkakapatid ang kaniyang kinikita bilang isang crew sa isang fast food chain. Wala naman daw siyang alam na ibang mapapasukan dahil hindi siya tapos ng kolehiyo at lahat ng inaplayan niya ay ni isa walang tumanggap sa kanya. Si John (or Jane) naman ay graduate sa isang kilalang unibersidad bilang isang Certified Public Accountant. Medyo malungkot nga ang kanyang mukha nung isinasalaysay niya ang kanyang kwento. Nalugi daw ang bangko kung saan siya nagtatrabaho. Sinubukan niyang mag-apply kung saan-saan ngunit naging mailap ang swerte sa kanya. Kaya naman napilitan siyang mag-abroad upang dito subukan ang kanyang swerte. Si Marlene naman ay isa pala talagang anak mayaman. Ayon sa kanya, napilitan lang daw siya magabroad dahil sa anak niya. Tulad ko, maaga rin siyang nagkaroon ng anak ngunit ang kaibahan lang, siya ay pinanagutan ng kasintahan niya at ako ay hindi. Itinakwil daw siya ng kanyang ama at sinabi sa kanya na wala daw siyang maaasahang kahit ano dito. Oo nga at may katuwang siya sa buhay ngunit kulang din ang kinikita nito para sa kanila kaya nagdesisyon siyang maging OFW para sa kanilang anak.

Nasa tapat na kami ng aming tutuluyan. Nasa tapat kami ng isang gusali. Medyo may kalumaan na ito. Halata naman sa itusra. Mayroon itong anim na palapag. Sa baba ay ang iab’t-ibang shops tulad ng Gent’s Salon, Mini grocery, gym at Real Estate. Oo, may kalakihan itong building. Nasa third floor ang aming kwarto. Hindi pala uso ang hagdan dito. Although may hagdan, mas pipiliin mo pa rin syempre ang sumakay na lang ng elevator.

Noong naglalakad na kami patungo sa aming apartment (ito yung accommodation namin), kinilabutan ako. Hindi ko alam pero parang may kakaiba dito. Hindi ko rin maintindihan kung bakit biglang nagsisipagtayuan ang balahibo ko sa batok.

May kalakihan ang apartment namin, may dalawang kwarto at sa bawat kwarto ay may banyo. Mayroon din namang banyo sa salas. Fully furnished na ito kaya naman ang kailangan na lamang namin bilhin ay kitchen utensils tulad ng spoon and fork, mga plato, kawali at baso pati na rin mga personal naming gamit. Masasabi kong swerte na kami sa kumpanyang napasukan namin ngayon pa lang. dahil sigurado akong bibihira lamang ang nagkakaroon ng ganitong accommodation. Yung iba sa pagkakaalam ko eh siksikan pa nga.

Hallway (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon