Chapter One (Maxine POV)

198 0 0
                                    

Maxinne POV

Napahinto ako sa ginagawa ko, narinig ko kasi yung ringtune ko kaya tiningnan ko muna kung sino ang tumatawag.

‘Calling krystal…’

Si Krystal lang pala, hindi talaga ako titigilan ng isang ito hangga’t hindi nasusunod ang gusto.

Phone Conversation:

Me: ‘Hey krys sampung beses ka ng tumatawag ah.’ ^-^

Krystal: ‘He!, magtigil ka jan, natapos mo naba ang pinapagawa ko sayo?’  

Me: ‘Ang sungit mo naman, ikaw na nga tong nagpapagawa eh.’ O_o

Krystal: ‘Wag kana umangal jan, sagutin mo nalang ang tanung ko.’

Me: ‘Opo tapos na’

Krystal: ‘Good, sige add mo na lang ako ah? Doon tayo usap.’

Me: ‘Ay biglang bumait.’^_^

Krystal: ‘Unlimited ka nanaman sige na babye na.’

Me: ‘Okey, babye.’

Siguro nagtataka kayo kung ano ang pinagawa niya sakin nuh? No big deal facebook account lang naman, ako nalang daw kasi ang walang facebook account saming magkakaibigan, hindi naman kasi talaga ako mahilig sa ganun, mas gusto ko pang magbasa ng pocketbook o kaya makinig ng song sa mp3 ko. Kung hindi lang talaga mapilit yung isang yun hindi talaga ako gagawa.

Nag enter na ako ng password and email address, madami rin pala kaik-ikan tong facebook na to, nilagay ko lahat ng information about me. Nga pala I forget to introduce myself. ^_~

Ako si Maxine Jang, philkor kung tawagin ko ang nationality ko, half Korean half Filipina kasi ako, my mom was a Filipina at ang dad ko naman ay Korean. May Hotel kami sa Tagaytay, mom and dad ko ang namamahala nun but someday ako na magmamanage ng business namin, nag aaral pa kasi ako pero two years from now gagraduate na ako. I’m second year college ang course ko Business management, parents ko ang may gusto nung course na yun pero nang tumagal na nagustuhan ko narin.

Ididescribe ko paba ang sarili ko? Pilitin nyo muna ako ^_^ just kidding, hindi sa pagmamayabang sabi nila angelic face daw ako, sabi nila yun ah. Sexy ako hehehe ang lakas na ng hangin ko nuh? Tama na nga pagdidescribe ko sa sarili ko baka tangayin na kasi ako ng kahanginan ko.

Inaadd ko na ang kaibigan kong si Krystal sa facebook. Ay nakalimutan ko palang mag upload ng profile picture ko. Pumili ako ng pinakamaganda kong picture at yun ang ginawa kong profile pic. ~_^

Nilibot ko yung site na yun para malaman ko ang dapat kong malaman at tsaka meron din tutorial kaya madali lang siya.

One notification, you are now friend with Krystal Mendez.

Woah O_O ang bilis mag accept ng bruhang to. Napaghahalatang masyadong adik sa facebook. Nagsuggest pa talaga ng mga kaibigan ha, bahala na nga iaaccept ko nalang yung mga friend request wala namang mawawala sakin. Diba? O_o

Nag message sakin si Krystal.

Chat Conversation:

Krys: ‘WTF’

Me: Anong WTF?

Krys: Welcome to Facebook ^_^

ME: Adik ka kala ko minumura mo na ako eh.

Krys: Taga bundok ka kasi hehehe.

Me: Makalait naman ang Facebook adik. :P

Krys: Magiging adik ka rin, kala mo.

Love OnlineWhere stories live. Discover now