(A/N: If ever na may errors or wrong grammar, paki-comment na lang para maayos ko. Sorry na lang din in advance. Tsaka ang chapter na to ay pinapakita kung ano nangyari kay Xanthe.)
Story of Xanthe
Hi, I'm Veronica Xanthe Lee. Ganda ng pangalan ko no? May meaning yan, muahahaha!
Maganda nga pangalan ko, pero hindi ibig sabihin nun ay swerte na ako. Wanna know why? Well....
My life is miserable right now, because of a person. Ugh, I hate seeing her face. Yes, her. Ooooh speaking of "beautiful" girl na kinaiinisan ko, andito na siya at pinagkakaguluhan na naman siya. Lagi naman ganito ang scenario tuwing darating siya o dadaan. She's a popular girl, everyone's crush, and my classmate.
She's Callie "The Popular" Anderson.
And she probably hates me. Oh wait, she really hates me. How am I sure? I'm really sure kasi binubully niya ako at ako lang ang hindi niya kinakaibigan. At ako lang ata ang tao sa school na to na may ayaw sa kanya.
"OMG! Ang ganda talaga niya!"
"Callie, notice me pleaseee! Ang ganda moooo!"
"Ate Callie, pa-sign naman tong magazine ko!"
If you're wondering kung ba't nagpapa-sign ng magazine yung isang babae, it's because she's also a model. Which means, hindi lang sa school popular ang babaitang yun. Pati na rin outside the school. Okay wait, story ko to. So bakit ko kinukwento ang tungkol kay Callie, ughhhh.
Kakatapos ko lang ng second subject namin, at sinabihan kami na pwede kaming mag-recess ng maaga dahil may meeting ang mga teachers. Woohooo!
Oh yeah, I'm on my second year of high school.
Dumiretso na akong cafeteria para kumuha ng makakain, madami na ring kumakain na mga students dito dahil nga lahat ng section ay vacant. Kumuha ako ng spaghetti at juice, syempre madami yung spaghetti no hahahaha. Naghanap ako ng mauupuan at buti na lang may vacant na table sa may gitna, pumunta na ako sa table na yun at inilapag ang tray ko. Umupo na ako at nagsimulang pagpyestahan ang spaghetti.
Ang dami palang couples dito, kainggit. Napansin ko na madami ding may mga sari-sariling grupo, ang iba naman loner, parang ako. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ayaw ba talaga nila sa akin o panget ba ako. Basta, 'di ko alam.
Nasa kalagitnaan ako ng pag kain ng spaghetti ng may naramdaman akong malamig at parang tubig sa ulo ko. Tinignan ko kung sino ang nasa likod ko, tss sabi ko na nga ba...
Si Callie, binuhusan niya ako ng apple juice.
Tumayo ako at tinignan siya ng maayos.
"Oops, akala ko ikaw yung basurahan. Ikaw lang pala yan, Xan." sabi niya habang nakangiti na parang wala siyang ginawa na masama. "Mukha ba akong basurahan ha? Kita mo naman na nasa gitna tayo ng cafeteria, tapos aakalain mong basurahan ako?" hindi ko na napigilan ang sarili ko, dalawang taon na siyang ganito sa akin, "Oh, Xan darling, you're a piece of trash. Kaya siguro akala ko tambakan na ng basura yung inuupuan mo." at tinapon niya sa akin ang baso kung saan may konting apple juice pa na natitira, sinipa-sipa niya ako hanggang sa napahiga na lang ako and she left me laying down on the floor. May ibang nag video sa amin, may ibang naghihiyawan, may ibang naawa, pero mostly ay hinahangaan pa rin si Callie.
But no one even dared to come near me and help.
For two years Callie, you've been bullying me. Humanda ka..
Hintayin mo lang ako, matatalo kita.
Author's POV
Simula nung may nangyari sa cafeteria ay hindi na pumasok si Xanthe sa ibang subjects. Hindi na rin pumasok si Xanthe sa school. Ang mga teachers lang ang naghahanap sa kanya, pero si Callie naman ay nabobored na wala si Xanthe dahil wala siyang mapaglaruan.
After what happened that day, she just mysteriously disappeared.
